Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Covers the period Feb 16-28

15 April 2016

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91
Dahil sa pagiging sensuwal, gumaganda lang ang pakiramdam mo kung ikaw ay umiibig, kahit hindi sa iisang tao lang. Kung may asawa, gagawin nito ang makakaya upang mapaligaya ka at mapanatili sa kanyang piling. Hangga’t maaari, iwasan ang pakikipagtalo ngayon, lalo na kung tungkol sa problema sa pamilya, at pakaiwasang magalit ng husto sa mga anak kahit pa may pagkakamali sila. Bantayan ang kalusugan. Lucky numbers: 16,17,24 at 36.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Lahat ng hinagpis, limitasyon o anumang balakid sa iyong hangarin ay mawawala. Magiging magaan ang lahat sa pag-ibig, pera, kalusugan at trabaho, samantalahin ito. Huwag hayaang maguluhan sa iba’t ibang ideyang dumarating sa iyo. Nasa tamang posisyon ka upang makamit ang kasiyahang hinahanap, lalo na kung tungkol sa pagbi-biyahe at sa ibang bansa ang pupuntahan. Isa sa mga kaibigan mo ang pilit pa ring sinasamantala ang kabutihan mo; patigilin agad ito. Lucky numbers: 9,15,26 at 45.
44.
TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Kaya mong lagpasan ang anumang pagsubok ngayon dahil may kakampi at taga-suporta ka. Pero, lalakas din ang iyong pangamba at takot, at maging ang pamilya ay mabababahala. Magiging tensyonado rin sa iyong paligid dahil pangingilagan ka ng iyong mga kasamahan. May perang matatanggap kaya pagdududahan mo ang tunay na motibo ng ibang taong lumalapit sa iyo. Lucky numbers: 3,13,29 at 38.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Dahil masyado kang excited, humihina ang iyong pakiramdam sa kung ano ang makakabuti at makasasama sa iyo; mag-ingat. Higit sa lahat, huwag magpadala sa tukso upang malutas ang problema sa ilegal na paraan na maaring pagmulan ng iskandalo. Upang makaiwas sa sakit sa puso, bawasan ang pagkain ng karne at pagkaing mamantika, at dagdagan ang pagkain ng isda at sariwang gulay. Lucky numbers: 9,15,26 at 39.
.
BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Mag-ingat sa mga pamamaga. Iwasang uminom ng mga gamot lalo na kung hindi ito inireseta ng doktor. Maiirita ka sa pagka-antala ng iyong mga plano, piliting kumalma dahil wala ring mangyayari at madadamay lang ang taong malalapit sa iyo sa init ng ulo mo. May mga bagay kang kinatatakutan at ikinalulungkot ng husto sa panahong ito. Lucky numbers: 7,25,31 at 42.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96
Masipag kang makipagsapalaran at tumuklas ng mga bagong bagay at kaalaman. Ipagpatuloy mo ito at huwag nang lumingon sa nakaraan. Magagamit mo ang talino at pasensya upang malutas ang kinaiinisang problema. Maaaring maakit ka sa isang tao dahil sa lakas ng karisma nito, pero hindi kayo bagay sa intelektuwal na kakayahan kaya baka malagay ka sa alanganin. Lucky numbers: 15,17,20 at 37.
 39.
BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97
Mag-ingat sa mga taong nakakausap, mas mainam na huwag munang magtiwala kaysa masira ang iyong tiwala. Kung susubok ka, siguraduhing kalkulado mo ito ng husto. Manigurado sa iyong babagsakan kung hindi ay masasaktan ka. Malulubos ang kasiyahan kung mapapalapit ka sa taong mahal mo. May tsansa kang makipag-partner sa isang dayuhan upang mas tumatag ang iyong katayuan. Lucky numbers: 25,31,40 at 45.
.
TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98
May problema sa trabaho, maging mapagmatyag at maingat habang naghihintay ng pagbuti ng kalagayan nito. Mag-ingat sa kinakain, bawasan ang pagkaing mataas sa cholesterol, matatamis at alcoholic drinks. Huwag kaligtaan ang maliliit na detalye at busisisiin ang lahat ng papeles na pinapapirmahan sa iyo. Ingatan ang iyong ari-arian. Lucky numbers: 12,29,35 at 40.

 KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87
Iwasang masaktan ng husto dahil sa labis na tiwala at halos pagsamba sa isang tao na lubos mong pinaniniwalaan ang lahat ng sinasabi! Maiinis ka at aayawan mo ang anumang obligasyon at responsibilidad na magdudulot ng tension sa pamilya o katrabaho. Pero malaki ang tsansa mong mahanap ang posisyong magbibigay sa iyo ng kalayaang gumawa ng sariling desisyon at magkaroon ng sapat na responsibilidad. Lucky numbers: 9,17,26 at 41.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88
Magiging maayos ang relasyon sa trabaho ngayon, kahit pa mayroon pa ring pagkakaiba ng opinyon at pamamaraan dahil hindi naman lalala ang sitwasyon. May mga taong naiinis sa iyong pagiging prangka pero sadyang ayaw mo lang magsinungaling o mambola para lang kagiliwan ka ng mga kaibigan. Sa love life, mas nanaisin mo na ngayong ipakita at iparamdam ng husto ang iyong pagmamahal. Lucky numbers: 19,28,34 at 43.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89
Matatapos mo ng maayos ang sinimulang proyekto o gawain. Walang hirap mo ring maaalis ang anumang hadlang sa iyong hangarin. Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng hidwaan sa magulang at anak. Kahit kakaunti ang oras ng pahinga, bigyan ng tamang atensyon ang pamilya, at kahit mahirap sa ngayon, ang pagbibigay ng prayoridad sa mahal sa buhay ay ikakasisiya nila ng husto. Magiging maingat ka ngayon sa pakikipag-relasyon. Lucky numbers: 11,16,29 at 36.


KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Para sa iyo, ang mumunting atraksyon ay mabilis na magiging maalab na pag-ibig. Huwag hayaang masira ang pinagpaguran ng dahil sa pabigla-bigla mong desisyon at diskarte. May mga mahuhusay kang ideya na maari mong magamit sa iyong trabaho, pero paghandaan ito ng husto. Maiirita ka at maaaring maubos ang pasensya mo sa mga anak o asawa, at mapapaaway din sa kapitbahay. Lucky numbers: 6,17,25 at 37.

Don't Miss