Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Niloko ang amo

04 February 2017

Pigil na pigil si Imelda sa pagsisiwalat sa lihim ng bago niyang kasama.

Kumuha ng makakasama niya ang kanyang mga amo dahil hirap na siyang asikasuhin ang dalawang anak ng mag-asawang French na amo. Ang panganay niyang alaga ay 4 na taon at 10 months lang ang bunso.

Ang kinuha ng kanyang mga amo na makasama niya ay si Dulce na bagama’t minimum lang ang sahod ay nakakatanggap ng $8,400 sa kabuuan kada buwan. Sinabi kasi nito na kailangang mag stay-out siya dahil kasama niya sa boarding house ang asawa niya. Pagkatapos kuwentahin ang lahat ng gastos niya para sa pagkain, pamasahe at bahay na $2,500 kada buwan ang upa ay tumaas nang husto ang suweldo ng bagong salta.

Bago naman pinirmahan ang bagong kontrata ay pumunta ang among French sa boarding house at nakita niya ang sinasabing asawa ng katulong. Ang hindi nito alam ay agad namang tinext ni Dulce si Imelda para ibalita ang pagbisita ng amo, at sinabing boyfriend lang niya talaga ang nandoon.

Sa interview pa lang kasi ay sinabi na ni Dulce kay Imelda na ang asawa niya ay nasa Qatar. Hindi man mapalagay sa kasinungalingan ng bagong kasama ay pinili pa rin ni Imelda na manahimik.

Naniniwala kasi siya na walang lihim na hindi nabubunyag, at sigurado siyang kapag nalaman ng kanilang amo ang ginawang pagsisinungaling ni Dulce ay tiyak itong magagalit. Ewan na lang kung ano ang maging epekto nito sa trabaho ng bagong katulong. Si Imelda ay isang Ilongga at dalaga samantalang si Dulce ay taga Mindanao. – Merly Bunda

Don't Miss