Responsive Ad Slot

Maid FinderFind employer quickly!
Download the App!
Latest

Buhay Pinay

Features

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Mahilig kasi sa drama

27 April 2019



Binalaan na si Rowena na ihinto na niya ang panonood ng tele novela na siyang dahilan ng palagiang niyang pag-iyak, na natetyempuhan ng amo sa pag-uwi nila sa kanilang bahay.

Sa kabila nito hindi pa rin niya sinusunod ang bilin ng amo, kasi sa isip niya ay hindi siya maaring sibakin dahil matagal na siya sa kanila at may baby pa siyang alaga.

Call us!

Pinagpatuloy niya ang panonood ng mga madamdaming telenovela na siyang dahilan ng kanyang pagiging emosyonal araw araw.

Kaya nabigla na lamang siya noong bigyan siya ng sulat at kaukulang bayad sa hindi napapanahong termination ng kanyang kontrata.

Call!

Natauhan na lamang si Rowena nang sabihan siyang mag-empake na dahil hindi na daw nila gusto ang kanyang serbisyo at lagi siyang umiiyak ng dahil sa panonood ng telenovela.

Dahil sa nangyari ay ipinangako niya sa sarili na hinding hindi na siya manonood ng mga madamdaming telenovela para hindi siya mawalan ng trabaho.

Call us!

Ayon pa sa kanya, disiplina talaga ang kailangan kung nangangamuhan ka. Sundin ang simpleng patakaran ng amo na hindi naman mabigat at hindi inaapakan ang mga karapatan mong pangtao.

Si Rowena ay isang Bisaya, may asawa at anak.- Marites Palma
===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!


Call now!


Call us!


View details...



Don't Miss