Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Simbang gabi

14 April 2016

Sa kagustuhang makapag simbang gabi, naglakas-loob si Emi na magpaalam sa kanyang amo. Hindi kasi nakakalabas ng bahay si Emi kung hindi rin lang day off,at lalong hindi sa gabi, dahil mahigpit ang kanyang amo sa Discovery Bay. Kahit mahigit 10 taon na siyang nagtatrabaho sa kanyang amo ay tila wala pa rin itong tiwala sa kanya. Matiyaga lang talaga si Emi dahil tumagal din siya sa paninilbihan dito.  Dininig naman ang dasal niya dahil pinayagan naman siya,  yun nga lang ay marami pang sinabi ang amo.Pinagbintangan pa siyang napaghinalaan pa siyang may kinakatagpo umanong boyfriend sa gabi. Natawa na lang si Emi sa mga sinasabi ng kanyang amo dahil ang talagang hangarin lang niya ay ang makalabas ng gabi para magsimba.  laking tuwa nita nang makumpleto niya ang siyam na gabing novena para sa simbang gabi. Panalangin niya namatupad na ang kanyang sikretong kahilingan na kapalit man lang sana ng kanyang kababaang loob,  kasipagan, at pagtitiyaga sa kasungitan ng kanyang amo. — Jo Campos


Don't Miss