Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Naimbiyerna kay lola

22 January 2017

Dating masaya si Lorna sa piling ng mga kauna-unahang amo na nakatira sa Yuen Long. Super bait kasi ang mag-asawa at walang problema sa kanyang gawaing bahay. Kapag nagigipit siya sa pera ay nakakahiram pa siya sa amo, kaya laking pasasalamat niya sa maganda niyang kapalaran.

Nang alukin siyang pumirma ulit sa panibagong kontrata ay walang kagatol-gatol siyang pumayag. Sa malas ay namatay ang tatay ng amo niyang lalaki pagkatapos nilang mag-renew ng kontrata. Dahil hindi naman magawang iwan ng amo mag-isa ang ina sa bahay ay sila ang pumisan dito sa Tai Wai.

Unang araw pa lamang nila doon ay naramdaman agad ni Lorna ang bigat ng pakiramdam niya sa lola. Hindi ito marunong mag-English dahil galing sa mainland China, kaya hindi sila magkaintindihan. Walang araw ang lumipas na hindi siya isinusumbong sa kanyang mga amo, at ang higit na masakit ay ang pagbibilang nito ng anumang pagkain na nasa loob ng fridge para hindi siya makakain ng wala itong permiso. Ultimo prutas ay binibilang ng matanda. Tira-tira na nga lang daw ang binibigay sa kanya ng matanda ay parang masakit pa sa loob nito na pakainin siya. Sumbong pa ito nang sumbong sa mga amo niya ng kahit na walang kwentang bagay.

Ngunit ang sukdulan ay nang sawayin siya habang kausap niya ang kanyang pamilya sa Pilipinas sa oras ng kanyang pahinga sa gabi. Hindi kasi siya makahawak man lang ng telepono maghapon dahil sinususundan siya ng matanda.

Sa galit ay sinabihan niya ang matanda ng, “Wala na ba akong karapatang kumustuhin ang aking pamilya bago ako matulog sa gabi?" Sinagot naman nito na hindi bawal ang tumawag pero dapat daw ay sa labas niya ito gawin at hindi sa kwarto nila ng kanyang alaga dahil malakas ang radiation na nanggagaling sa cellphone at computer.

Sa sama ng loob ay agad-agad na nagpunta si Lorna sa kanyang agency pagdating ng Linggo para maghanap ng bagong amo. Pero nadismaya siya nang malamang $7k ang dapat niyang bayaran kung break contract siya. Napaisip si Lorna at kinundisyon na lang ang sarili na magtiis.

Walong buwan na lang ang natitira sa kanyang kontrata, at isinumpa niyang hindi na muli siyang pipirma sa mga amo dahil sa kapisan nilang matanda na mahirap pakisamahan. Si Lorna ay tubong Visayas – Marites Palma

Don't Miss