Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Kapatid ng OFW nabiktima ng wedding scam

21 November 2016

Galit na galit si Judy sa mapanlinlang na babaeng pinakasalan ng kanyang kapatid dahil tinangay nitong lahat ang perang kinita nilang mag-asawa pagkatapos ng kanilang bonggang kasal.

Si Judy ang ang umako sa lahat ng gastos sa kasal dahil walang sariling pera ang kapatid na lalaki.

Bigla na lang naglaho ang kanyang balahurang hipag pagkatapos ng kasal, dala lahat ng mga regalong pera, alahas at iba pang mamahaling gamit.

Nang tanungin sila ng kanilang mga kaibigan kung matagal na nilang kakilala ang babae ay saka lang nila lahat naalala na tatlong buwan pa lang talaga nila itong kakilala. Dumating ang babae sa kanilang lugar na mag-isa, at walang ipinakilala na magulang o kahit na sinong kamag-anak kahit noong mamanhikan ang pamilya ni Judy para sa kasal.

Noon lang nila naisip na maaring ganoon ang raket ng babae, ang pumunta sa iba-ibang lugar para makipagrelasyon at humiling ng kasal. Tapos, kapag nakaipon ng pera at regalo mula sa mga bisita sa kasal ay saka biglang maglalaho.

Awang-awa ngayon si Judy sa kapatid dahil hindi lang ito nawalan ng asawa, napahiya din ito nang todo sa kanilang mga kamag-anak at kakilala.

Pero kahit siya din ay nadala sa matatamis na salita ng babae na nangako pa na magiging ulirang asawa sa kanyang kapatid, at ina sa kanilang magiging anak.

Ang hindi lang niya mapaniwalaan hanggang ngayon ay kung bakit may mga taong sasabak kahit sa kasal para lang makapanlinlang at makatangay ng pera ng ibang tao. - Marites Palma

Don't Miss