Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

For the period Jan. 16-31

14 April 2016


KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91
Gagamitin mo nang husto ang iyong karisma ngayon, at itotodo mo ang iyong alas upang makuha ang gusto mo. Walang makakatiis sa iyo maging ang naiilang sa iyo sa umpisa, dahil makukuha mo rin ang simpatiya nila. Panindigan mo ang tiwalang ibinigay ng mga tao sa iyo. Iwasang magbitaw ng brutal na pananalita at makasakit ng damdamin upang masabi ang iyong opinyon kahit alam mong tama ito. Lucky numbers: 10,13,19 at 29.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Magpapakita ka ng diplomasya at maayos mo ang gusot, lalo na kung kaanak mo ang sangkot sa usapin. Magiging matiyaga ka hanggang maabot mo ang inaasam. Magkakaroon din ng balanse ang iba't ibang aspeto ng iyong buhay. Pananakit ng leeg ang mararanasan dahil sa lamig. Subukang ma-relax ang muscle sa leeg sa pamamagitan ng hair dryer o pahiran ng balsamo na may taglay na camphor. Lucky numbers: 12,21,33 at 41.
44.
TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Magkakaroon ka ng magandang sorpresa na siguradong ikakagulat at ikakasaya mo. Ikaw ang dahilan ng masayang tahanan dahil maeengganyo mo ang iyong pamilya na kumilos at mag-enjoy nang husto sa lahat ng inyong ginagawa. Sa kabila ng pag-eenjoy mo sa buhay ngayon, seryoso rin ang ginagawa mong paghahanda sa inyong kinabukasan. Lucky numbers: 17, 19, 25 at 35.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Magiging masaya ang panahong ito para sa mga walang karelasyon. Hindi maaring hindi ka mapansin at maraming mabibighani sa iyong karisma. Kumilos at samantalahin ang mga pagkakataong dumarating sa iyo ngayon. Ito na marahil ang oras upang matapos na ang iyong kalungkutan. Sa kalusugan, nababawasan ang iyong sigla, kahit hindi mo aminin ito at alam mo kung ano ang nararapat mong kinakain. Lucky numbers: 9, 15, 26 at 39.
.
BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
May mga biglaan kang nararamdaman, at pag-iisipan mo ng malalim ang nangyayari sa iyong buhay: ang iyong mga pagpili, kagustuhan, hinaing at naging ugali. Makakaalitan mo ang isa among kapitbahay, gamitan ng talino at diplomasya ang pakikipag-usap upang maayos ang problema. Ibubuhos mo ng husto ang iyong atensyon sa pinakaimportanteng proyekto mo sa ngayon, at kakayanin mong lampasan ang lahat ng pagsubok upang magtagumpay ka. Lucky numbers: 5, 18, 22 at 42.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96
Magkakaroon ka ngayon ng lakas ng loob at tapang, at may ngiti kang susubok sa isang mapangahas na bagay. Sa lovelife, walang pagbabagong magaganap, pero mag-ingat sa mga tsismis. Kung ibubuhos ang buong atensyon sa gawain at iwasan ang nakagawiang pangangarap ng gising, ay matatapos mo agad ito ng maayos. Sanayin ang sarili na magtrabaho ng husto para makaiwas mag-isip ng kung anu-ano. Lucky numbers: 15, 17, 20 at 37.
 39.
BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97
Lahat ay magiging maayos sa iyong trabaho kung babawasan mo ang labis na pagsasalita. Hindi ka komportable dito dahil nasanay kang magsabi agad ng gusto mong mangyari, pero mas mahalaga na magkaroon ng tahimik at maayos na samahan. Hindi nakukuha sa taas ng boses ang lahat, alalahanin na ang pagiging ma-diplomasya ay hindi nakakasakit ng tao, pero higit na mabisa ito sa lahat ng pagkakataon. Lucky numbers: 3, 11, 19 at 27.
.
TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98
Desidido kang ipaglaban ngayon ang tunay na nararamdaman. Kung palagay mo ay niloloko ka lang ng isang taong kinagigiliwan mo, makakaganti ka rin sa paraang nararapat. Magiging matalas ka sa negosyong pagkakakitaan, at makikinabang ka ng husto. May dagdag kang swerte sa sugal o pakikipagsapalaran. Ang tahimik at payapang karisma mo ang makakaakit sa mga bagong kakilala, at magpapakita ng interes na makilala ka ng lubos. Lucky numbers: 12,31,32,40 at 47.

 KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87
Makikinabang ka sa positibong lagay ng relasyon sa pribadong buhay at maging sa trabaho. Panibagong sigla at maganda ang direksyon sa trabaho ngayon. Kung single, malaki ang tsansa na maibsan na ang kalungkutan. Mai-enjoy mo rin ang samahan ninyong magkakaibigan. Kung ang pinto sa sa relasyon ay nagsara, mahirap nang ibalik ang dating ugnayan; tanggalin ang pamamataas at agad na gumawa ng paraan na makipagbati. Lucky numbers: 16,21,30 at 40.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88
Nalilito ka sa dami ng nangyayari sa buhay mo ngayon, maging kalmado at kontrolin ang sarili. Dahil sa pabigla-biglang kilos ay maaring mahanap mo ang relasyong hindi inaasahan, pero mahirap ding maakusahan na hindi ka seryoso sa iyong ginagawa. May diskusyon sa pamilya tungkol sa pagbili ng isang bagay, pero kung mapag-uusapan ito nang maayos ay maaaring hindi na lumala pa ang sitwasyon. Sa love life, ang hiling mo ay matutupad ng walang gaanong hirap. Lucky numbers: 4,7,18 at 36.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89
Ang ilang problema sa pamilya ay maaring lumaki. Ang maaaring pagmulan nito ay ang edukasyon ng mga anak at ang direksyong gusto mo para sa iyong ambisyon. Ang negosyo mo sa ngayon ay maayos at walang problema kaya pwede kang maghinay-hinay at harapin ang ibang bagay. Susumpong muli ang allergies na dulot ng alikabok, linisin at i-vacuum nang husto ang kama at silid at pagpagin ang mga kurtina. Lucky numbers: 7,13, 28 at 44.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
May mga problemang darating, katulad ng mga hindi inaasahang gastusin at pagpapaayos ng mga nasirang gamit o kasangkapan sa bahay. Masyado kang na-o-obssess na makahanap ng ideyal na katuwang sa buhay, pero mag-isip mabuti at huwag basta mabulag sa panlabas na anyo dahil baka ka magsisi. Kung may asawa, ngayon ang tamang oras na pag-usapan nang maayos ang bagay na matagal nyo nang pinagtatalunan. Lucky numbers: 12, 26, 28 at 39.

Don't Miss