Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Covers the period Aug. 16-31

16 August 2016


UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Dadaan ka sa matinding kalungkutan; piliting malampasan ang pinagdaraanan. Sa trabaho, huwag magmadali dahil may tamang oras ang lahat. Kung single, magiging senswal at mapangahas ka ngayon, pero kung may karelasyon, mag-ingat na pumasok sa delikadong sitwasyon dahil malaking problema ang haharapin mo. Lucky numbers: 14, 18, 25 at 35.
44.
TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Tanggapin ang tulong na ibinibigay ng kamag-anak dahil makakatulong ito sa iyong trabaho. Mag-ingat sa mga galaw at maging alerto lalo na kung nagmamaneho. Maipapakita ang likas na talino dahil sa pagtatanong tungkol sa maraming bagay na magdadagdag din sa iyong kaalaman. Ang negatibong pag-iisip sa maraming bagay ang magiging sanhi ng kumplikadong relasyon sa taong malalapit sa iyo. Lucky numbers: 9,12,24 at 42.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Magulo ang isip mo ngayon kaya iwasan munang sumabak sa malalaking desisyon at huwag basta maniwala sa mga inaalok na magandang trabaho at pagkakakitaan. Upang aliwin ang sarili sa mga bagay na bumabagabag sa iyo, mapapasubo kang mamili ng mamahaling bagay. Hindi mo namamalayan ay malaki na ang nababawas sa ipon mo. Mag-isip isip ka upang maiwasan ang malaking problema. Lucky numbers: 16,23,38 at 40.
.
BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Madali kang matukso sa panahong ito: mai-in love ng hindi inaasahan, at hindi makontrol na paggastos. Malinaw ang pag-asenso mo dahil sa husay mo sa trabaho. Magiging malaking tagumpay ang pakikipag-usap mo sa lahat ng uri ng mga tao, kaya’t kaiinggitan ka ng mga kasamahan mo, mag-ingat! Lucky numbers: 5,13,27 at 45.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96
Makakaranas ng problema sa pananalapi, kailangang isipin kung paano makakatipid sa gastusin. Malaki ang tsansang maayos na rin ang problema ninyong mag-asawa o kapartner. May pamimigat sa binti, iwasan ang labis na init ng pampaligo at subukang mag-hiking. Makakaasa ka sa mga kaibigan. Samantalahin ang panahong ito, panindigan ang gusto mo at ituloy ang bagay na alam mong magbibigay ng magandang resulta sa trabaho. Lucky numbers: 3,11,29 at 36.
 39.
BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97
Susuwertehin ka sa pananalapi ngayon kaya mabibigyan mo ng bagong sigla ang iyong negosyo. Ang kagustuhan mong magmahal at mahalin ay mangyayari, at matutupad din ang iyong mga hangarin. Magbabalik din ang iyong enerhiya at positibong pananaw. Ngayon mas kailangan ng mga anak ang iyong patnubay, gabay at pagbibigay ng pag-asa. Tataas din ang paghanga sa iyong kakayahan kaya mas mabait ang mga tao sa iyo ngayon. Manatiling mapagkumbaba. Lucky numbers: 3,14,28 at 37.
.
TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98
Ang nakasanayang gawain sa araw araw ay magkakaroon ng maliit at magandang pagbabago. Mag-ingat sa food poisoning, siguraduhing laging sariwa ang kinakain. Kabado man, maayos mong magagampanan ang trabaho. Umiwas sa taong masyadong madaldal. Makakabuti sa pagsasama ang kaunting pagbabago sa pang araw-araw na buhay. Isang kaibigan ang lalapit sa iyo, ibigay kung anuman ang makakatulong sa kanya. Lucky numbers: 6, 15, 24 at 36.

 KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87
Kung single at nagmamadali nang mag-asawa, pag-isipan din ito ng husto at huwag magpadalus-dalos. Kailangan mong sumabay sa mga pagbabagong magaganap sa trabaho. Huwag magpatalo sa mga bagay na bumabagabag sa iyo, harapin ito. May tsansa ka ngayong mapalakas ang iyong pinansyal na kalagayan dahil may magagandang plano kang mabubuo, maglaan ng tamang oras na umpisahan agad ito. Lucky numbers: 10, 15, 19 at 26.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88
Sa love life, nagdadalawang isip ka, pero anuman ang piliin mo ay makakaasa kang nasa tamang direksyon ito. Mag-ingat sa labis na paggastos na nahihirapan mong mong pigilin. Ngayon ay mas pipiliin mong makasama ang mga taong nakakasigurado ka. Mapa-pasarap ka ng pagkain sa panahong ito, mas mabuting mag-stick sa pagkain ng pakonti-konti. Lucky numbers: 12, 28, 31 at 41.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89
May sapat kang lakas at tapang na kailangan upang maalis ang mga balakid sa gusto mong marating sa iyong propesyon. Hindi mo rin papayagan na maging kampante sa kanilang kalagayan ang iyong mga anak at asawa dahil gusto mong mas magsikap pa sila. Kung napapagod, matulog ka. Ang pag-ibig at pera ay mahirap pagsamahin, isipin itong mabuti, dahil baka magkaproblema ka. Huwag ilagay ang lahat ng pera sa mga high-risk investment, at magtira para sa mga mas siguradong pamamaraan. Lucky numbers: 4, 16, 21 at 33.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Nagiging kumplikado ang relasyon mo sa mga tao dahil sa paiba-iba mong mood. Sa tahanan ay may nagtatagis ang ngipin dahil sa labis mong kasungitan at pagiging diktador. Tamang panahon para sa mga single para makatagpo ng mamahalin at makasama ng matagalan. Iwasan ang matataba at masarsang pagkain. Mag-ingat sa nag-aabang na magkamali ka. Iwasan ding ipagsabi sa iba ang tungkol sa iyong negosyo. Lucky numbers: 9, 15, 29 at 31.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91
Kumilos na para sa pansariling kapakanan, at huwag matakot sa anumang hadlang. Makakaranas ng kaunting problema sa negosyo at pananalapi. Kung patuloy mong inilalagay sa pedestal ang minamahal, baka ngayon ay mabigo ka. Kalmahin ang sarili upang hindi maubos ang iyong lakas. Magpakita ng diplomasya sa mga kaanak kung gusto mo ng kapayapaan at katahimikan. Lucky numbers: 6, 20, 28 at 32.

Don't Miss