Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Daig pa nito ang CCTV

31 March 2016

Parehong nagtatrabaho ang mag asawang amo ni Mary at madalas na bumibiyahe ang mga ito sa ibang bansa. Ang lagi lang niyang kasama ay ang kanyang 12 anyos na alaga. Kapag nasa bahay naman ang alaga niya ay lagi lang itong nakakulong sa kuwarto at naglalaro ng playstation, kaya sinasamantala ni Mary ang pagkakataon na makapag internet at makipagtsismisan sa mga kaibigan online. Ilang beses na ring napagsabihan si Mary dahil dito. Sinabi ng kanyang amo noon na puwede naman siyang makipag-usap sa kanyang mga kaibigan ngunit huwag naman daw umabot ng ilang oras ang telebabad nito. Hindi nakinig si Mary at sinamantala ang mga panahong nasa ibang bansa ang mga amo para ituloy ang kanyang pakiki-chat sa internet o paglalakwatsa sa labas. Katwiran niya, kahit naman naiiwan ang kanyang alaga ay wala naman itong pakialam sa kanya dahil lagi din itong nakakulong lang sa kanyang kuwarto at hindi alam ang kanyang ginagawa. Nang bumalik na ang kanyang amo ay agad siyang sinita at sinabing hindi siya sumusunod sa sinasabi nito dahil alam umano niya na lagi pa rin siyang nakatelebabad at halos walang ginagawa maghapon. Itinanggi naman ni Mary ang bintang ng amo, ngunit binigyan siya ng warning nito at sinabing alam niya ang mga kilos ni Mary kahit wala sila sa bahay. Sa paghihinalang may CCTV sa kanilang bahay ay hinalughog niya ang lahat ng sulok ng bahay ngunit wala naman siyang nakita. Isang araw na nasa ibang bansa uli ang kanyang amo, narinig niyang may kausap ang kanyang alaga sa telepono, at doon niya narinig na nagsusumbong ang kanyang alaga sa kanyang nanay at sinasabi ang lahat ng kilos at galaw niya. Daig pa pala ang CCTV sa kanyang alaga dahil detalyado pang sinasabi sa kanyang ina ang mga ginagawa ni Mary. Mula noon ay maingat na si Mary sa kanyang kilos kapag nasa bahay ang kanyang alaga dahil lahat ng gawin niya ay tiyak na irereport nito sa amo niya.   –Jo Campos

Don't Miss