Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Covers the period Nov. 16-30

15 November 2016


UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Masaya at masigla ang pakikitungo mo ngayon. Patuloy na magiging masaya ang love life na nagbibigay sa iyo ng ibayong inspirasyon. Maganda ang kalagayan ng kalusugan, pero sa iba na mahina ang puso, paninikip ng dibdib at pagbilis ng tibok ng puso ang mararanasan. Sa trabaho, magiging matapang kang makipagsapalaran. Paghandaan ang malaking gastusin. Lucky numbers: 7,9,15 at 40.

TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
May duda kang pinagkakaisahan ka; huminahon ka at maaayos din ang lahat. Magandang pagkakataon ito para sa mga malulungkot ang puso dahil baka matagpuan na ang matagal nang hinahanap. May biglaang perang darating, ang iba ay tatanggap ng mana. Maganda ang relasyon mo sa malalapit sa iyo. Problema sa panunaw ang maaring maranasan ngayon. Lucky numbers: 11, 18, 28 at 45.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Ayusin ang iyong budget at labanan ang tukso sa pagsa-shopping. Masigla at puno ka ng sigla ngayon kaya marami kang bagay na magagawa. Bigyan ng limitasyon ang pakikipagbiruan dahil baka makatikim ng hindi magandang sorpresa. Ang pagiging metikuloso sa trabaho ay magbibigay ng positibong direksyon. Mahuhusay ang iyong mga ideya, kaya huwag mag-atubiling ipaglaban ang mga ito. Lucky numbers: 6, 25, 33 at 41.
.
BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Magiging matagumpay ka sa iyong propesyon, pero mag-ingat sa mga lihim na naiinggit, kabilang na ang mga taong itinuturing mong kaibigan. Maging maingat din sa pagkain upang bumaba ang cholesterol. May panahon ka ngayon para makapagbasa at masundan ang hilig sa ibang mga bagay. Hangga’t maaari, iwasang may makarelasyon sa mga katrabaho, dahil baka maapektuhan ang reputasyon kapag nagkaproblema. Lucky numbers:30, 32, 39 at 42.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96 
Huwag mainggit sa iba dahil pareho mo rin silang maraming problema. Sa pag-ibig, kailangan mo ng dagdag na pasensya at pang-unawa. Piliting kalimutan ang insultong ibinato sa iyo. Kung mas mabilis ang sayaw kaysa musika, mawawala ito sa tiyempo. Kailangan ng tamang , oras at kilos upang maging ang mabisa ang lahat. Bigyan ng seryosong atensyon ang pananalapi; ayusin ang paghawak ng pera. Lucky numbers: 16,27,36 at 40.
 39.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97 
Mabibigyan ka ng dagdag na pansin. Marami kang alam gawin na pwede mong gamitin upang gumanda ang pamumuhay. Mag-ingat ng husto sa gastusin at iwasang mangutang. Malaki ang tsansa na makilala na ang iyong soulmate. Mas may ambisyon ka na ngayon, at malaki ang maitutulong ng ilang malalapitan upang matupad ang iyong hangarin. Lucky numbers: 13,24,31 at 40.
.
TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98 
Marami kang pwedeng gawin ngayon na magbibigay sa iyo ng lubos na kasiyahan. Marami ka ring makikilala na pwedeng makatulong, pero kailangan mo ng seryosong pag-aaral upang mahanap ang tamang direksyon sa talagang gusto mong gawin. Masipag at masigla ka ngayon kaya nagagampanan ng maayos ang relasyon at obligasyon sa trabaho, pamilya at maging sa mga kaibigan. Lucky numbers: 11, 15, 23 at 44.

 KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87 
Mag-ingat sa isang taong pinagkakatiwalaan na magtatangkang harangan ang iyong daraanan. Isantabi muna ang mga dating gawi at makisalamuha sa mga bagong mukha. Hindi ito ang tamang panahon para pumasok sa anumang pinansyal na transaksyon. I-enjoy mo lang ang iyong love life ngayon. Upang maabot ang pinapangarap, sundin ang tamang direksyon, at iwasang lumihis ng landas. Lucky numbers: 9,25,33 at 40.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88 
Negatibo ang pananaw mo ngayon kaya hirap kang matulog at kumain, labanan ito! Oras na upang ayusin ang pananalapi sa mas praktikal na paraan. Sa love life, may magaganap na mga pagtatalo, away o hiwalayan, pero mananatili ang likas mong panghalina. Madali kang makapag-isip at umaksyon, kaya maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan. Kung kailangan ng payo, handang tumulong ang malapit mong kaibigan. Lucky numbers: 7,19,24 at 45.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89 
Madali kang mapagod. Sa trabaho, magbubunga na ang pinaghirapan. Iwasang mag-ilusyon o masyadong mangarap upang hindi mabigo. Maaliwalas ang kalagayan sa pag-ibig, pakikipag-kaibigan at iba pang relasyon. Sa piling mg mga mahal sa buhay, mai-enjoy mo ang saya at pagkakasundo ng lahat. Lucky numbers:17,19,24 at 36.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Iwasan ng husto ang mga nanghihikayat na umanib sa kanilang samahan o grupo dahil hindi makakabuti ito sa iyo. Kung may karelasyon, tahimik at masaya ngayon ang pagsasama. Iwasan ang mga inuming matatamis o may alcohol na nakakasama sa iyong kalusugan. Malaki ang tsansa ng promosyon, pero kung may sariling negosyo, umiwas sumubok sa delikadong bagay. Lucky numbers: 3,9,19 at 21.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91 
Kung walang karelasyon, may mga humahanga at interesadong makilala ka ng husto. Piliting makita ang mas magagandang bagay na dumarating sa iyong buhay. Salat man sa materyal na bagay, huwag pahirapan ng husto ang sarili. Sa trabaho, dahan-dahan dahil ang maingat na paraan ang mahalaga at hindi ang madaling makatapos upang umangat ka. Ibuhos ang atensyon sa iyong layunin at huwag bibitaw. Lucky numbers: 16, 38, 40 at 46.

Don't Miss