Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Covers the period Apr 15-30

15 April 2016

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Magkakaroon ng pagtatalo sa mag-asawa dahil sa magkaibang pananaw tungkol sa mga gastusin. Tamang panahon ito para pumirma ng kontrata, bumili ng ari-arian o pumasok sa mahalagang kasunduan. Aliwin ang sarili sa mga kapana-panabik na libangan upang mawala sa isip ang mga negatibong bagay. Kung dati ay mahusay kang mamagitan sa mga away, ngayon ay ikaw mismo ang magpapalaki ng gulo, pero sa bandang huli ay mapapakalma rin ang sarili. Lucky numbers: 9, 12, 24 at 35.
44.
TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Unti-unti ay makakaalpas ka sa problema, pero mag-ingat sa blackmail. Rayuma at pananakit ng kasu-kasuan ang mararanasan; ugaliing matulog ng maaga. Magagamit mo ang angking abilidad sa trabaho kaya maayos mong matatapos ang importanteng gawain. Oras na upang ayusin ang pananalapi at harapin ang mga bayarin. Piliin ang long term investment upang mabawasan ang regular na gastusin. Lucky numbers: 17, 21, 29 at 31.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Palagay mo ay pinagtampuhan ka ng kapalaran sa mga kamalasang dumarating, pero lilipas din ito. Bayaran agad ang mga bills, mga utang at buwis upang hindi magkapatong-patong ito, at tiyak na giginhawa ang pakiramdam. Upang maibsan ang naiipong stress na nakakabigat sa pakiramdam, gawing regular ang pag-relax sa pamama-gitan ng yoga, tai chi o pagggamit ng pampakalmang langis at tanim.
.
BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Kailangan mo ng sapat na pahinga at mag-relax upang mabawi ang kontrol sa sarili. Upang makaiwas sa madalas na pananakit ng ulo, huwag gaanong seryosohin ang mga problema. Maayos ang paghawak mo ng pera at mapapalago mo pa ito. Kung single at mahilig sa adventure, humanda ka sa hindi malilimutang karanasan ngayon, na magbibigay sa iyo ng ibayong sigla. Lucky numbers: 5,6,18 at 25.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96
Swerteng madidiskubre mo ang pangarap na tirahan. Tuwa at saya ang idudulot nito sa tahanan. Makatutulong ang pagboluntaryo sa ilang makabuluhang gawain upang mabigyan ng bagong pananaw ang personal na problema. Magagawa mo ang gusto mo ngayon ng walang magiging problema. Mas madali kang makipag-usap ngayon kaysa dati, pero pakaiwasan ang magsabi ng sikreto kahit kanino. Lucky numbers: 11, 16, 30 at 44.
 39.
BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97
Kung matatanggap mo ng maayos ang mga dumarating sa iyong buhay, mas bibigyan mo ng halaga ang mga sandaling kasama ang mahal sa buhay. Kailangan mo ng balanseng pagkain, hindi mamantika at sagana sa prutas at gulay. Wala kang swerte sa anumang sugal sa ngayon. Bigyan ng pansin ang problema sa pamilya. May malilit na problema at away sa pagsasama, pero mas mabuti ito kaysa manahimik na lang.
.
TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98
Bagong buhay ang pwede mong pagdaanan: bagong kakilala at kasamahan, paglipat ng tirahan, pag-asenso sa trabaho o pag-angat ng kalagayan. Magiging masaya ang pagsasama, maayos ang relasyon sa anak, at mae-enjoy mo ng husto ang buhay. Minsan ay kailangang isantabi ang self pride at makinig sa payo ng iba. Iwasan ang labis na pagkain ng seafood, mamantika at maanghang na pagkain. Uminom ng maraming tubig. Lucky number: 12, 15, 23, 44.

 KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87
Papalarin ka sa anumang hakbang at desisyon mong gagawin. Magiging ganado ka sa gagawin at maipapamalas mo ang balanse, eksakto at malinaw na layunin. Matitikman mo ngayon ang ang kasaganaan dahil tuloy ang pasok ng pera, pero mag-ingat na matukso na pumasok sa delikadong transaksyon dahil sa payo ng mga taong hindi naman eksperto. Posibleng matupad ang hinahangad na love life, pero baka hindi ito ikatuwa ng mga anak. Lucky numbers: 4,9,11 at 16.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88
Masipag at kumakayod ka ng husto sa trabaho, pero hindi nawawala ang pagtingin ng marami sa iyo bilang isang baguhan at hindi kaisa ng mga kasamahan. Hindi sapat ang payo na ibinibigay mo sa malalapit sa iyo, bigyan din sila ng tulong. Bibida ka sa mga umpukan at okasyong dadaluhan kasama ang mga kaibigan. Bigyan ng oras ang love life: magkaroon ng oras sa asawa na kayong dalawa lang, o kung single, makipag-adate at gamitin ng husto ang karisma. Lucky numbers: 10, 14, 28 at 39.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89
Mas mataas ang antas ng pagkakaintindihan ngayon sa magka-relasyon. May makakatagpo kang tao na magpapapitlag sa iyong puso. Maganda ang relasyon mo sa mga katrabaho. Nahihirapan kang kontrolin ang pagkain ng alam mong bawal sa iyo. Mas maging maingat ka sa paghawak ng pera, at iwasan ang delikadong bagay, pero makakakita ka ng magandang investment. Lucky numbers: 7, 13, 24 at 46.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Magandang pagbabago sa iyong social life, anuman ang marating ay magiging daan ito sa iyong hinaharap. Sa ngayon ay mas mainam kung mananahimik at mag-isip ng husto. Nasasa-iyong kamay na mabalanse ang budget at upang maiwasan ang panahon ng taghirap sa mga susunod na buwan. Umiwas sa mga kaibigang hindi mapagkakatiwalaan. Mas magiging matibay ang pagsasama ngayon at tandaan na sa pag-ibig ay mas importante ang magbigay kaysa tumanggap. Lucky numbers: 23, 27, 30 at 34.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91
Hindi masisiyahan ang nakatataas sa iyo sa iyong trabaho kaya makakatikim ka ng sermon. Isang taong seryoso at nakakatatanda sa iyo ang magtuturo upang malusutan mo ang personal na problema. Ang nasa isip na makaganti ang bumabagabag sa iyo ng husto; kalimutan ito upang manumbalik ang kapayapaan ng loob. Mas makakasama sa iyo ang idudulot ng paghihiganti kaysa sa iyong kaaway. Lucky numbers: 9, 15, 25 at 33.

Don't Miss