Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Masuwerte ka ba sa Mayo?

27 April 2017

TANDANG. Isinilang noong 1921/33/45/57/69/81/93
Titibay ang pananalapi at maganda ang kita ngayon. Huwag maging pabaya o sumubok sa bagay na wala kang alam, dahil baka mawala ang pinaghirapan mo. Sa mga matagal nang nagsasama, mas matatag pa ang pagsasama. Kung single, ang love affair ay gaganda pa. Huwag damdamin ang mga problema mo ngayon dahil lalo kang magiging matatag sa pagharap sa mga pagsubok. Lucky numbers: 9, 15, 21 at 40.

ASO. Isinilang noong 1922/34/46/58/70/82/94
Magiging masigla, masipag at puno ka ng tiwala ngayon sa iyong kakayahan, at lalabas din ang iyong kakayahan sa ibang bagay. Ayusin ang pananalapi upang maiwasang maging biktima ng parating na tag-salat. Huwag mawalan ng pag-asa na mabigyan ng atensyon ng taong matagal mo nang gusto dahil darating na ang tsansa mong mapalapit sa kanya. Lucky numbers: 10, 19, 22 at 44.

BABOY. Isinilang noong 1923/35/47/59/71/83/95
Maiiba ang araw mo dahil sa mga bagong kakilala, pero magkakaroon ng malilit na problema sa kalusugan gaya ng sipon, ubo, allergy o hirap sa pagdumi. Magiging aligaga ka na matapos maayos ang matagal mo nang pinagkakaabalahan, o matupad na ang matagal mo nang ambisyon. Hindi kayo pareho ng istilo ng iyong amo, huwag nang magpilit at sumunod ka lang muna upang maiwasan ang pagtatalo. Lucky numbers: 15, 18, 27 at 41.

DAGA. Isinilang noong 1924/36/48/60/72/84/96 
Mas gugustuhin mong mapag-isa dahil iniisip mo na hindi tama ng iyong mga kasamahan. Tigilan na ito dahil marami na ang naiirita sa katigasan ng iyong ulo. Hindi ito makakabuti sa iyo kaya matutong makisama. Kapag inatake ng nerbiyos, kumalma at huwag gaanong mag-alala dahil lilipas din agad ito. Kumain ng tsokolate at piliting aliwin ang sarili- ang pagtawa ang pinakamabisang paraan. Lucky numbers: 5,9,16 at 28.

BAKA. Isinilang noong 1925/37/49/61/73/85/97 
Malaki ang tsansa na makikilala mo na ang taong agad kang mai-in love; hindi man magtagal ang relasyon ay magbibigay ito labis na kaligayahan sa iyo at may matututuhan ka rin. Masakit man, piliting makabangon agad. Subukan mong sumugal sa stock market dahil may angkin kang husay. May haharapin kang problema sa tahanan dahil sa pagiging pabaya mo. Lucky numbers:11, 15, 29 at 33.

TIGRE Isinilang noong 1926/38/50/62/74/86 at 98 
Kung may asawa, mahihirapan kang labanan ang tukso, pero hindi ka rin lubos na masisiyahan dahil mako-konsensya ka. Dahil sa labis na pag-alala sa kalusugan ay hindi ka makatulog ng maayos na maaaring pagsimulan din ng depresyon. Abalahin ang sarili upang maiwasan ang negatibong pag-iisip. Magaling kang dumepensa, pero hindi kailangang lagi kang kontra sa maraming bagay. Lucky numbers: 17, 26, 38 at 42.

 KUNEHO Isinilang noong 1927/39/51/63/75/87 
Mas masigla ka kaysa dati. Kahit may pag-aalala ka ay positibo ka pa rin, at pipiliin mong manahimik na lang. Sa trabaho, malaki ang tsansa na mabigyan ng umento at gantimpala kaya dagdagan ang sipag. Ito ang tamang oras na magdesisyon at ipakita ang iyong awtoridad at kakayahan. Maganda ang lagay ng kalusugan, pero mas mainam kung may sports kang sasalihan upang mapanatili ang sigla ng katawan. Lucky numbers: 15, 16, 29 at 35.
.
 DRAGON Isinilang noong 1928/40/52/64/76/88 
Piliting ayusin ang mga bagay na nakakaapekto sa relasyon mo sa taong malapit sa iyo. Subukang sumama sa mga taong kapareho mo ng interes at mga gusto. Malaking tulong sa trabaho mo ang angkin mong sigla at sipag kaya malalampasan mo ang anumang pagsubok at problema. Nerbiyos, kawalan ng atensyon at away ang mararanasan sa iyong tahanan sa linggong ito. Lucky numbers: 7, 12, 37 at 44.

AHAS Isinilang noong 1929/41/53/65/77/89 
Pagseselos, alitan at maliliit na away ang magaganap ngayon. May malakas na pisikal na atraksyon ka sa isang taong hindi nababagay sa iyo, lalo na sa usaping pangkultura. Maganda ang takbo ng trabaho at ang mga ideya at pamamaraan ay magbubunga na, huwag sayangin ang oras sa walang katuturang tsismis. Upang gumanda ang pakiramdam, subukang manood ng nakakatawang palabas o magbasa ng magagandang kuwento. Lucky numbers: 18, 20, 21 at 44.

KABAYO. Isinilang noong 1930/42/54/66/78/90
Ang sapat na tulog at pahinga ay kailangan mo upang mapanatili ang sigla at maalis ang labis na pagod na nararamdaman. Iwasang lumaki ang ulo sa mga natatamong tagumpay, huwag maliitin ang ibang tao o mga bagay, na maaring pagsisihan mo. Marami kang malalaking pagsubok na pagdaraanan sa trabaho, huwag mawalan ng pag-asa. Humingi ng tulong sa mga tunay na kaibigan. Lucky numbers: 5, 23, 28 at 31.

KAMBING. Isinilang noong 1919/31/43/55/67/79 at 91 
Kung hindi naman napakatayog o imposible ang ambisyon, magtatagumpay ka, at magkakaroon ng maayos na kinabukasan. May bagong sigla ang relasyon, subukang magbakasyon upang balikan ang matatamis na alaala ng inyong pag-iibigan. Mahihirapan ka nang hanapin ang ilan sa mga paboritong produkto na matagal mo nang nakasanayang bilhin. Lucky numbers: 12, 16, 28 at 32.

UNGGOY. Isinilang noong 1920/32/44/56/68/80/92
Mag-ingat sa biglaang desisyon at mga bagay na hindi napaghandaan. Pag-isipang mabuti bago makipagkasundo o maglabas ng malaking pera. Gagawin mo ang lahat upang mapagbigyan ang mga taong nagmamahal sa iyo, pero darating ang puntong kailangan mong mamili: ang responsibilidad sa trabaho o ang obligasyon mo sa pamilya. Lucky numbers: 22, 29, 37 at 46.

Don't Miss