Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Pamasko mula sa alaga

04 January 2017

Hindi inaasahang makatanggap ng  DLSR camera si Vicky mula sa kanyang alaga nitong kapaskuhan na siyang nagpasaya sa kanya nang husto. Matagal na niya kasing pangarap ang magkaroon ng ganitong camera kaya pinag-iipunan niya dahil aabot ng $12,000 ang halaga nito, kasama ang mga lente.

Napayakap siya sa tuwa sa alaga na isa ng ganap na inhenyero ngayon.

Maliban sa camera ay nakatanggap din siya ng $3,000 cash mula sa mag-asawang amo. Sobra-sobrang gantimpala ang natanggap niya mula sa pamilyang pinagsilbihan na niya ng anim na taon.

Noong una ay hirap siya sa trabaho dahil lagi silang maraming mga bisita, at siya palagi ang nagluluto ng handa para sa kanila. Imbes magreklamo ay ginawa niyang hamon ang kanyang sitwasyon. Nag-aral siyang magluto ng iba-ibang ulam, at pati na mga meryenda na katulad ng cake at cookies, bagay na ikinatuwa ng kanyang mga amo, at ito na nga ang bunga.

Ang natanggap niyang biyaya ay ibinahagi sa kanyang Tatay at ang iba ay idinagdag sa kanyang ipon. Lalong tumibay ang kanyang pananalig na maging positibo lamang sa lahat ng trabahong ibibigay, madali man ito o mahirap, at tiyak na mapapalitan ng biyaya ang ginagawang pagsasakripisyo Si Vicky ay tubong Isabela, may mga anak at kasalukuyang naninilbihan sa Repulse Bay. – Marites Palma

Don't Miss