Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Walang forever

14 April 2016

Mahigit 10 taon din naging magkasintahan sina Ditas at Jeff. Dito na sila nagkakilala sa Hong Kong at nagsimulang mag-ibigan. Di man ito gaanong tanggap ng lipunan dahil si Jeff ay isang “tibo”, di ito naging hadlang sa kanila ni Ditas dahil hindi naging balakid ang kani-kanilang pamilya sa kanilang relasyon. Para sa kanila, ang mahalaga lang ay ang kanilang damdamin para sa isa’t-isa. Sa pagdaan ng mga taon ay unti-unti silang bumuo ng mga pangarap. Pero pagkatapos ng matagal na panahon ay nagkaroon sila ng matinding problema dahil sa selos, at sa sinasabing “third party”, na nauwi sa hiwalayan. Pagkatapos ng ilang taon ay naging magkaibigan muli ang dalawa, hanggang si Ditas ay nagdesisyong umuwi na sa Pilipinas. Hindi naman naputol ang kanilang komunikasyon sa isa’t-isa kahit pareho silang nagkaroon ng ibang karelasyon. Si Ditas ay nag-asawa at naging kaibigan din ni Jeff ang lalaki. Kalaunan ay nabalitaan ni Jeff na nagpunta si Ditas ng Canada matapos makipaghiwalay sa asawa. Patuloy pa rin ang kanilang komunikasyon habang nasa Canada si Ditas, bagamat madalang na lang. Kamakailan ay nag-chat sila online, na nauwi sa mas madalas nilang kamustahan. Nalibang silang dalawa sa pagbabalik-tanaw sa mga nakaraan nilang alaala. Unti-unti ay napansin ni Jeff na nahuhulog muli ang loob niya sa dating karelasyon, at alam niyang ganoon din ito sa kanya. Hindi magawang buksan ni Jeff ang paksang iyon dahil natatakot siyang baka totoo nga ang kanyang hinala. Sa ngayon ay patuloy pa rin ang kanilang chat ngunit umiiwas na lang si Jeff na mauwi ang usapan sa kanilang nakalipas. Ayaw na daw kasi niyang masaktang muli ang dating karelasyon. Mas mabuti daw na manatili na lang silang magkaibigan. – Jo Campos


Don't Miss