Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Ninang pa rin kahit hindi natuloy ang kasal

24 December 2016

Noong bagong salta pa lamang si Thelma dito sa Hong Kong ay nakilala na niya si Josie, na nakatatanda sa kanya ng mahigit 10 taon. Si Josie ang nagsilbing gabay niya noong siya ay nagsisimula pa lamang sa buhay bilang OFW, at naging takbuhan niya sa lahat ng mga problemang kinaharap niya bilang kasambahay.

Kinalaunan ay hindi lamang mga problema sa trabaho ang isinangguni niya kay Josie, kundi mga personal na hinaing na rin gaya ng mga suliranin sa pag-ibig. Isang araw ay nagulat na lamang si Josie sa balitang ikakasal na si Thelma, at siya ang napiling ninang. Agad siyang pumayag, at tumulong sa pagpaplano sa kasal ng kaibigan.

Sa kasamaang palad, wala pang isang taon ay naghiwalay na si Thelma at ang kanyang nobyo kaya’t walang kasalang naganap. Nangako naman si Thelma kay Josie na siya pa rin ang kukuning ninang kapag natagpuan na niya ang lalaking kanyang pakakasalan. Dahil dito, tinawag na ni Thelma si Josie na ‘Ninang’.

Nanatili ang pagtawag niyang ito sa kanyang kaibigan, kahit na mahigit isang dekada na at hindi pa nakakakilala ng bagong nobyo si Thelma. – William Elvin
Don't Miss