Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Bawi-bawi ng mga dapat bawiin

24 March 2017

Si Gina, 40 taon at Ilokana, ay tinerminate ng amo niyang taga Kwun Tong dahil lang sa sinabihan siyang “lazy” ng anak nitong lalaki.

Isang gabi ay inutusan siya ng bata na linisin ang kusina dahil marami raw ipis. Dahil halos ala-una na ng madaling araw ay nakiusap si Gina na baka maaring bukas na lang siya maglinis. Nagalit ang bata, at agad naman siyang tinerminate ng mga magulang nito.

Nang magkabayaran na sila ay nakita ni Gina na kulang ng $1,000 ang dapat niyang matanggap.

Ayon sa sekretarya ng amo, ito daw ay dahil may utang si Gina na $1,000 na binigay sa kanya ng amo bilang “gift” sa unang buwan ng pagtatrabaho niya.

Hindi pumayag si Gina sa gustong mangyari ng amo, at nagsampa siya ng kaso sa labor para makuha ang lahat ng dapat niyang kabayaran. Si Gina na tubong Nueva Ecija ay nagtrabaho lang ng isang buwan at 21 araw sa kanyang mga amo. – Salve Bandojo

Don't Miss