Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Nakakita ng kasimpatiya

14 May 2016

Magdamag na hindi nakatulog si Ann dahil sa pagbabantay ng resulta sa naganap na pambansang halalan sa Pilipinas. Sobrang lungkot ang kanyang nadama nang makitang malaki ang pagkatalo ng kanyang kandidato sa pagka-presidente kaya nakatulog siyang umiiyak. Kinabukasan ay agad tinanong ng kanyang among Briton kung sino ang nanalong presidente, at hindi niya napigilan ang hindi umiyak. Bukod kasi sa pagkatalo ng kanyang manok ay masama din ang loob niya dahil sa dami nang nang-away, nagpahiya at nag-block pa sa kanya sa Facebook dahil sa pagtatanggol niya sa kanyang kandidato. Lantaran kasi siyang nagpapahayag ng kanyang damdamin tungkol sa mga iba’t ibang post ng paninira laban sa sinusuportahan niyang partido. Tinapik siya sa balikat ng kanyang amo at sabay sabing, “Just hope and pray that the incoming president will make the Philippines the best country in Asia.” Nahimasmasan siya sa tinuran ng amo, at agad niyang inihanda ang agahan nito. Nakatulong din na napasama siya sa grupong The Silent Majority kaya kahit paano ay may kasama siyang nalungkot sa pagkatalo ni Mar Roxas bilang presidente. Lubha siyang natuwa sa grupo dahil buong pagpapakumbaba nilang tinanggap ang kanilang pagkatalo, at nanatiling disente sa kabila ng maanghang na salitang binabato sa kanila. Dahil sa kanila ay magaan na ang kanyang pakiramdam ngayon, at umaasa pa rin na ang kanyang kandidatong si Leni Robredo ang siyang mananaig sa mahigpit na labanan para sa pagka bise presidnte. Si Ann ay tubong Cebu, nagsosolong magulang at may dalawang anak. – Marites Palma


Don't Miss