Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Covers the period May 1-15

29 April 2016


DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96
Hindi ka magkandaugaga sa trabaho ngunit huwag panghinaan ng loob dahil masusulit din ang lahat ng hirap at pagod. Maaring mabigo sa pag-ibig ngunit mabilis ding makakabawi lalo na kung mananatiling positibo ang pananaw. Madaling mapagod kaya maglaan ng sapat na oras sa pahinga para mabawi ang nawalang lakas. Magkakaroon ng problema dahil sa asal ng mga anak.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97
Huwag hayaang matali sa responsibilidad lalo na kung napipilitan lang upang hindi masayang ang oras, dahilan upang sisihin ang sarili sa bandang huli. Tiyakin na matiwasay ang paligid bago sumabak sa laban upang maiwasan ang panganib at posibleng kumplikasyon na dulot nito. Mag-ingat sa mga taong mapagsamantala at kilalanin ng husto ang mga kaibigan.

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98
Asahan ang malaking pagbabago na maaring magdulot ng matinding dalamhati pero huwag mag-alala dahil maganda ang resultang kaakibat nito.  Huwag magpaapekto sa hindi kanais-nais na pag-uugali ng mga anak dahil kailangang ipakita sa kanila na kontrolado mo ang sitwasyon. May problema sa sikmura kaya iwasan ang mamantikang pagkain pati na rin ang kape at alak.

 KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87
Ihanda ang sarili sa pagdagsa ng maraming biyaya. Pagtuunan ng pansin ang mga pagbabago na kailangang isakatuparan sa trabaho para mas madaling maabot ang tagumpay. Malaking leksyon ang matututunan dahil maaring mawala ang perang ipinautang sa kaibigan at magiging dahilan ito upang masira ang relasyon na hinubog ng matagal na panahon. Unti-unti nang magkakaroon ang katuparan ang mga pangarap.
.
 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88
Matindi ang pangangailangan sa pera at makakatulong ng husto ang pagkakaroon ng kontrol, lalo na sa pagbili ng mga bagay na hindi naman kailangan. Huwag hayaang matali ang sarili sa relasyon na walang patutunguhan. Sa mga walang asawa, maaring makilala ang taong magpapatibok sa puso. Maglaan ng sapat na panahon para sa sarili upang makapagpahinga ng husto at agad na makabawi ang nanghihinang katawan.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89
Malaking pagbabago ang magaganap dala ng magandang takbo ng negosyo. Sa mga mag-asawa, maglaan ng panahon para seryosong pag-usapan ang plano sa buhay upang magkaroon ng linaw ang patutunguhan ng relasyon. Pag-aralang mabuti ang hakbang bago gumawa ng desisyon upang hindi mapahamak . Matinding pananakit ng ulo ang mararanasan kaya iwasan ang mataong lugar o magulong paligid.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Maganda ang pasok ng pera sa linggong ito kaya maari nang mabili ang isang bagay na matagal nang inaasam. Makikilala na ang taong magbibigay o magpupuno ng iyong kaligayahan. Maraming oportunidad ang uusbong sa trabaho kaya samantalahin ang bawat pagkakataon na ipamalas ang tunay na kakayahan.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91
May malaking problema sa pera ngunit malaking tulong ang naimpok sa bangko upang malampasan ang sitwasyon. Maglaan ng oras sa pamilya gaano man kaabala sa ibang bagay. Huwag matakot magkamali sa trabaho dahil sa ganitong pagkakataon higit na nahuhubog ang tunay na kakayahan. Makakatanggap ng sulat na naglalaman ng magandang balita. Mag-ingat sa mga patibong ng mga kasamahan sa trabaho.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Angkop ang panahon para gumawa ng desisyon na base sa sariling sapantaha at sentido kumon. Panatilihing masaya ang disposisyon sa buhay kahit maraming problema na kailangang harapin. Sa mga mag-asawa, punan ng pang-unawa ang nakikitang pagkukulang ng bawat isa. Asikasuhing mabuti ang pangangailangan ng mga anak.

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Makakatulong ng husto ang lakas ng loob upang maiwasan ang matinding pagkakamali. Malaki ang pangangailangan sa pera pero hanggat maari ay huwag kumapit sa patalim. Makakakuha ng positibong tugon kung magpapamalas ng tunay na pagkagiliw sa taong napupusuan. Sa kabila ng pagiging abala, tiyakin na laging may oras para sa pamilya. Aani ng tagumpay ang mga proyekto kaya linangin ng husto ang sariling kaalaman.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Maaring magkaroon ng malaking problema lalo na kung sobrang pabaya sa buhay. Huwag hayaang maloko ng mga kasama sa trabaho kahit na nangangahulugan itong dadami ang mga kaaway. Maayos ang kalusugan pero huwag magpabaya para manatiling masigla ang isip at katawan. Matiwasay ang sitwasyon sa loob ng tahanan.

BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Madaling maibagay ang sarili kaya maaring pakinabangan ang lahat ng pagkakataon. Babalik ang lakas mula sa hindi maipaliwanag na pananamlay kaya kailangan ibaon na sa limot ang masamang alaala. Kontrolin ang sarili at huwag magpadala sa silakbo ng damdamin. May malaking problema sa loob ng tahanan kaya kailangang maging matatag alang-alang sa pamilya.

Don't Miss