Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

'Pambansang Bae', nagpakilig ng fans sa Hong Kong

20 December 2016

Pinasaya ng "Pamsansang Bae' na si Alden Richards ang mga OFW sa Hong Kong na nagmamahal at walang sawang sumusuporta sa kanya sa pamamagitan ng isang concert sa Southorn Stadium sa Wanchai noong Dis. 18. Kasama sa show na pinamagatang 'One Fine Day with The Bae' ang sikat na aktres at singer na si Glaiza de Castro, na kasalukuyan ngayong napapanood bilang Pirena sa bagong bersyon ng hit TV series na 'Encantadia". Nagbigay suporta din ang komedyanteng si Kim Idol. Malakas na tilian ang sumalubong sa pagkanta ni Alden ng 'Rescue Me' mula sa kanyang album sa GMA Records na "Say It Again". Lalo pang natuwa ang mga fans niya nang magpakitang gilas siya sa pagsasayaw. - Marites Palma



Don't Miss