Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

For the period Jan 1-15, 2016

14 April 2016

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96
Magandang kapalaran ang sasalubong sa iyo ngayong taon bagamat maraming oras ang kailangang ilaan sa trabaho. Gampanan nang maayos ang responsibilidad upang hindi masisi kung sakaling may problema. Huwag mag-alangan na humingi ng tulong dahil mas malaki ang tsansa ng tagumpay kung magtutulungan.. Malayo ang mararating ng kasalukuyang relasyon pero laging isipin na dadaan sa maraming pagsubok ang tunay na pag-ibig.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97
Ibaon na sa limot ang hindi kaaya-ayang nakaraan para mas maganda ang pasok ng bagong taon. Iwasan ang mga negatibong bagay upang hindi maapektuhan ang masayang disposisyon. Madaling matukso na gawin ang mga bagay na maaring magsanhi ng pagkalugi ng negosyo. Magkakaroon ng lamat ang relasyon sa mga malalapit na kaibigan. Huwag mag-alangang iparating ang nasa isip sa kinauukulan lalo na kung alam mong pinagsasamantalahan ka.

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98
Apektado ang emosyon at kalusugan dahil sa hindi inaasahang pangangailangan sa pera. Pilitin ang sarili na gawin ang lahat ng makakaya upang makuha ang umento o promosyon na inaasam sa trabaho. Sa kabila ng pagiging abala, tiyakin na laging may sapat na oras para magpahinga. Mahirap pagsabayin ang responsibilidad sa pamilya at lipunan pero maaring kayanin kung matatag ang disposisyon.

 KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87
Mabilis na lilipas ang mga araw. Sa wakas ay malulutas din ang gusot laban sa ilang kamag-anak at muling mangingibabaw ang pagkakaisa sa loob ng tahanan. Magkakaroon ng bagong kaibigan at maaring mauwi sa mas malalim na unawaan ang samahan. May ilang taong magpapakalat ng tsismis laban sa iyo pero huwag magpadala sa bugso ng damdamin para hindi masira ang iniingatang reputasyon.
.
 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88
Dahil sa pagpupunyagi, maraming biyaya ang matatanggap at aani ng maraming papuri. Laging isaalang-alang ang sariling kakayanan kapag dumating ang pagkakataon na kailangang mamili. Huwag hahayaang mawalan ng oras sa pamilya dahil sa dami ng inaasikaso. Ingatan ang perang pinaghirapan at tiyakin na makapag-impok bilang paghahanda sa kinabukasan. Para sa mga walang asawa, lmararanasan ang “love at first sight”.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89
Sa wakas ay makakamit  ang tiwala ng ibang tao lalo na ang mga kasamahan sa trabaho. Harapin ng buong tapang ang mga taong nang-aapi sa iyo dahil kung malinis ang iyong intensyon ay tiyak na magtatagumpay. Huwag magbulag-bulagan at siguraduhing magtanong kung kinakailangan para matuklasan ang katotohanan. Magulo ang sitwasyon sa loob ng tahanan at maaring masaktan dahil sa daloy ng mga pangyayari pero huwag mag-alala dahil mabibigyang-linaw din ang lahat.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Maayos ang takbo ng negosyo kaya tiyak ang magandang pagpasok ng pera. Huwag aksayahin ang panahon sa mga bagay na maaring maging dahilan ng pagkasira ng relasyon sa pamilya. Laging isipin na kung bukal sa puso ang pagtulong ay kusang babalik ang mas malaking biyaya. Mag-ingat ng husto lalo na kung hindi maiwasang magmaneho sa gabi. Huwag mag-atubiling humingi ng tulong sa mga kasama para hindi malagay sa alanganin.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91
Lahat ng pagsisikap na ginagawa mo ngayon ay tiyak na pakikinabangan pagdating ng panahon. Huwag matakot na gumawa ng desisyon dahil sa ganitong paraan lamang maaring maisulong ang adhikain sa buhay. Panatilihin ang kababaang-loob at makibagay nang husto sa mga kasama para maiwasan ang gulo. Magkakaroon ng kumplikasyon ang problema sa atay kaya agad na kumunsulta sa doktor upang maagapan. 

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Matiwasay ang relasyon ng bawat miyembro ng pamilya kaya mas masaya ang pasok ng bagong taon. Huwag umurong sa responsibilidad o sa dami ng kailangang asikasuhin dahil marami ang nakahandang magbigay ng tulong. Maalwan ang pasok ng pera kaya maari ng bilhin ang bagay na matagal nang pinag-iipunan.

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Mas mabuting umiwas muna sa mahahabang biyahe at pagtuunan ng pansin ang mga bagay na nangangailangan ng kagyat na atensyon upang hindi mabagot. Mag-ingat sa lahat ng ginagawa dahil maaring magkaroon ng aksidente. Abalahin ang sarili sa pamamagitan ng ehersisyo upang mawala sa isipan ang malungkot na mga pangyayari nitong mga nakaraang araw. Huwag lalaki ang ulo dahil sa tagumpay na matatamo sa trabaho. 

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Hindi magkandaugaga sa dami ng obligasyon kaya halos mawalan na ng oras para sa sarili. May hindi inaasahang problema na haharapin sa trabaho pero kayang-kaya itong lutasin sa tulong ng ilang mapagkakatiwalaang kasamahan. Ingatan ang kalusugan at iwasan ang mga bisyo na maaring magdulot ng malubhang karamdaman.

BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95

Ang sigalot sa pagitan ng minamahal ay hindi mawawala hangga’t hindi ito hinaharap.  Matindi ang tukso na gumastos sa mga bagay na hindi kailangan kaya kung hindi mag-iingat ay maaring maubos ang perang pinaghirapan. Huwag magpadala sa silakbo ng damdamin. May malaking problema sa loob ng tahanan ngunit kailangan mong magpakatatag dahil nasa iyo ang lakas ng buong pamilya.
Don't Miss