Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Common Sense

07 March 2016

Halos 10 taon na si Cath sa mga among taga Mid-levels, pero tandang tanda pa niya nang dalhin siya ng among babae sa palengke para maging pamilyar siya sa lugar dahil kasama sa trabaho niya ang pamimili ng lulutuin araw-araw. Isang araw ay inutusan si Cath ng kanyang amo na bumili ng paboritong gulay ng kanyang alaga. “Auntie (tawag nito kay Cath), today you will buy the favorite vegetable of mui mui. You buy the small tree”. Hindi na naisip tanungin ni Cath kung ano ang talagang gustong pabili ng amo sa tinuran nitong “small tree” pero sumagot din siya agad ng “Yes, ma’am”. Pagdating niya sa palengke ay doon lang niya pinag-isipan ng husto kung ano ang gustong ipabili ng kanyang amo. Naikot niya ang palengke ng tatlong beses hanggang mamataan niya ang broccoli, at noon lang niya naisip na ito lang ang gulay na maihahalintulad sa maliit na punong kahoy. Agad niya itong binili at dali-daling umuwi na. Naabutan pa niya ang among babae sa kusina, na agad na tiningnan ang kanyang dala-dalang trolley, bago sinabi ang, “Auntie, how much the small tree? You are smart, auntie”. Napangiti na lang si Cath at pilit na pinigilan ang halakhak. Sa isip niya, mahirap ang magtrabaho kung hindi sila nagkakaintindihan ng amo, kaya sa bawat utos nito ay common sense na lang ang ginagamit niya. Sa paglipas ng panahon ay natuto na ring magsalita ng English ang kanyang amo, lalo na ang mga tamang salita para sa mga gulay, kaya mas gumaan na ang kanyang trabaho. Si Cathy ay tubong Ilocos Sur. – Regina de Andres
Don't Miss