Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Kinagat ng aso ng amo

24 January 2017

Kinagat ng mabangis na aso ng amo ang isang Pilipinang taga Iloilo noong Dis. 23. Dinala naman siya agad sa Queen Elizabeth Hospital ng amo, pero sinabi na huwag siyang mag-alala dahil kumpleto naman daw sa bakuna yung aso.

Ayon sa Ilonggang kasambahay, tinurukan lang siya ng gamot na pangontra sa tetano, at pinainom ng Panadol para maibsan ang sakit na sanhi ng kagat ng aso.

Gusto na ng Ilongga na umalis na sa amo, dahil pangalawang beses na umano siyang kinakagat ng matapang na aso. Ayaw namang pumayag ng amo, at sinabing kung mananatili siya sa kanila ay hindi na ipapaalaga sa kanya ang aso.

 Kumunsulta siya sa ilang mga kakilala at pinayuhan siya na ilapit na sa abugado ang kanyang kaso para bayaran siya ng danyos ng amo. Kahit ligtas na siya sa rabies ay nagtamo din siya ng sugat na dapat panagutan ng kanyang amo. Dahil dito ay maari na rin siyang bumaba sa bahay ng amo ng walang abiso.

Kasalukuyang pinag-iisipan nang maigi ng Ilongga kung ano ang susunod niyang gagawin. – Merly Bunda

Don't Miss