Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Balitaktakan dahil sa pulitika

15 April 2016

Laging kalmado si Jane kahit ano pa mang sitwasyon siya napapaharap, pero hindi niya napigilang mainis sa pambabastos ng ilang mga supporter ng ibang kandidato. Minsan ay sumama siyang mangampanya sa mga kaibigan, at ganoon na lang ang inis niya dahil panay kantyaw mula sa kabilang kampo ang inabot nila. Mabuti na lamang at kalmado pa rin ang isa nilang kasama at sinabing lumayo na lang sila para maiwasan ang pakikipagsagutan sa mga maiinit ang ulo na kampi sa ibang kandidato. Ayon naman kay Jane, iba na talaga ang ugali ng mga tao ngayon. Sobrang garapal at wala ng respeto sa paniniwala ng iba. Aniya, hindi man nila igalang ang gusto ng iba, dapat ay hindi din sila mambastos o manghiya dahil lang iba ang kanilang sinusuportahan. Naranasan niya ito mismo, nang nakasalubong nilang magkakaibigan ang isang kumpol ng mga kababaihan na pilit idinidikit sa kanilang mga mukha ang T-shirt na may pangalan ng kanilang kandidato. Dito niya napatunayan na talagang walang karespe-respeto sa kapwa ang mga ito. Dahil sa nasaksihan ay lalo niyang napatunayan sa sarili na tama ang pinili niyang maging presidente. Ngayon ay hindi na siya tinatablan ng tukso dahil sa kanyang sinusuportahang kandidato. Ang panalangin lang niya, sana ay manalo ang pinili niyang kandidato. – Marites Palma


Don't Miss