Responsive Ad Slot

Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Food Trip

CHINESE HOROSCOPE

Ugaliing makinig!

Join us at Facebook!

Bawal mag shorts sa bahay

16 October 2017

“Don’t wear shorts in front of Sir,” ito ang unang sinabi kay Ana ng kanyang among babae sa unang araw pa lang ng kaniyang paninilbihan sa kanila.

Nagulat si Ana sa tinuran ng amo dahil una ay hindi naman siya talagang mahilig mag shorts at pangalawa ay wala naman siyang balak na pumarada sa harap ng among lalaki na kita ang mga hita at binti.

Hindi man kagandahan ay may hitsura pa rin si Ana at bata, kaya siguro may pangamba ang among babae na maakit ng Pilipina ang kanyang asawa. Hindi kasi mahilig mag-ayos at magbihis ang among babae, at pati ang araw-araw na pagligo ay kinakatamaran kaya malamang na natatakot ito na mabaling ang pagtingin ng asawa.

Gayunpaman ay tanging “Yes, ma’am” ang kanyang isinagot sa amo para hindi na humaba pa ang usapan.

Dahil sa sinabing ito ng among babae ay lalong pinag-ingatan ni Ana na hindi mapalapit sa among lalaki. Sinunod din niya ang mga patakaran ng among babae kaya naging maayos ang kanilang samahan. Ngayon ay malapit nang matapos ang unang kontrata niya sa kanila at sinabihan na siya ng amo na pipirmahan siyang muli. Si Ana ay dalaga at naninilbihan sa mga among Intsik sa Mid-Levels. – Ellen Almacin

Don't Miss