Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Pinoy Jokes: Oo nga naman

28 March 2016

Mga tanong na walang kasagutan:
1. Does Jennifer Love Hewitt?
2. Where did Van Gogh?
3. Did Rachelle Ann Go with him?
4. Why are Norman Black, Redford White and Chris Brown?
5. Where did Sandara Park?
6. Is Chow Yun Fat?
7. What did Henry Sy?
8. Did Jordan Sparks?
9. When will Orlando Bloom?
10. What is Victoria’s Secret?
11. What does David Cook?
12. If you know the answers, Wilma Doesnt.

Exam trick
Nag-exam si Annie kahit hindi nag-review.
Tiningnan  niya ang kanyang test paper at napangiti dahil True or False lang pala ang sagot. Naglabas siya ng coin at pinitik paitaas.
Pagsalo niya, tiningnan ang coin. Kapag harap ng coin ang lumabas, ang sagot ay True; kapag likod ang lumabas, ang sagot ay False.
Napansin ng teacher ang pagkoko-coin toss si Ate, kaya sinita siya: “Annie, ano ang ginagawa mo?”
“Ma’m, pantulong lang ito sa pagsagot sa test.”
Natapos agad ni Annie ang test sa loob ng kinse minuto. Pero patuloy siya sa pagko-coin toss.
Sinita ulit siya ng teacher.
Ang sagot ni Annie: “M’am, dahil may oras pa, sinisiguro ko lang ang mga sagot ko.”

Malungkot
Napansin ni Pedro na malungkot si Andres.
Pedro: Pare, malungkot ka yata.
Andres: Namatay kasi yung nanay ko. Nag-iwan ng P40,000.
Pedro: Nakakalungkot nga.
Andres: Noong sumunod na buwan, namatay naman ang tatay ko ay nag-iwan sa akin ng P80.000.
Pedro: Aba, masama talagang trahedya ang mawalan ng ina at ama sa loob lang ng dalawang buwan.
Andres: Noong ikatlong buwan, namatay naman ang tiyahin kong matandang dalaga ay nag-iwan sa akin ng P600,000.
Pedro: Tatlong kapamilang namatay sa talong buwan. Nakakalungkot nga.
Andres: Oo, pare, lalong malungkot ngayong buwan, dahil walang nag-iwan ng mana sa akin.

Nangangagat
Nakita ni Boyong si Enteng na nakaupo sa isang bench sa Luneta.Sa ilalim nito ay nakaupo rin ang isang aso.
Boyong: Enteng, nanga-ngagat ba ang aso mo?
Enteng: Hindi.
Lumapit si Boyong sa aso at  tinapik ang ulo into. Bigla siyang kinagat nito.
Boyong: Enteng, bakit sinabi mo hindi nangangagat ang aso mo?
Enteng: Hindi ko aso ‘yan!



Don't Miss