Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

For the period April 1-15, 2016

31 March 2016


DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96
Maraming oras ang kailangang gugulin sa trabaho sa darating na mga araw at maaring malagay sa alanganin ang relasyon sa mga mahal sa buhay. Maaring mabigo sa pag-ibig ngunit sa lalong madaling panahon ay makakahanap din ng mas karapat-dapat  lalo na kung laging positibo ang pananaw. Matinding pagod ang mararamdaman kaya maglaan ng sapat na oras sa pahinga para mabawi ang nawalang lakas.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97
Iwasang matali sa responsibilidad lalo na kung hindi bukal sa loob ang ginagawa. Pag-aralang mabuti ang sitwasyon bago sumabak sa labanan upang hindi mapahamak. Mag-ingat sa mga taong mahilig manlamang sa kapwa, o sa mapagsamantala. Kilalanin nang husto ang mga kaibigan dahil malaking iskandalo ang idudulot ng maling pagtitiwala kung sakali.

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98
Magkakaroon ng hindi inaasahang  pagbabago at maaring hindi lubos na maunawaan kung bakit ito kailangang mangyari, pero huwag mag-alala dahil maganda ang resultang kaakibat nito.   Dismayado sa ipinapakitang pag-uugali ng mga anak pero kailangang ipakita sa mga bata na kayang kontrolin ang sitwasyon. May problema sa sikmura kaya iwasan ang mamantikang pagkain, pati kape at alak.

 KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87
Maraming oportunidad ang darating sa mga susunod na araw at kailangang pag-isipang mabuti ang hakbang na gagawin.   Panahon na para talikuran ang mga nakasanayang gawi sa trabaho at sanayin ang sarili sa kumpetensiya para maabot ang tagumpay. Unti-unting magkakaroon ang katuparan ang mga pangarap, pati na rin sa pag-ibig.
.
 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88
Mahigpit ang pangangailangan sa pera kaya sikaping magtipid ng husto at huwag gumastos sa mga bagay na hindi kailangan. Maaring mauwi sa pagtatalo ang talakayan sa pagitan ng bawat miyembro ng pamilya. Huwag hayaang matali ang sarili sa relasyon na walang patutunguhan. Sa mga walang asawa, maaring makilala ang taong magpapatibok sa puso.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89
Magkakaroon ng malaking pagbabago sa buhay dala ng magandang takbo ng negosyo. Sa mga mag-asawa, maglaan ng panahon para seryosong pag-usapan ang plano sa buhay upang malinaw ang patutunguhan ng relasyon. Kung kailangang gumawa ng agarang desisyon, pag-aralang mabuti ang hakbang upang hindi mapahamak. Matinding pananakit ng ulo ang mararanasan kaya iwasan ang mataong lugar o magulong paligid.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Maganda ang pasok ng pera sa linggong ito kaya maaring bilhin ang bagay na matagal nang inaasam. Matinding panghihina ang mararamdaman at makakatulong nang husto ang bakasyon sa tahimik at maaliwalas na lugar. Makikilala na sa wakas ang taong magbibigay o magpupuno ng iyong kaligayahan. Tatambad ang maraming  oportunidad sa trabaho kaya samantalahin ang bawat pagkakataon para  ipamalas ang kakayahan.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91
Malaking problema sa pera ang haharapin sa linggong ito pero kung malaki ang impok sa bangko ay makakatulong ito nang husto. Maglaan ng oras sa pamilya gaano man kaabala sa trabaho at iba pang bagay. Maaring masira ang iniingatang reputasyon sa trabaho kung sakaling magkamali pero kailangang sumugal para lalo pang makilala ang kakayahan. Mag-ingat sa patibong ng mga kasamahan sa trabaho.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Isang pambihirang pagkakataon ang susuungin at kailangang gumawa ng desisyon na base  sa intuwisyon at sentido kumon. Panatilihing masaya ang disposisyon sa buhay kahit maraming problema na dapat harapin. Sa mga mag-asawa, punan ng pang-unawa ang nakikitang pagkukulang ng bawat isa. Asikasuhing mabuti ang pangangailangan ng anak.

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Makakatulong ng husto ang lakas ng loob upang maiwasan ang matinding pagkakamali. Malaki ang pangangailangan sa pera pero laging isipin na hindi solusyon ang pagkapit sa patalim.. Makakakuha ng positibong tugon kung magpapamalas ng tunay na pagkagiliw sa taong napupusuan.  Sa lahat ng panahaon ay sikaping laging may oras na nakalaan para sa pamilya.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Maaring magkakaroon ng malaking problema lalo na kung hindi mag-seseryoso sa buhay. Panatilihin ang depensa sa sarili sa loob ng trabaho dahil sa bawat tagumpay ay nadadagdagan din ang mga kaaway. Walang problema sa kalusugan pero huwag magpabaya para manatiling masigla ang isip at katawan. Matiwasay ang sitwasyon sa loob ng tahanan.

BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Manunumbalik ang lakas mula sa hindi maipaliwanag na pananamlay kaya kailangan ibaon na sa limot ang masamang alaala. Huwag magpadala sa silakbo ng damdamin lalo na kung kailangang gumawa ng importanteng desisyon. May malaking problema sa loob ng tahanan kaya huwag magpakita ng paghihina para hindi maapektuhan ang buong pamilya.

Don't Miss