Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Humiwalay

14 April 2016

Limang taong hindi nakapagbakasyon si Sheena sa Pilipinas. Marami siyang nabalitaang hindi maganda ukol sa kanyang asawa ngunit hindi niya sinisita iyon tuwing nakakausap niya sa telepono. Kaya nitong nakaraang Disyembre ay nabuo ang kanyang plano dahil pinapagbakasyon siya ng kanyang mga amo. Nais na niyang hiwalayan ang batugang asawa dahil nahihirapan na siya sa pag-unawa rito. Wala na ngang trabaho ay nakukuha pang mambabae gamit ang perang pinadadala niya para sa kanilang anak. Nasa eroplano pa lamang si Sheena ay nanggigigil na ito at nag-aalala rin sa maaaring mangyari sa paghaharap nila ng kanyang asawa. Dahil pagod si Sheena sa biyahe ay nagpasiyang magpahinga muna sa bahay ng isang kaibigan sa kabilang bayan dahil nais niyang maging malakas siya pagharap sa pamilya niya at sa asawa. Katabi pa mismo ng kanilang family house ang itinayo niyang bahay kaya ikinundisyon muna ang katawan bago humarap sa kanila. Si Sheena ay tubong-Isabela, 38 taong gulang at kasalukuyang nakabasyon sa Pilipinas. Siya ay nakatakdang bumalik sa Hong Kong sa Enero. — Marites Palma

Don't Miss