Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Ang kapalaran mo: Dec. 1-15

01 December 2016

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96 
Igalang ang kagustuhan ng iba na maging malaya dahil tiyak na may maganda itong kahihinatnan. Maghanap ng taong maaasahan upang lalong maisulong ang pagiging malikhain. Samantalahin ang bawat panahon na tapusin ang mga proyekto. Kung naguguluhan, huwag mag-atubiling humingi ng tulong sa mga magulang o sino mang mas nakatatanda. Unahin ang responsibilidad sa pamilya bago ang sa ibang tao.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97 
Huwag basta maniniwala sa mga pangako ng ibang tao lalo na kung hindi pa ito lubos na kilala. Marami ang maapektuhan ng bawat maling desisyon kaya siguraduhin na alam ang ginagawa. Dapat isaalang-alang kung ano ang sariling kagustuhan bago pumasok sa isang relasyon.  Maglaan ng oras para sa pamilya upang hindi na lumala ang namumuong hidwaan.

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98 
Hindi magkandaugaga sa pagsunod sa maraming utos sa linggong ito. May pag-asang muling umusbong ang naudlot na pag-ibig at sa pagkakataong ito, huwag mag-alinlangang ibahagi ang mga pangarap. Imbes na magmukmok sa isang tabi, lumabas kasama ang mga kaibigan upang maibsan ang kalungkutan. Malaking pera ang kakailanganin kaya huwag gumastos sa mga bagay na walang silbi.

 KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87 
Huwag hayaang mangibabaw ang nararamdaman lalo na kung kailangang gumawa ng importanteng desisyon. Dadaan sa maraming pagsubok ang relasyon at hindi mapipigilan ang pagbabago ng nararamdaman. Maraming tao ang makikinabang sa kuwentong ibabahagi kaya sikapin maging responsable at makatotohanan ang bawat salitang bibitawan. Makinig sa payo ng ibang tao.
.
 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88 
Marami ang makakapansin sa iyong kakayahan sa linggong ito kaya dadagsa ang maraming oportunidad. Ipamalas ang buong kakayahan anuman ang ginagawa upang mas madaling makamit ang tagumpay. Huwag ibunyag ang sekretong ipinagkatiwala ng ibang tao upang hindi masira ang kredibilidad.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89 
Huwag magpaapekto sa hidwaan at dayaan na nangyayari sa palibot upang tuloy-tuloy ang pagsulong ng proyekto. Ang pagiging magaspang at mainipin ay maaring magdulot ng masamang impresyon kaya mag-ingat sa pagbitiw ng mga salita. Ang anumang maliit na bagay na ginagawa para sa minamahal ay tiyak na matutumbasan ng lubos na pagtitiwala.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Maaring mapaaway sa linggong ito dahil sa pagiging agresibo. Hindi hadlang ang kakulitan ng ibang tao sa paghahanap ng solusyon sa problema. Malayang sabihin kung ano ang nasa isip pero tiyakin na hindi masisira ang sariling reputasyon. Magugulat sa hindi inaasahang pagbabago ng plano pero kung makikinig sa payo ng eksperto, abot kamay pa rin ang tagumpay.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91 
Huwag basta paniniwalaan ang lahat ng naririnig. Kung naguguluhan, sundin ang ibinubulong ng puso. Isang kamag-anak o kaibigan ang mangangailan ng tulong dahil sa matinding karamdaman. Maaring mabago ang plano dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Pairalin ang disiplina sa sarili at huwag maging sunud-sunuran sa gusto ng iba lalo sa mga mahal sa buhay.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Mapapasabak sa isang matinding argumento. Pag-aralang mabuti ang estratehiya na gustong ipatupad upang hindi masayang ang oras at salapi. Huwag magpadaig sa takot lalo na kung nasa harap ng matinding pagsubok. Kung kailangan ng tulong, agad na lumapit sa mga kaibigan bago pa mahuli ang lahat. Laging tandaan na walang imposible kung sadyang tapat ang hangarin.

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Magkaka- kumplikasyon ang mga plano kung paiiralin ang takot. Sikaping maglibang o magkaroon ng sapat na pahinga kahit sobrang abala sa trabaho para maging mas masigla. Kung nalulula sa dami ng dapat gawin, unahin muna ang maliliit na tungkulin upang maituon ang lahat ng atensyon sa mas kumplikadong obligasyon. Makihalubilo sa mga kaibigan para pansamantalang makalimutan ang trabaho.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Hindi mapigilang magalit sa mga taong tamad at mapanlinlang. Huwag ipagkait ang tulong sa mga tunay na nangangailangan. Ipamalas ang taos-pusong pag-asikaso sa kapakanan ng minamahal. Marami nang napatunayan sa kasalukuyang trabaho kaya panahon na para tahakin ang panibagong landas. Libangin ang sarili kasama ang mga kaibigan.

BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Maganda ang pasok ng linggong ito dahil sa bagong oportunidad. Huwag mataranta sa dami ng inaasikaso at ituon lang ang atensyon sa mga bagay na sadyang kailangan. Marami ang mag-uunahang makuha ang iyong atensyon kaya mag-ingat sa bawat hakbang. Hindi lahat ng kahilingan ng pamilya ay ipinagkakaloob lalo na kung alam mong maari itong magbunga ng kapahamakan.

Don't Miss