Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Ang mga hugot

08 November 2016

Matuto kang magpahalaga sa taong nagpapakatanga sa iyo. Tandaan mo, bilang na lang ang mga taong seryoso at hindi lahat iyon, ikaw ang gusto.
-o-
Na TRAIN TO BUSAN ka na ba?
Yung TRAINaTO ka lang niyang kaibigan, pero ikaw, minahal mo siya nang luBUSAN?
-o-
Minsan kung kailan ka lumalaban saka ka naman nasasaktan, kung kailan ka natututong magmahal saka ka iniiwan. Kung kailan ka nagseseryoso saka ka niloloko.
Saan ka ba lulugar? Doon sa mali na masaya ka o sa tama na lumuluha ka?
-o-
Tandaan mo, hindi mo na kailangang magpa-impress, magpapansin, magpaganda o magpacute. Kasi kung mahal ka talaga niya kahit wala kang gawin, ikaw pa rin ang pinaka magandang babae sa buhay niya
-o-
May papel ka nga sa buhay niya, scratch paper nga lang.
-o-
Minahal kita ng Pak na Pak. Tapos iiwan mo'ko ng Ganern Ganern lang?
-o-
And finally...
Alam mo yung feeling na sabay tayong nahulog? Ako sa iyo at ikaw naman sa kanal? Hahaha akala mo hugot na naman!

Don't Miss