Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Sumaya pa si Gemma nang materminate

10 August 2017

Na-terminate man ay nakuha pa ring magpasalamat ni Gemma na anim na buwan lang ang itinagal sa mga among taga mainland China.

Lagi kasi siyang gutom, lalo na kung pumupunta sa China ang kanyang mga amo, at hindi siya iniiwanan ng food allowance. Minsan ay inabot sila doon ng isang buwan kaya hindi biro ang inabot na gastos ni Gemma para masigurong hindi siya magugutom.

Ang dahilan na ibinigay ng amo ay hindi siya marunong magluto, na ikinabigla ni Gemma dahil ayaw naman siya nitong magluto ng pagkain nila. At sa kakuriputan ng mga ito ay wala naman halos mailuto sa bahay nila.

Ora mismo ay pinababa siya ng amo noong hapon ding iyon, at binayaran ng lahat ng dapat. Umaasa si Gemma na makahanap ng bagong amo bago umuwi sa kanila sa Iloilo, at sana ay hindi naman kasing kuripot ng dati ang makuha niya. - Merly Bunda

Don't Miss