Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Sisante agad nang mapatunayang nagpabaya sa alaga

19 March 2017

Kalilipat lang ng amo ni Jacky nang masisante siya. Pabalik na sa kanilang bansa noon ang kanyang mga dating among puti kaya inirekomenda siya sa kanilang kaibigan na bagong dating a Hong Kong. Kambal na babae ang bagong alaga niya at nagdadalang tao ang among babae.

Dalawang taon na ang kambal kaya may kalikutan na. Minsan na naglalaro ang mga bata sa playground ay nahulog ang isa mula sa paglalambitin sa palaruan. Hindi niya naagapan ang aksidente dahil nakikipag-usap siya sa kanyang telepono.

Kahit alam niyang dalawang batang nasa kalikutan ang kailangan niyang alagaan ay nakukuha pa rin niyang makapag telepono. Agad na nalaman ng mga magulang ang nangyari, at itinakbo ang bata sa ospital para ma-xray dahil sumakit diumano ang baywang nito mula sa pagkakahulog.

Pilit na ipinagtanggol ni Jacky ang sarili, at sinabing may mga kapwa Pinay niya ang naninira lang sa kanya.

Ang hindi niya alam ay may CCTV sa playground kaya agad nakita ng mismong mga guwardiya ang nangyari. Ang resulta ay nasisante si Jacky nang di oras.

Sabi ng mga kapwa niya Pinay sa kanilang building ay may boyfriend si Jacky na ibang lahi kaya lagi itong nasa telepono. Sana daw ay itinaon na lang niya ito sa tama. Si Jacky ay isang Bisaya at dalaga. – Marites Palma

Don't Miss