Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Covers the period Dec. 16-31

16 December 2016


UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Sa linggong ito, maging alerto at huwag piliting lutasin ang mabigat na problema. Mas magiging masaya ang love life ngayon dahil malilimutan mo na ang mga dating sama ng loob. Mag-ingat sa paglabas ng pera ngayon; mamuhunan sa tradisyunal na paraan. Matiwasay ang lagay ng pamilya. Magiging iritable ka ngayon, iwasang makipagtalo. Iwasan ding kumain ng marami. Lucky numbers: 19, 23, 29 at 32.
44.
TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Kung hindi ka marunong umintindi, magiging magulo ang tahanan. Nakakabahala ang problema sa pera, pero kaya mo itong lutasin. Maging mapagmatyag, huwag basta magtiwala sa tao. May magandang alok sa bahay at lupa, samantalahin ito. Madali kang mataranta at atakehin ng nerbiyos, ayusin ang sarili at hanapan ng solusyon ang problema mo sa ibang tao. Lucky numbers: 10, 17, 33 at 41.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Makakamit mo na ang ilan sa pinakakaasam na bagay. Bigyan ng sapat na espasyo ang mahal sa buhay upang makagalaw sila at hindi masakal. Tila walang kapaguran, maraming malalaking bagay kang magagawa. Huwag magtiwala agad sa matatamis ang dila upang maiwasan ang maloko. Maging maingat sa iyong kilos. Lucky numbers: 12, 33, 37 at 40.
.
BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Ituon sa sports ang init ng ulo. Insomnia ang posibleng maranasan ngayon. Layuan ang hindi mapagkaka-tiwalaang kaibigan, at humanap ng mga bagong kaibigan. Sa trabaho, huwag madaliin ang ginagawa upang maayos ito nang husto. Sabihin ang nasasaisip upang gumaan ang pakiramdam. Sari-saring emosyon ang mararanasan ngayon.Lucky numbers: 6, 15, 22 at 34.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96
Mahaharap sa matinding bangayan at selosan sa pagsasama; kontrolin ang sarili. Hindi ito ang tamang oras na bumili ng bahay. Mataas ang enerhiya at sigla. Huwag mangako kung hindi ito kayang tuparin; subukan ang ibang bagay na pampalubag loob. Titibay ang relasyon sa mga anak, pero gugustuhin mong dagdagan pa ang paghihigpit sa kanila. Lucky numbers: 21, 27, 39 at 45.
 39.
BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97
Ingatan ang pribadong buhay upang hindi makapang-himasok ang iba. Iwasang makipagdiskusyon tungkol sa pulitika, relihiyon at paniniwala sa mga kaibigan na maaaring mauwi sa pagtatalo at pikunan. Higpitan ang paghawak ng pera upang hindi mabigla sa mga gastusin. Mag-ingat din sa kinakain at huwag balewalain ang mga sakit na nararamdaman. Lucky numbers: 8, 15, 28 at 44.
.
TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98
Maraming pagsubok ang darating, maging matatag at harapin ito nang maayos. Huwag hayaang makialam ang ibang tao sa problema ninyo sa pamilya. Huwag dibdibin ang sakit ng kalooban; hayaang maghilom ito ng kusa sa pagdaan ng mga araw. Hindi mahalaga na magkaroon ng maraming kaibigan kung hindi naman maaasahan. Piliiin lang ang ilan na may tunay na malasakit. Lucky numbers: 10, 17, 28 at 31.

 KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87
Handa kang gampanan ang tungkulin at ipakita ang sipag sa trabaho. Masisiyahan ka rin sa mga anak dahil sa ipinapakita nilang disiplina. Ang inakala mong palpak na proyekto ay nagsisimula nang magpakita ng magandang resulta. Mapapawi ang lahat ng pagdududa sa iyong minamahal. Umpisahan na ang planong pagpapayat at nang mapanatili ang magandang kalusugan. Lucky numbers: 15, 31, 37 at 45.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88
Ang labis na pagiging agresibo ay hindi nagugustuhan ng mga kasamahan, mag-ingat na mauwi ito sa away. Apektado ang panunaw ng dahil sa labis na emosyon o takot na hindi matupad ang gusto mo; kontrolin ang sarili at libangin ang sarili sa ibang bagay. Huwag mangako kung hindi ito kayang tuparin. Magiging masuwerte ka sa pera ngayon, tamang oras ito upang na mag-invest. Lucky numbers: 5, 16, 21 at 37.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89
Sa trabaho, magbubunga na rin ang matagal nang pinaghirapan. Huwag ipag-akalang magiging totoo ang mga gusto mong mangyari lalo’t hindi naman ito pinaghirapan. Masaya ang pakikipag-kaibigan, maging ang relasyon sa magkakaibang henerasyon. Sa piling ng mga mahal sa buhay, magiging masaya ka sa panahong ito. Patuloy ka ring tatamasa ng magandang kalusugan. Lucky numbers: 12, 19, 26 at 38.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Maraming bagay kang magagawa, sa personal na buhay at maging sa trabaho kaya gaganda ang kalagayan mo ngayon. Minsan ay bigyan din ng kapritso ang sarili upang ganahan ka lalo. Magiging magandang muli ang kalagayan sa pananalapi kung magiging masinop ka, pero paka-iwasan na magpautang sa kaibigan o kamag-anak dahil malamang hindi mo na makikitang muli ang perang ipinautang. Lucky numbers: 2, 15, 34 at 39.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91
Malaki ang pagbabago sa katayuan sa buhay. Huwag itanggi ang iyong responsibilidad. Magulo ang pagsasama ngayon dahil sa mga away na nagmumula lang sa maliliit na bagay. Huwag madaliin ang pagyaman, tandaang mas masarap ang tagumpay kung pinaghirapan ito. Mapalad ka sa pagkakaroon ng mga tapat na kaibigan na nagpapasaya sa iyo; pahalagahan mo sila. Lucky numbers: 13, 22, cope29 at 35.

Don't Miss