Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Hindi na uulit

06 March 2017

Napagalitan si Kristine kamakailan dahil lang ibinaba niya ang alaga niyang babae para makipaglaro sa ground floor ng kanilang building.

Dalawa ang kanyang alaga na kambal, isang babae at isang lalaki. Magmula nang ipanganak ang mga ito hanggang ngayon na nasa K2 na sila ay siya ang nag-alaga.

Bagamat matagal na siya sa pamilya ay kailangan pa rin niyang sumunod sa patakaran ng kanyang among babae na Canadian. May ginawa itong schedule ng mga bata at gawain sa bahay na kailangang sundin ni Kristine. Halos lahat ay naka-program, at may time table pa na kailangang sundin, pati kung kailangan dapat dalhin ang mga bata sa playgroup.

Noong Martes, Peb 21, ay nagpasya si Kristine na ibaba ang babaeng alaga dahil naiinip ito sa loob ng bahay. Ang kakambal kasi nito ay dinala ng ina sa after-school activity kaya naiwan silang dalawa sa bahay. Ibinaba niya ang bata at pinayagang makipaglaro ng 45 minutes sa isang batang lalaki na kapwa nito apat na taon, at mag-iisang taon na batang babae.

Kinagabihan ay nalaman ng among lalaki ang ginawa nilang pagbaba, at isinumbong sa asawa. Katakot-takot na sermon ang inabot ni Kristine, na agad na nag-text sa isang kapitbahay tungkol sa sinapit.

Sumumpa siya sa kapitbahay na hinding hindi na niya ulit susuwayin ang kanyang amo. Wala daw siyang magagawa dahil katulong lang siya, at may mga regulasyon ang amo na kailangan niyang sundin. Si Kristine ay limang taon na sa mga among Canadian at American at nakatira sa Stanley. — Merly P. Bunda

Don't Miss