Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Malungkot na Pasko

14 April 2016

Nasanay na si Bella na kapag Pasko ay kasama niya ang kanyang pamilya sa Cavite, kabilang ang kanyang dalawang anak na lalaki. Ngunit ilang buwan. bago itong pinakahuling Pasko ay inabisuhan siya ng kanyang amo na hindi siya makakauwi dahil isasama siya sa holiday ng mga ito sa Thailand. Noon pa man ay nalungkot na siya dahil hindi lang sa Pasko niya hindi  makakasama  ang mga anak, kundi pati sa kaarawan ng kanyang bunso ilang araw bago magpasko. Pilit na lang niyang inisip na  trabaho naman ang pinunta niya dito sa Hong Kong at kung iyon ang gusto ng kanyang mga amo, wala naman siyang magagawa. Pero pagdating pa lang nila sa Thailand ay nanibago na siya dahil di gaya dito sa Hong Kong ay wala man lang kahit anong diwa ng kapaskuhan sa paligid. Lalo lang siyang nalungkot kaya kapag nag uusap sila ng kanyang mga best friends ay puro hinaing ang kanyang sinasabi. Nililibang na lang siya ng mga ito at kinakantiyawan para maging masaya ang usapan. Ang mga kaibigan din naman ni Bella ay hindi rin nakauwi ngayong Pasko, kaya ika nga nila ay patas lang silang apat na magkakaibigan. Pare pareho na lang silang nabibilang sa SMP, ang samahang malalamig ang pasko! Sa kabila nito, sa pamamagitan ng chat sa FB ay sama-sama pa rin silang nag uusap at nagsasaya para kahit paano ay hindi sila nalulungkot, Isang malaking dahilan ito kaya naiibsan nang husto ang hinaing ni Bella, na nakatira sa Causeway Bay, at mahigit 10 taon nang nagtatrabaho sa Hong Kong. — Jo Campos


Don't Miss