Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Chinese Horoscope (covers the period Jan 16-31)

16 January 2017

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Maswerte ka sa trabaho ngayon. Kung may natatagong talento na hindi pa nabubunyag, ito na ang tamang panahon na magamit ito. Kailangan mo ng exercise upang makakilos ng maayos. Iwasang gumastos ng higit pa sa kinikita. Mahirap makipagkasundo kung paiiralin mo ang tigas ng ulo. Kailangang kumilos ka upang maiwasang lumaki ang alitan na maaring mauwi sa hiwalayan. Lucky numbers: 12, 23, 37 at 40.

TANDANG Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Marami kang kayang gawin at makamit sa linggong ito. Masaya ang love life kaya mas panatag ka rin ngayon. Magkakaroon ng tensyon ang pagkakaibigan. Mag-ingat, hindi ito ang tamang panahon na bumili o magbenta ng bahay o lupa. Dobleng ingat din sa mga nakakahawang sakit. Maiibsan ang maraming dalahin sa pagpasok ng bagong taon sa katapusan ng buwan dahil taon mo ngayon. Magdiwang! Lucky numbers: 9, 17, 35 at 41.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Malaki ang tsansa na gumanda ang pananalapi, pero hindi magiging matatag ang relasyon; magtiis ka lang muna. Huwag sungitan ang malapit na kamag-anak dahil delikado ito. Isusubsob mo ang sarili sa trabaho at magiging mahusay ka sa pakikisama sa mga katrabaho, kaya ang pag-asenso ay hindi nalalayo. Lucky numbers: 5,6,13 at 32.
.
BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Marami kang alalahanin at pangamba sa panahong ito, sa kabila nito, huwag mawalan ng pag-asa dahil naririyan ang mga kaibigan na handang tumulong. May mga problema sa relasyon: away, selos at hindi pagiging tapat. Huwag matakot sa pagbabago lalo na sa trabaho, hindi man madali sa umpisa, pero mas makabubuti ito sa iyo. Lucky numbers: 7, 11, 25 at 46.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96 
Huwag ipangalandakan ang pagiging liberal dahil baka dumating ang oras na mag-isa ka na lang laban sa lahat. Kung may sisimulang negosyo ngayon, malaki ang pag-asa na magtatagumpay ito. Umiwas sa insomnia; agahan ang pagkain ng hapunan, palitan ang red meat ng white meat at kumain ng mga berdeng gulay at dairy products. Away ang resulta kung pipilitin mong dominahan ang asawa. Lucky numbers: 16, 22, 29 at 31.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97 
Huwag mangarap ng gising, maging realistiko. Ipagpaliban muna ang paggawa ng malalaking desisyon. Sa pag-ibig, malapit nang matupad ang minimithi. Kailangan nang mag-diyeta bago mahuli ang lahat. Dahil sa pagiging prangka at masasakit na salita, magiging mahirap ang relasyon sa mga malalapit sa iyo. Bawasan ang talas ng dila upang mapanatili ang magandang pagsasama. Lucky numbers: 13, 26, 35 at 40.
.
TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98 
Malaki ang tsansa na mapaganda ang lagay ng tirahan, pero huwag masyadong maging mapaghanap. Sa trabaho, pagtuunan ng atensyon ang maliliit na bagay. Marami kang makikilalang bagong kaibigan sa panahong ito, kaya gusto mong lumipat sa mas magarang tahanan, pero bago ituloy ito, pag-isipang mabuti kung kakayanin mo ang gastos. Lucky numbers: 2, 15, 33 at 45.

 KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87 
Maraming mahalagang bagay ang magaganap na magpapabago sa iyong buhay. Maliliit man ang problema sa pera ay kailangan mo pa ring maging maingat sa paggastos. Lumabas ka sa iyong lungga at makipag-kaibigan! Lahat ng inaasam sa trabaho ay unti-unting matutupad dahil sa iyong determinasyon at sipag. Lucky numbers: 6, 11, 37 at 42.

 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88 
Huwag madaliin na makuha agad ang gusto dahil marami pang balakid; hayaang panahon ang magpasya. Hindi kailangang ipagyabang ang iyong mga katangian at mga nakamit, mas makikilala ang iyong halaga kung mananatili kang tahimik. Kulang ka sa tiwala sa sarili kaya gusto mong laging may kakampi; iwasang maging mapaghanap upang hindi ka layuan ng malalapit sa iyo. Lucky numbers: 21, 33, 38 at 46.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89 
Maglaan ng oras na pag-aralan at baguhin ang iyong pagba-budget. Sa pag-ibig, mas mabuting magpakita ng kabaitan, sa kabila ng mga panlilinlang sa iyong paligid. Maganda ang takbo ng trabaho at marami kang dapat gawin kaysa dati, kaya kailangang i-organisa ang lahat at planuhin ang gawain ng iyong mga kasamahan. Lucky numbers: 17, 24, 39 at 44.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
May tsansa kang mabago ang pamumuhay. Lalabas din ang totoo na kung sino pa ang malapit sa iyo, ay sila pang susubok na sirain ang iyong pamilya. Huwag hayaang mangyari ito. Malaki ang tensyon sa pagsasama, at pareho kayong may kasalanan, pero mababawasan ito kung makakapag-usap ng maayos at magbibigay-daan ang bawat isa. Lucky numbers: 15, 19, 36 at 38.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91 
Huwag gaanong maging gahaman sa pera dahil pagsisimulan yan ng mga problema. Mag-ingat sa away tungkol sa edukasyon ng mga anak, piliting magkasundo sa desisyon. May malaking pagbabago na makakaapekto sa dating bisyo, huwag labanan ito at piliting umunlad ang sarili. Mag-ingat na mahulog, mapilayan o malasing. Samantalahin ang dumarating na magandang pagkakataon. Lucky numbers: 6, 17, 36 at 44.


Don't Miss