Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

First kiss

31 March 2016


Boy:  ’Tay, pinapagalitan ako ng titser ko.
Tatay:  Bakit daw anak?
Boy:  Kasi po, hinalikan ko ’yung seatmate ko!
Tatay (napangiti):  Itong anak ko talagang ito, manang-mana sa akin. ’Wag mo dibdibin ang teacher mo ako na ang bahalang magpaliwanag. ’Di niya siguro naiintindihan nagbibinata ka. Eh, ano pakiramdam anak, masarap ba naman?
Boy:    Ah, eh..
Tatay:  ’Wag ka na mahiya sa ’kin. Tatay mo ’ko. Ano, masarap ba ’yung pakiramdam?
Boy:  Opo ’tay. Super sarap! Ang pogi kasi ng seatmate ko, grabeh! Hayyyy….— Joseph Bautista

Duguan
Tatay: Naku anak! .. dumudugo ang daliri mo! (sabay sipsip sa daliri ni Boy) Napano ka ba? Bakit ka nagkasugat?
Boy: Tiniris ko lang po yung garapata ng aso natin ... —Winer Aguilar

Genie
Isang mag-asawa ang naglalaro ng golf. Nang mag-“drive” ang lalaki, nagkamali siya ang tama at lumipad ang bola niya papunta sa kalapit na bahay. Narinig nila ang tunog ng nabasag na pintong salamin.
“Dapat ay himingi ka ng paumanhin sa may-ari ng bahay,” ika ng babae sa asawa.
Nagpunta ang dalawa sa bahay at kumatok. Nang walang magbukas, pumasok ang mag-asawa sa nabasag na pinto at nakita ang bola at ang isang flower vase na nabasag din.
Nagulat sila nang isang lalaki ang nagpakita. Hihingi na sana ng paumanhin si Mister nang sumagot ang lalaki: “Ako ang dapat magpasalamat sa inyo. Ako’y isang genie at pinalaya ninyo ako matapos ng isang libong taong pagkakakulong sa flower vase na iyan. May tatlong wish na puwede kong pagbigyan. Bibigyan ko si Mister ng isa, at isa rin kay Misis. Ang pangatlo ay sa akin. Ikaw, Mister, ano ang wish mo?”
Mister: Gusto ko ng sampung milyong piso.
Genie: Nasunod na po. Nasa bangko na ninyo ang sampung milyong piso.
Misis: Ako naman, gusto ko ng bahay sa Forbes Park.
Genie: Masusunod din po ang inyong kahilingan. Ngayon, para sa aking wish, gusto ko naman na makasiping si misis.
Dahil sa malaking halagang ibinigay niya sa kanila, pumayag si Mister.
Pagkatapos ng pagsisiping, sinabi ng Misis kay Genie: “Ewan ko ba kung bakit pumayag ang mister ko na makipagtalik sa iyo.”
Sagot hi Genie: “Ewan ko rin kung bakit may mga tao pa ring naniniwala sa genie.”
Don't Miss