Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Nagkabalikan

07 March 2016

Halos 15 taon na mula nang maghiwalay ng landas nina Jing at Norie. Naging magkarelasyon sila dito sa Hong Kong at kahit lihim lang ang kanilang relasyon ay tumagal din ito ng halos isang taon. 

Hindi kasi maamin noon ni Norie na ang kanyang kasintahan ay isang tibo. Dahil dito ay itinago niya ito sa kanyang mga kaibigan at pamilya sa Pilipinas. Kalaunan ay naghiwalay din sila at si Jing naman ay umuwi na sa Pilipinas at doon na naghanapbuhay. Matapos ang maraming taon ay nagkaroon muli ng komunikasyon ang dalawa sa pamamagitan ng Facebook. Nagsimula sa kumustahan at laging pag-uusap sa messenger, at halos araw-araw ay nagkakausap din sila sa chat. 

Marahil dahil may nakaraan sila ay nagkaroon ulit ng pagkakataon na sariwain nila ang kanilang mga nakaraan. Si Jing ay single hanggang ngayon samantalang si Norie ay nagkaasawa at anak, pero ngayon ay hiwalay na. Unti-unting nabuo ulit ang kanilang pagtitinginan, ngunit ang problema ni Norie ay hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag sa kanyang anak ang kanilang relasyon, at kung paano nito tatanggapin. Hindi siya nangangamba sa kanyang mga magulang at kapatid dahil alam niyang puwede siyang unawain ng mga ito. Ang payo naman sa kanya ng kanyang mga kaibigan ay pag-isipan niyang mabuti ang kanyang sitwasyon at siguraduhing ito nga ang relasyong gusto niya at saka niya ipaliwanag sa kanyang anak. 

Mahirap nga naman na sumubo siya sa isang relasyong hindi rin naman tiyak ang patutunguhan, lalo na at si Jing ay nasa Pilipinas at si Norie ay nasa Hong Kong pa rin. Ayon pa sa mga payo ng kanyang kaibigan, mahirap ang isang long distance relationship o LDR, at kailangang buo ang loob ng magkarelasyon na panatilihin itong maayos. 

Ang pinakaimportante, hindi rin makasiguro si Norie sa kanyang damdamin dahil baka rin lang daw matagal na siyang di umiibig kaya’t nahulog muli ang loob niya kay Jing. Si Norie ay isang dalagang ina na may 14 anyos na binatilyong anak.  –Jo Campos
Don't Miss