Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Hindi nakalusot ang palusot

31 March 2016


Tahimik lamang na nagmamasid si Mang Roger sa mahaba haba ng pila sa Kosulado habang tumitingin siya sa unahan.  Minamanmanan pala niya ang bagong dating na tibo na masayang bumati sa nasa unahan ng pila. Maya-maya pa ay nakikipagkwentuhan na ang tibo sa mga nakapila sa unahan. Noong magbukas ang lift at lumakad na ang pila, sumingit na siya sa harapan. Patakbong sinigawan ni Kuya Roger ang tibo na sumingit sa harapan ng pila, Minura niya ito at hinila paalis sa pila sa unahan at sinabihang ng, “Ang galing mo naman, kami maagang gumising para sa pila, tapos ngayon late ka nang dumating uunahan mo pa kami?” minura pa siya. Sagot naman ng tibo na nataranta sa pagkabigla, may appointment na daw kasi siya sa pagpapakuha ng litrato para sa passport, at sinabihan siyang bumalik na lang, kaya akala niya ay hindi na siya kailangang pumila. Sa inis ni Mang Roger ay sinabihan ang tibo na kailangan pa din itong pumila, may appointment man siya o wala. Walang nagawa ang tibo kundi ang lumakad papunta sa dulo ng pila. Si Mang Roger ay pauwi noon sa Pilipinas ng wala sa plano dahil nagkasakit ang isa sa mga miyembro ng kanyang pamilya. Nagpa- extension lamang siya ng validity ng passport niya para makauwi at makabalik sa Hong Kong ng walang problema sa kanyang dokumento.- Marites Palma

Don't Miss