Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Napamahal na sa alaga

20 February 2017

Bumalik sa Hong Kong kamakailan si Tisay mula sa taunang bakasyon sa Pilipinas. Kahit miss na miss na niyang muli ang tatlong anak na iniwan ay natutuwa din siyang balikan ang dalawang alaga na naiwan sa Yuen Long, lalo na ang dalawang taong bunso na siya na ang nagpalaki.

Habang wala kasi siya ay panay ang video call ng kanyang amo kasama ang mga anak dahil miss na miss daw siya ng dalawa. Yung bunso na dalawang taong gulang at katabi ni Tisay sa pagtulog ay ayaw matulog sa unang gabi na wala siya. Inabot na sila ng alas dos ng madaling araw ng kakausap sa video ay ayaw pa ring matulog ng bata, at panay ang sabing umuwi na siya.

Yung panganay din ay gusto na siyang umuwi dahil ayaw sa ipinalit sa kanya pansamantala na isang Indonesian.

Ayon kay Tisay, masaya siya sa mga among Intsik dahil mabait ang mga ito sa kanya. Katunayan, halos hindi siya nagde-day off at pumapayag na bayaran na lang siya imbes lumabas ng bahay.

Kung ayaw naman niyang magtrabaho ay sa bahay lang siya nagtutulog, at dinadalhan pa siya ng pagkain ng amo dahil tinatamad siyang magluto. Kahit simple lang daw ang buhay ng mga amo at medyo masikip ang bahay ay masaya na siya dahil maganda ang trato sa kanya, at malaki ang tiwala sa ginagawa niyang pagpapalaki sa mga anak nila.

 Panatag din si Tisay dahil maayos ang trabaho ng kanyang mister at maganda ang ginagawang pagpapalaki sa kanyang tatlong anak na 21, 19 at 8 taong gulang na. Sila ay nakatira sa Cavite. – DCLM

Don't Miss