Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Showing posts with label Buhay Pinay. Show all posts
Showing posts with label Buhay Pinay. Show all posts

2 DH inakusahan ng pagnanakaw ng alahas na may kabuuang $676,000

Posted on 13 December 2022 No comments
Ibinalik sa piitan ang dalawang Pilipinang inakusahan ng pananakaw ng alahas. (File)
 

Dalawang Pilipinang domestic helper ang humarap sa magkahiwalay na korte ngayon matapos akusahang nagnakaw ng mga alahas na nagkakahalaga ng $384,000 at $292,000 mula sa kani-kanilang mga amo, at ipiniit hanggang sa susunod nilang pagdinig sa papasok na taon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Si Ligaya Banisal. 42 taong gulang, ay kinasuhan ng pulis ng pagnanakaw ng 18 pulseras na ginto, dalawang singsing, apat na singsing na ginto, at siyam na kuwintas na nagkakahalaga ng $384,000 at pag-aari ng kanyang among nakatira sa Lohas Park sa Tseung Kwan O.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang pagnanakaw ay nangyari umano sa pagitan ng January 2021 at Oct. 16, 2022.

Hiningi ng taga-usig sa pagdinig kanina sa Kwun Tong Court na ipagpaliban ang pagdinig sa kaso upang mabigyan ng dagdag na panahon ang mga pulis na mag-imbestiga pa at mabawi ang mga ninakaw na alahas mula sa sanglaan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Itinakda ni Magistrate Minnie Wat sa Feb. 7, 2023 ang susunod na pagdinig.

Dahil walang hiling ang akusado na palayain siya sa bisa ng piyansa, ibinalik siya sa kulungan.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Samantala, si Marivic Hitalia, 35 taong gulang, ay kinasuhan sa Shatin Court ng pagnanakaw ng pitong kuwintas na ginto, 14 na gintong pulseras, tatlong gintong singsing, at isang pares ng gintong hikaw.

Ang mga alahas, na nagkakahalaga ng $292,000, ay ninakaw umano ni Hitalia sa mga among taga-Ma On Shan mula Aug. 21 hanggang Oct. 28.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
BASAHIN ANG DETALYE

Ipinagpaliban ni Acting Principal Magistrate David Cheung sa Jan. 31 ang susunod na pagdinig. 

Inutos din niyang ibalik si Hitalia sa kulungan.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!

2 Pilipinang may kasong drug trafficking kulong habang dinidinig ang kaso

Posted on 25 November 2022 No comments

 

Hindi pumayag ang Magistrate sa Kowloon City na  makalayang pansamantala ang dalawang Pilipina.

Dalawang Pilipinang may kasong drug trafficking ang ibinalik sa piitan ngayon matapos ipinagpaliban ang paglilitis laban sa kanila sa Kowloon City Magistracy.

Si Chamberlyn Cadelina, 39 taong gulang, ay nahaharap sa tatlong kaso.

Ang una ay drug trafficking, na inihain laban sa kanya matapos siyang maaresto kasama ang isang lalaking Bangladeshi sa isang silid sa  Mirador Mansion sa Nathan Road noong Nov. 15 at nasamsam sa kanila ang 32 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu at iba pang bagay na gagawing ebidensiya laban sa kanila.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kinasuhan rin siya ng pagkakaroon ng lason na kasama sa Part 1 ng Poisons List, na paglabag sa Pharmacy and Poisons Ordinance, at overstaying dahil ayon sa kanyang visa, dapat noong 2017 pa siya umalis sa Hong Kong.

Ang Bangladeshi na kasama niyang nahuli, si Amit Foysal, 40, ay kinasuhan din ng drug trafficking at pagkakaroon ng Part 1 poison.

Si Foysal ay hindi nakarating sa pagdinig ngayon dahil may sakit, kaya ipagpaliban ni Acting Principal Magistrate Peony Wong ang kanyang pagdinig sa Dec. 2.

Pindutin para sa detalye

Dahil dito, hiningi ng abogado ni Cadelina na payagan siyang mag-piyansa upang hindi siya maapektuhan ng pagkaantala ng kaso, dahil hindi malaman kung hanggang kailan mananatili sa ospital ang kasamahan niya sa kaso.

Itinaas niya sa $3,000 ang alok na piyansa ni Cadelina mula sa $2,000. Sinabi rin nito na nangako si Cadelina na mag-report sa istasyon ng pulis araw-araw at hindi aalis sa tinitirhan niya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero tumanggi si Magistrate Wong dahil mabigat ang kaso, malakas ang ebidensiya laban sa kanya at overstayer siya noon pang 2017.

Ibinalik siya sa kulungan hanggang sa susunod ng pagdinig sa Jan 12.

Samantala, pinagpalban din ang paglilitis ng kasong drug trafficking ni Rhea Nerissa Maristela, 26 taong gulang at nagtatrabaho bilang waitress, dahil sa hiling ng pulisya ng karagdagang anim na lingo upang suriin ang lahat ng drogang nakuha sa kanya nang arestuhin siya sa Nathan Road sa Tsim Sha Tsui noong Oct. 13.

Press for details

Sinabi ng taga-usig na hindi pa natatapos ang pagsusuri ng pinaghihinalaang droga sa laboratory ng gobyerno, kaya hiniling niyang ituloy na lang sa susunod na taon ang pagdinig.

Pinagbigyan naman ito ni Magistrate Wong, at itinakda ang susunod na pagdinig sa Jan. 6.

Dahil hindi niya hiniling na payagan siyang mag-piyansa, ibinalik si Maristela  sa kulungan.

BASAHIN ANG DETALYE

Matatandaan na dalawang beses siyang nag-alok ng piyansa – $5,000 noong una at $7,000 sa ikalawa -- upang maalagaan niya ang kanyang dalawang anak, pero tinanggihan ng korte dahil sa bigat ng kasong kaharap niya (basahin ang naunang report dito: https://www.sunwebhk.com/2022/10/korte-tinanggihan-ang-dinagdagang-alok.html).

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Pilipina lilitisin sa sakdal na pananakit sa alaga

Posted on 31 October 2022 No comments

 

Ang gusali sa Tseung Kwan O kung saan nangyari umano ang pananakit.

Isang Pilipina ang itinakdang litisin sa Jan 11-12, 2023 sa Kowloon City Magistracy matapos na  tumanggi siya sa akusasyong sinaktan niya ang apat na taong gulang niyang alagang babae, dahilan para maipeksyon ang ari nito.

Sinabi rin ng abogadong nagtatanggol sa kanya na handang tumestigo si Rizalee Oyson, 39 taong gulang.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Bago payagang makalaya sa piyansang $500, pinaalalahanan ni Magistrate Stephanie Tsui si Oyson na kailangan niyang makipagtalastasan sa abogadong itinalaga sa kanya ng Duty Lawyers Service ng korte, upang maging handa siya sa pagdinig.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Idinagdag niya na hindi papayagang maantala ang paglilitis dahil lang walang abugadong magtatanggol kay Oyson.

Sa panig naman ng taga-usig, limang testigo ang ihaharap nila sa paglilitis, kasama ang bata at ina nito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kabilang sa mga ebidensiyang inihahanda nila ang video recording ng pagtatanong ng pulis kay Oyson matapos itong arestuhin noong Nov. 19, 2021 sa bahay ng kanyang amo sa Capri, sa Tseung Kwan O.

MAY CHANCE KA PANG MANALO!

Unang tinawag si Oyson sa isang pagdinig sa Kwun Tong Court upang basahan ng kaso, kung saan inakusahan siya na nanakit sa kanyang alagang bat, dahilan para ito magsanhi ng kakaibang paghihirap, na paglabag sa Section 27(1) ng Offenses Against the Person Ordinance.

Nagsimula ang kaso laban sa kanya nang biglang umiyak ang kanyang alagang bata, na apat na taong gulang, habang pinaliliguan niya ito noong Nov. 19, 2021. Nagreklamo ito na masakit ang kanyang ari.

Tumawag ng pulis ang ama ng bata at ipinaaresto si Oyson.

Pero ayon sa Pilipina, nangyari ito matapos siyang tanungin ng amo kung payag siyang pumirma ng bagong kontrata, dahil malapit nang matapos ang una, at tumanggi siya. Nakakita na rin siya ng among lilipatan, na suportado siya sa kasong ito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Noong Oct. 24, inutos ni Acting Principal Magistrate Amy Chan ng Kwun Tong na ilipat ng kaso sa Kowloon City Magistracy Courts. 

Ang kasong hinaharap ni Oyson ay paglabag ng Section 27(1) ng Offenses Against the Person Ordinance, na nagtatakda ng parusang aabot sa sampung taong pagkabilanggo, depende sa bigat ng pagkakasala.


Caregivers may upload vaccine passes of kids, elderly

Posted on 28 September 2022 No comments

By The SUN

 

Parents and caregivers can add the vaccination QR code of kids under their care

From Friday, Sept 30, all children aged five and above should have their own vaccine pass to enter certain high-risk premises, including restaurants, swimming pools, libraries and other venues.

To make it easier to get the children through these venues, parents and their carers may now store the kids’ vaccine pass along with their own, in the LeaveHomeSafe app. However, a paper copy of the kids’ vaccination QR code may also be used as vaccine pass.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The new function also allows anyone to store up to eight vaccine passes apart from their own, on their LHS app.

However, these additional vaccine passes could only be those of persons exempted from using the LHS app – such as children aged 15 and below, elderly aged 65 and above, or persons with disabilities.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Children aged 5 to 11 can obtain the vaccine pass after receiving two doses of a Covid-19 vaccine, or within three months after receiving the first jab.

Also starting on Friday, the grace period for persons aged 12 or above to receive the third dose of a vaccine will be shortened from six months to five months under the Vaccine Pass.

How? Pindutin ang poster sa itaas.

The moves came as the government reported 3,911 new Covid infections on Wednesday, including 208 imported cases.

Fourteen more Covid patients – aged between 57 and 97 – have died. Eight of them were not fully vaccinated.

In announcing the new rules for the vaccine pass, the government said that Hong Kong’s vaccination rate for those who have received the third dose has reached 77 percent, so there is certain level of immunity barrier in place.

However, the vaccination rate for the young and old, who are the targeted groups for protection, “still have room for improvement.” Thus, the lowering of the age requirement for the vaccine pass.

Press for details

“We strongly appeal to members of the public for arranging COVID-19 vaccination for their children and/or elderly family members without delay so that the children and elderly can get protection early through vaccination,” said the statement.

BASAHIN ANG DETALYE

“Members of the public who are eligible for the third or fourth dose should also get vaccinated as soon as possible to strengthen their own protection."

CALL US!

Pinay na nakalimot daw magbayad sa grocery, isinantabi ang kaso

Posted on 23 September 2022 No comments

 

Nanatiling malinis ang rekord ng Pilipina matapos dinggin ang kaso niya sa West Kowloon Courts

Hindi niya nabayaran ang kinuha niyang pagkain sa isang grocery na nagkakahalaga ng $94.70 dahil nalimutan daw niya, ayon sa isang Pilipina na humarap sa West Kowloon Magistrates’ Court sa Cheung Sha Wan ngayon (Sept. 23), sa kasong pagnanakaw.

Dahil sa kanyang paliwanag ay minabuti ng taga-usig na iatras na lang ang kaso laban kay G. Reyes, 47 taong gulang at domestic helper, sa kundisyon na hindi na siya lalabag muli sa batas sa loob ng isang taon. Kung hindi niya ito susundin ay pagmumultahin siya ng $1,000 at idadagdag pa ang parusa para sa bago niyang kaso.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Hinuli si Reyes noong hapon ng Aug 12 nang makita ng isang nagpapatrulyang pulis na kinuha niya ang tatlong pakete ng pagkain sa tindahan ng ParkNShop Fusion sa Sham Mong Road sa Cheung Sha Wan at umalis nang hindi nagbabayad.

Nang imbestigahan siya ay ipinaliwanad niya na nakalimot lang siya at ipinakitang may $653 siya sa bulsa, na sobra sobrang pambayad sa kinuha niya. Gayunpaman, itinuloy pa rin ng pulis ang sakdal sa kanya.


Pindutin para sa detalye

Kinasuhan siya ng paglabag sa Section 9 ng Theft Ordinance, na nagpaparusa sa pagnanakaw ng pagkakakulong ng hanggang 10 taon.

Pero matapos tawagin si Reyes sa korte at basahan ng sakdal, tumayo ang taga-usig at nagmungkahi na isailalim siya sa isang “bound over”, o pagsumpa na hindi na niya uulitin ang ginawa.

Press for details

Nang tanungin ni Principal Magistrate Peter Law kung sang-ayon siya sa mungkahi ng taga-usig, sumagot agad si Reyes ng “Yes.”

Matapos sumang-ayon si Reyes ay isinantabi ang kasong muntik nang sumira sa malinis niyang record sa Hong Kong.

BASAHIN ANG DETALYE

Sa hiwalay na pagdinig sa harap ni Magistrate Law, napagaang ang kaso laban sa isang Pilipino na unang inakusahan ng robbery, o panloloob at pagnanakaw. Ipinalit dito ang mas magaang na kasong “criminal damage”, o paninira.

Naakusahan si Brian Invento, 22 taong gulang at isang waiter, ng pagsira sa kahoy na pintuan ng isang kumpanya sa ika-16 na palapag ng isang gusali sa Sai Yeung Choi St. South sa Mong Kok.

Ipagpapatuloy ang pagdinig sa Nov. 8. Nakakalaya si Invento sa bisa ng piyansang $10,000.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Next batch of HK residents who can get new smart ID cards announced

Posted on No comments

 


Hong Kong residents born in 1996, 1997, 1998, 1999 or 2000 and holding the old form of smart identity card should bring along their identity cards and apply for new smart identity cards, the Immigration Department announced today.

They can do this in person at a Smart Identity Card Replacement Centre (SIDCC) from October 7 (Friday) to December 10 (Saturday). The SIDCCs are open from 8am to 10pm and from Monday to Saturday (except public holidays).

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The Territory-wide Identity Card Replacement Exercise covers all Hong Kong residents, whether they are permanent residents or non-permanent residents who are permitted to take up employment, make investment, reside or study in Hong Kong.

To avoid the gathering of crowds, Immigration appeals to applicants to make appointments via its  mobile application, the Internet (www.gov.hk/newicbooking), or the 24-hour telephone booking hotline 2121 1234.

Pindutin para sa detalye

Residents may scan the QR codes below to download its mobile application or to make an appointment for identity card replacement via the Internet. Immigration also appeals to applicants to pre-fill the application form when making appointments through the mobile application or the Internet for faster identity card replacement service.

For this exercise, Immigration is also implementing a caring arrangement under which each eligible applicant for identity card replacement may bring along up to two persons with disabilities to replace their identity cards together during the same visit to an SIDCC.

Press for details

For Hong Kong residents born in 1992, 1993, 1994 or 1995, their specified period for identity card replacement will end on October 6 (Thursday), while that for residents born in 1954 or before will end on January 14, 2023 (Saturday).

BASAHIN ANG DETALYE

The Replacement Exercise will end in early 2023 and those who have not yet applied for a new smart identity card should do so as soon as possible. Eligible Hong Kong residents who cannot have their identity cards replaced during the specified call-up periods due to their absence from Hong Kong can apply within 30 days upon their return to Hong Kong.

For details, visit the website www.smartid.gov.hk or call Immigration’s enquiry hotline at 2824 6111.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!
Don't Miss