Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Paano Sasabihin

07 March 2016

Isang bagong kaibigan ni Jam sa Facebook ang laging nagpo-post ng ano man ang gawin at puntahan nito, ano man ang pagkain, suot at kasama. Mahilig din itong mag selife, kaya sa maghapon ay tila siya lang ang laman ng newsfeed ni Jam. Hindi naman nababahala si Jam sa mga post nito ngunit minsan ay nakita niyang inilagay ng kaibigan ang mga larawan ng bagong bahay na lilipatan ng mga amo niya, at bawa’t silid at pati na ang mismong building nito ay naka-post din sa FB page nito. Medyo nabahala si Jam dahil alam niyang maaring makaapekto ito sa seguridad at privacy ng amo ng kaibigan, at malamang na lingid sa kaalaman ng mga ito ang pagpo-post ng kanilang katulong. Alam din kasi ni Jam na ang mga amo, partikular na ang mga Intsik, ay ayaw na ayaw  inilalahathala ang kanilang mga bahay. Lalong nabahala si Jam nang makita niyang naka-hashtag pa ang mismong address o lokasyon ng naturang lugar. Ang problema nga lang ay hindi alam ni Jam kung paano niya ito ipapaliwanag sa bagong kaibigan na ito ay hindi tama. Baka kasi masabihan pa siyang pakialamera at nagmamagaling kaya’t minabuti niyang tumahimik na muna. Sana nga lang ay hindi ito malaman ng mga amo, o magdulot ng kapahamakan sa kanilang pamilya. Umaasa din siya na balang araw ay magsasawa din ang kaibigan sa pagpo-post ng kung ano-anong impormasyon sa kanyang FB wall. –Jo Campos
Don't Miss