Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

May kakaibang ugali ang amo

20 December 2016

Bago pa lamang si Elsa sa kanyang mga among Intsik ngunit nakuha na agad niya ang loob ng mga ito, lalo na ang among babae. Sa unang araw pa lang ni Elsa sa kanila ay ipinakita na ng mga ito ang kanilang pagiging simple at mabuting tao.

Madalas makipagkwentuhan ang kanyang among babae kay Elsa kapag nasa bahay ito, at minsan ay inaabot pa sila ng hatinggabi sa dami ng pinag-uusapan. Maluwag  ang mga ito sa kanya, kaya malayang nakakapag-jogging si Elsa sa gabi pagkatapos ng trabaho, kasama ang ilang kaibigan. Naengganyo ang amo sa kanyang mga kuwento tungkol sa pagtakbo, kaya hindi naglaon ay sumama na ito sa kanila, at pati ang anak nitong lalaki na siyam na taong gulang.

Ngunit kahit gaano pa kabait ang amo ni Elsa ay meron din itong ugaling kakaiba, tulad na lamang ng hindi nito pag inom ng tubig. Maging ang anak nito at asawa ay hindi din umiinom ng tubig kaya naman kahon-kahon ng Coke Zero ang dine-deliver sa kanila kada tatlong linggo. Agad naman nitong sinabi sa kanya sa interview pa lang nila na hindi sila umiinom ng tubig.

Mula nga nang dumating si Elsa sa bahay ng mga amo ay ni minsan ay hindi niya nakita ang mga ito na umiinom ng tubig. Kahit paggising pa lang sa umaga ay agad na itong kumukuha ng Coke sa ref at umiinom. Mahilig din ang pamilya sa matatamis na pagkain, lalo na ang babae.

 Pagdating sa paglilinis ay hindi din ito maselan maliban lamang sa sahig. Kailangan na malinis na malinis ito, at walang dapat kumapit kahit alikabok sa talampakan dahil hindi sila gumagamit ng tsinelas sa loob ng bahay. Dahil dito ay ilang beses sa isang araw kung magpunas si Elsa ng sahig para walang masabi ang kanyang amo.

Ang isa pang kakaibang ugali ng amo niya ang paggala-gala nito sa loob ng bahay na walang damit. Minsan ay naka-panties lang, at minsan naman ay wala talagang saplot. Kahit pa nakikipagkwentuhan ito kay Elsa ay hindi ito nagdadamit. Wala talaga siyang pakialam.

Noong unang makipagkwentuhan ang amo sa kanya ay laking gulat ni Elsa nang pumasok ito sa kanyang kuwarto dahil wala itong saplot. Si Elsa ang hiyang-hiya. Hindi niya ito matingnan nang diretso, kaya nagkunwari na lang na abala siya sa kanyang ginagawa.

Sinabihan naman siya ng amo na dapat ay masanay na siya dahil doon daw ito mas komportable. Naiilang man si Elsa ay sinasanay na lang niya ang sarili. Ang mahalaga para sa kanya ay mabait ang kanyang amo. Si Elsa ay 33 taong gulang at tubong Ormoc City– Emz Frial

Don't Miss