Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Maswerte siya sa amo

06 January 2017


Isang taon pa lamang ni Disha sa paninilbihan sa mga among Briton pero napatunayan na niyang super bait talaga sila dahil pinabisita ang kanyang nag-iisang anak mula sa Pilipinas, at kasama pati ang kapatid niyang nag-aalaga dito, para magkakasama sila sa araw ng Pasko.

Bukod dito, pinayagan pa siyang mag-stay out para makasama niya ang anak sa araw-araw nitong pamamasyal. Noong araw mismo ng Pasko ay niyaya silang mag-ina na makipag lunch sa kanila, kasama ang mga magulang at kapatid ng among babae.

Maliban sa biniling ticket para sa kanyang anak ay binigyan pa siya ng pera sa red packet para may gastusin sila sa kanilang pamamasyal. Hindi lang iyan, inamubunan pa sila ng mga regalo, kasama pati ang kapatid niyang nagdala ng kanyang menor de edad na anak.

Namangha mismo ang kanyang kapatid sa kabaitang ipinakita ng kanyang mga amo, kaya pinayuhan si Disha na pagbutihin pa ang kanyang trabaho at asikasuhing maigi ang kanyang alaga para lalo pang matuwa ang mga amo sa kanya. Huwag daw masyadong mag Facebook para mapanitili ang magandang samahan nilang mag-amo. Sagot naman ni Disya, may panahon ang lahat ng bagay, sabay ngiti sa ate niya. Si Disya ay tubong Isabela at solong magulang. — Marites Palma

Don't Miss