Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Ipinagmayabang pa na pinagod siya ni Seaboy

16 October 2016

Tutok na tutok ang mga Pilipinang nakasabay ni Kabayan sa MTR sa kanyang pakikipag-usap nang malakas sa telepono sa isang kaibigan. Matapos kasing magkumustahan ay nag-umpisa nang magpayabangan ang magkausap tungkol sa kani-kanilang mga boyfriend.

Sabi ni Kabayan ay napakasuwerte ng kausap dahil sa boyfriend nitong Pakistani na sa opisina nagtatrabaho sa Singapore. Nang si Kabayan naman ang kumustahin ng kausap ay buong yabang nitong ipinagmalaki na pinagod siya ni “Seaboy” dahil tatlong oras daw silang nag-check in.

Tapos ay walang gatol nitong sinabi na may mga anak ang kanyang kaulayaw, at siyempre pa, may ina ang mga ito.

Pero kahit kabit daw siya ay ok lang sa kanya dahil kaliwa’t kanan din naman daw siya. Ang mahalaga ay mahal na mahal daw siya ni Seaboy, at makakasama niya tuwing day off niya ng sampung buwan dahil ito ang tagal ng kontrata nito pagdaong  sa HK.

Dahil oras na ng uwian noon para sa may curfew ay maraming mga Pilipina na nagsisiksikan sa train, pero walang paki si Kabayan sa pagkukuwento.

Dahil nasa kasarapan ng pakikinig sa tsismis ay nagpasya si Tikya na huwag munang bumaba sa kanyang istasyon para makuha ang buong kuwento. Pagbaba ni Kabayan ay saka biglang nagkomento ang nakapaligid.

Ayon sa isa, ni hindi daw ito nahiyang ilantad ang tunay niyang pagkatao kahit nasa publiko siyang lugar, bagkus ay pinangalandakan pa ito. Sabi naman ng isa ay nagkalat talaga sa Hong Kong ang mga ganun ang gawain dahil sa hilig sa pera. Kitang kita naman daw sa ayos ng babae ang pagka sosyal nito. Dagdag naman ng isa, malamang na bigay ni Seaboy ang mga alahas.

Saka lamang naalala ni Tikya na malayo na siya sa uuwian, kaya agad na nagpaalam sa mga kapwa intrigera na bababa na siya at lilipat sa tren pabalik. Si Tikya ay isang Ilokana at bagong lipat sa mga among taga Saikung. – Marites Palma

Don't Miss