Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Pista sa St Teresa idinaos

21 October 2018

Ni George Manalansan

Nagdaos ng pistahan sa St Teresa Church sa Prince Edward Road noong ika-30 ng Setyembre and Filipino Catholic Community ng simbahan.

Matapos ang dasal at pasasalamat ay nag-awitan at nagkasayahan ang mga dumalo sa pamamagitan ng mga laro, katulad ng caterpillar game, paper relay, ice candy eating, shooting
coin in a class, bring me game, tongue twister contest at balloon relay.

Lalong pinagtibay ang samahan ng mahigit 10 grupo na kasama sa STFCC ng kasiyahan at sabay-sabay na panalangin.

Sa tampok na raffle draw, sinuwerte si Eden Anoyo dahil siya ang nagkamit ng grand prize na $700 na nasa red packet. First prize naman si Gemma Egam na nanalo ng $500, samantalang isang mini oven ang napunta sa nanalo ng second prize na si Gege Tamparong, at third prize naman si Lorna Padecio na nagkamit ng isang set ng baking tray.

Marami ang nanalo ng consolation prize na pera sa red packet.

Bago naghiwa-hiwalay ay nagsalo-salo ang lahat sa hapunan.

Ayon sa lider ng grupo na si Amalia Elefante, ang St Teresa ang pangalawa sa pinakamalaking Catholic community sa buong Hong Kong.

Sugod na, mga kapatid, sa hapag.


Don't Miss