Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Solusyon

07 March 2016

Natuwa pa si Joy noong mabalitaang may kalaguyo ang asawa na kapitbahay din nila sa Pilipinas, dahil mayroon na siyang mabigat na rason para makipaghiwalay. Wala na kasing hanapbuhay ang kanyang asawa ay nambabae pa. Maraming taon siyang nagtiis dahil wala naman siyang mabigat na dahilan para dispatsahin na lang basta ang batugang asawa. Pero dahil sa ginawa nitong pambabae ay alam ni Joy na hindi na siya masisisi kung iwanan na niya ang lalaki. Sa isang banda ay masama din ang loob ni Joy sa pagkawasak ng binuo nilang pamilya pero mas makakabuti na daw ang nangyari dahil mas panatag na ang loob niya ngayon. Isa na lang kasi ang aalalalahanin  niya, at ito ay ang mabigyan ng magandang edukasyon ang mga anak. Ayaw niyang magaya ang mga ito sa kanya na hindi nakatapos sa kolehiyo dahil nag-asawa agad. Wala siyang tanging hiling ngayon kundi magabayan sila ng Panginoon para maging mabuting mag-aaral ang mga anak, at siya naman ay patuloy na maging malusog para patuloy na makapagtrabaho hanggang kinakailangan. Sa Hong Kong ay nililibang niya ang sarili sa pagsali sa grupo ng mga sumasayaw. Kahit paano kasi ay nawawala lahat ang kanyang hinanakit sa buhay tuwing sila ay sumasayaw na. Mababait naman ang mga amo niya sa kanya at hindi mabigat ang kanyang trabaho. Wala ring problema pagdating sa pagkain. Kung minsan ay parang naniniwala na tuloy siya na kung mabait ang mga amo ay problema naman ang dulot ng asawang iniwan sa Pilipinas. Si Joy ay 38 taong gulang na tubong Quirino province, at kasalukuyang naninilbihan sa mga among Intsik sa Tsing Yi. – Marites Palma
Don't Miss