Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Showing posts with label Tribong Pinoy. Show all posts
Showing posts with label Tribong Pinoy. Show all posts

KCC, ang co-op ng mga OFW na mula sa Benguet

Posted on 07 November 2017 No comments
Ni Cristina B. Cayat

Bilang isang manggagawa sa ibang bansa, puno tayo ng pangarap.

Bago pa lang umalis sa bansang sinilangan marami na tayong gustong makamit, at isa na rito ang pagkakaroon ng negosyo pagdating ng panahon na tayo ay bumalik na nang tuluyan sa ating mga mahal sa buhay.

Ngunit sa tagal ng panahon nating pagtratrabaho sa ibayong dagat, nasusuong din tayo sa iba’t ibang pagsubok kaya naman, minsan ang mga pangarap na ating ipinunla sa ating mga puso ay hindi agad natutupad.

Ang buwanang sahod natin dito sa Hong Kong ay halos hindi magkasya sa buong pamilya natin sa Pilipinas dahil sa napakaraming gastusin. Kaya madalas, ang inaasam na pagbabalik ay nauunsiyami.

Sila ang mga dumalo sa seminar na inorganisa ng Department of Agriculture , Cooperative Development Authority ng CAR sa pakikipag ugnayan ni Luciana Dangbis. Maliban kay Luciana, pawang mga "for good" na ang mga dumalo. Ang seminar ay upang lalong maintindihan nila ang mga alituntunin, karapatan, at mga benepisyo ng pagiging miyembro ng kooperatiba.


Pero may mga OFW pa rin na nagpursigi na makamit ang kanilang pangarap na pangkabuhayan. Kabilang na dito ang grupo ni Luciana Dangbis at ang kanyang mga kababayan sa Kabayan, Benguet, na nagtayo ng isang kooperatiba.

Hindi naging hadlang ang patuloy na paninilbihan ni Dangbis sa Hong Kong para maumpisahan ang bunga ng kanyang mga pagsisikap, ang Kintoman Credit Cooperative.

Itinayo ito noong 2014 sa kanyang masigasig na pakikipag ugnayan sa lokal na gobyerno ng Kabayan noong ang mayor dito ay si Faustino Aquisan. Sa umpisa pa lang ay nagalak na ang alkalde sa planong inihain sa kanya ni Dangbis, kaya lalong lumakas ang loob ng OFW.

Sa tulong ni Marilou Cosalan na nagtatrabaho sa Social Worker Department ng local na gobyerno ng Kabayan ay naisulong ang mga papeles ng koop nang hindi nahirapan si Dangbis. Nang makuha na niya ang kinakailangang dokumento ay agad hinikayat ni Dangbis ang kanyang mga kababayan na nasa Hong Kong at pati na iyong mga nagsipagbalik na sa Pilipinas na sumali sa kooperatiba.

Todo suporta din ang Department of Agriculture sa Benguet at sa tulong ni Cosalan ay nag-organisa sila ng mga seminar para sa mga ex- OFW na nakabalik na sa kanilang bayan at intresadong sumali sa ko-op. Sa tulong ng Cooperative Development Authority ay nailatag ng grupo ang mga alituntunin ng koop.

Ayon kay Dangbis, matagal nang hiling ng marami sa kanyang dating grupo na magkaroon ng paglalagakan ng pera na sigurado na ay nakakatulong pa sila sa kapwa nilang kababayan na nangangailangan.

Matapos ang masinsinang pag-uusap tungkol sa legal at teknikal na proseso ng pagkakaroon ng kooperatiba ay nabuo ang KCC sa Pilipinas, mula sa pagiging Kabayan Overseas Workers Association sa Hong Kong. Nahalal si Flordeliza Gadate bilang presidente, si Eliaren Abellera bilang ingat-yaman, at si Myrna Alberto bilang tagapamahala ng kooperatiba. Lahat sila ay pawang mga dating OFW. Sina Abellera at Alberto ang nakatalagang empleyado ng KCC sa ngayon.

Ayon kay Dangbis, masaya siyang nakapagtalaga ng dalawang dating OFW para maging empleyado ng koop.

Ang punong tanggapan ng KCC ay nasa Pacso Kabayan, Benguet at mayroon silang sangay sa KM5 La Trinidad, Benguet.

Ang unang 20 “cooperators” na sumali ay naglagak ng tig-limang libong pisong “share capital” at limandaang piso (Php500) na membership fee.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 56 na miyembro ang kooperatiba at Php500,000.00 ang asset ng koop. Naghahati-hati sa “net surplus” o tubo ang 56 na miyembro at 43 na cooperators. Noong unang taon ay kumita ang KCC ng Php110,000 at pinaghati-hatian ito ng mga cooperators.

Ang isang cooperator ay kailangang magkaroon ng Php5000 na capital share at Php500 na membership fee upang makasali sa hatian ng net surplus.

Ayon kay Dangbis, ang pagpapalago at pangangalaga ng koop ay hindi madali. Mabusisi ang kada apat na buwan na pagtitipon pagkatapos ng pagpupulong ng board of directors, pero napaka importante daw na laging may talastasan dahil pera ng mga kababayan na nagtatrabaho sa Hong Kong ang nasa kooperatiba.

Mabuti na lang at dahil sa paggabay ng kanilang mga mentor mula sa local na gobyerno ng Kabayan at ni Cosalan ng DA, unti-unti nang umuusad ang kooperatiba.

Mula sa dating Kabayan Overseas Workers Association (KOWA) na pinangunahan ni Linda Nalibsan ng dalawang taon ay isinulong ni Dangbis ang pagtatatag ng isang kooperatiba, na ngayon ay kilala na bilang KCC.

Pagkatapos lang ng dalawang taon ay accredited na ng Overseas Workers Welfare Administration CAR ang KCC.

Ayon kay Dangbis, mas mainam na mayroon na silang pinaglalagyan ng pera nila na malapit lamang sa kanilang lugar, at higit sa lahat ay kumikita kahit maliit na halaga lang. Mayroon ding medical benefit sa pinakamalapit na kaanak ng bawat miyembro.

Nagbibigay din ang KCC ng tulong sa kanilang kumunidad, gaya ng pagbibigay ng lutuan sa isang day care center, timbangan sa lokal na klinika, at donasyon sa mga simbahan.

Mas natututukan na ni Dangbis ang pag-agapay sa kanyang mga kababayan nang matagumpay niyang napagtapos sa kolehiyo ang kanyang tatlong anak. Ang panganay na si Janine ay nagtapos bilang cum laude sa St Louis University sa Baguio kung saan siya ay scholar, at kasalukuyang nagtatrabaho sa research department ng National University Hospital sa Singapore. Ang pangalawa na si Rachel ay nutrionist na sa Premier Medical Center sa Cabanatuan City samantalang ang bunsong si James Ryan ay katatapos lamang ng sa kursong forestry. Parehong nagtapos ang dalawang nakakabata sa Benguet State University.

Laking pasasalamat ni Luciana dahil napakatibay ang pundasyon ng kanilang pamilya bagamat maaga silang naulila ng kanyang asawa. Aniya, iniwan siya ng kanyang asawa ng mga responsableng anak.

Dating guro ang kanyang asawang si James, ngunit noong nangibang-bansa si Dangbis simula noong 1999 sa Taiwan at 2001 naman dito sa Hong Kong ay iniwan na ng asawa ang pagtuturo para maalagaan ang kanilang mga anak na noon ay mga bata pa. Taong 2005 nang ito ay pumanaw.

Noong 2016 ay nagkaroon si Dangbis ng pagkakataon na makasama ang tatlong anak ng mga apat na buwan nang siya ay maoperahan dahil sa myoma. Sa kanyang pag-aayos sa kanilang bahay ay nakita niya ang isang karton kung saan nakalagay lahat ang mga resibo para sa mga pinapadala niyang pera na inipon pala ng kanyang mga anak mula noong sila ay mga bata pa. Hindi daw napigilan ni Dangbis ang mapaiyak dahil nakita niya kung gaano ka responsable ang kanyang mga anak, at kung paano nila pinahahalagahan ang kanyang mga pagsisikap para sa kanila.

Sa ngayon ay wala nang iba pang pinagkakaabalahan si Dangbis kundi ang umagapay sa kanyang mga kababayan, lalo na yung mga bagong dating pa lang sa Hong Kong. Gusto din niya na magtatag ng dagdag-pagsasanay para sa kanyang kababayan na gustong magtayo ng mga simpleng negosyo gaya ng paghahabi, paggawa ng banga, at paggawa ng pasta mula sa mga gulay na tumutubo sa Benguet.

Lagi din siyang nakikipag-ugnayan sa OWWA at iba pang sangay ng gobyerno para masiguro ang patuloy na paglago ng sinimulan niyang kooperatiba.

Balik-turo si ma’am

Posted on 08 October 2017 No comments
Ni Cris B. Cayat

(Sa nakaraang tatlong buwan ay inilathala namin ang kuwento ng ilang OFW na nagtagumpay sa balak na pagnenegosyo matapos bumalik sa Pilipinas para ipagpatuloy ang naudlot na buhay. Sa isyung ito ay ikukuwento naman naming ang buhay ng isang ex-OFW na matagumpay na nagbalik sa pagtuturo pagkatapos manilbihan sa Hong Kong ng anim na taon).

Si Rowena Jose Dela Cruz at ang kanyang pamilya pagkatapos ng kanilang simba. 
Ang pagiging maparaan ni Rowena Jose dela Cruz ay makikita sa desisyon niya na bumalik na sa Pilipinas noong Agosto ng nakaraang taon pagkatapos ng tatlong kontrata, o anim na taong pagtatrabaho sa Hong Kong.

Hindi biro ang ginawa niyang pagtalikod sa mas malaking kita at mababait na mga amo, kapalit ng pagkakataong makapiling muli ang asawa at nag-iisang anak. Mabuti na lang at sinuportahan ng kanyang mga amo ang kanyang desisyon kaya nakauwi siya nang matiwasay.

Dati nang guro si Rowena sa kanilang lugar sa Quirino bago siya nagdesisyon na mangibang bansa. Sa paglipas ng mahabang panahon ay hindi daw nawala ang kanyang pagnanais na makabalik sa pagtuturo. Kailangan lang niyang mag-ipon ng kaunti para masigurado ang kinabukasan ng kanyang anak.

Mabuti na lang at hindi naging mahirap ang ginawa niyang pagbabalik sa dating propesyon. Isa na siyang permanenteng guro ngayon at adviser ng 32 estudyante sa grade 9 sa Nagtipunan High School na nasa barangay Ponggo, Nagtipunan, Quirino.

Pero hindi dito nagtatapos ang pagnanais niyang mas umusad pa sa minamahal niyang karera dahil kumuha siya ng karagdagang 18 units para sa kanyang masteral degree.

Ang sabi niya, hindi naman talaga sagabal ang kaunting sahod, ang importante ay may direksyon ka. Ang ibig sabihin, matuto kang pagkasyahin ang kung ano lang na mayroon ka.

Gayunpaman, naging malaking tulong din ang pagtaas ng suweldo ng mga guro sa Pilipinas para mahimok siyang umuwi na at magturo ulit.

“My salary is more than enough for my family, though it’s a little bit less than what I was receiving in Hong Kong. But my biggest bonus is I am able to see my kid grow and be with my husband every day,” sabi ni Rowena.

“Masaya ako sa naging desisyon naming mag-asawa na umuwi na lang ako at magtulungan kami gaya ng aming sinumpaan na sa hirap at ginahawa ay magkasama kami.”

Ang asawa niya ay patuloy na tumutulong para mapaganda ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pagda-drive, mapa van, jeepney, o kotse man iyon.

Inaamin niya na noong una ay nag-alangan siyang umuwi dahil hindi niya alam kung may babalikan pa siyang trabaho, pero sa kagustuhan niyang makasama ang kanyang pamilya ay nagpursigi siya. Sinamantala niya ang pagkakataon na matuto ng mga bagong kakayahan sa pamamagitan ng pagsali sa iba-ibang pagsasanay para sa pangkabuhayan katulad ng mga regular na isinasagawa ng OWWA (Overseas Workers Welfare Administration) at iba pang grupo.

Hinihikayat ni Rowena ang mga kagaya niyang mga guro na nasa Hong Kong pa na huwag matakot na balikan ang kanilang dating propesyon. Siya daw mismo ay nahinto ng 15 taon sa pagtuturo ngunit nakaya naman niyang bumalik.

Ang payo niya sa kanila: “Prepare ahead of time. Focus. You need to have one direction and still see teaching as your passion, because it will help you to adapt or cope with your new environment.”

Sa kabila ng pagdating ng mga biyaya sa kanyang buhay pagkatapos nyang mag for good, patuloy pa rin daw humihingi si Rowena ng patnubay sa Panginoon. Alam niyang kailangan ito para matupad ang mga plano nilang mag-asawa.


Tagumpay ni Glen

Posted on 11 September 2017 No comments

(Part II ng ‘Nag for good, nagnegosyo) 


Ni Cris B. Cayat

(Noong nakataang dalawang issue ay inilathala namin ang kuwento ng ilang OFW na nagtagumpay sa balak na pagnenegosyo matapos bumalik sa Pilipinas para ipagpatuloy ang naudlot na buhay. Sa isyung ito ay ipagpapatuloy natin ang kuwento ng iba pang magigiting na  negosyanteng ex-OFW).

Isa pa sa mga nagnenegosyo ng catering si Glenita Darang na mas kilala sa tawag na Glen. Medyo matagal-tagal rin siyang nangibang bansa at nakadalawang balik siya sa Hong Kong bago tuluyang nagtalaga sa Pilipinas.

Ang una niyang uwi ay upang ipanganak ang kanyang panganay na ngayon ay 14 taong gulang na. Nakawalong buwan siya sa Pilipinas bago siya bumalik sa Hong Kong dahil hindi siya nakapaghanda bago umuwi.

Sa kanyang pagbabalik, naghanda siya. Sumali sya ng mga ilang skills training gaya ng pagluluto sa tulong ng kanyang butihing amo.

Isang malaking dahilan ng kanyang pagbabalik sa Pilipias ay lumalaki ang kanyang unica hija, at gusto ni Glen na kasama siya sa pagpapalaki dito. Nag-umpisa niyang planuhin ang balak na pagtatayo ng isang snack house sa kanyang pagbabalik. Sabi niya, agad niyang naisip ang naturang negosyo dahil ang lugar na balak niyang pagtayuan nito ay nasa  harap ng hintayan o terminal ng mga bus na galing ng Manila at Baguio, o iba pang lugar sa norte.

Pag-uwi niya ay agad niyang isinaktuparan ang balak. Noong una aniya, malakas ang kita ngunit nang magkaroon ng ibang katulad na tindahan sa tabi, nahati ang mga kostumer. Nagsimula na silang mahirapan na maabot ang sapat na kita upang may ipambayad ng renta at pasahod sa ilang tauhan. Kasabay na itinatag ni Glen noon ang isang travel agency na pinondohan ng kanyang kapatid na nasa Dubai pa. Sa kasamaang palad ay parehong hindi naging maganda ang  kinahinatnan ng dalawang negosyo. Napilitan si Glen at ang kanyang kapatid na bitawan ang kani-kanilang negosyo.

Mabuti na lang at nang umuwi ang isa pa niyang kapatid mula sa ibang bansa ay naisipan nilang maging wedding planner, at naging maayos ang takbo nito.Ang kaso, biglang inalok ang kanyang kapatid ng isang magandang posisyon bilang visual merchandise manager ng tindahan ng surplus sa SM North at nagdesisyon itong bitawan ang negosyo nila ni Glen. Balik na naman si Glen sa paghahanap ng negosyong naayon sa kanya at kaya niyang patakbuhin mag-isa.

Nagsubok si Glen na gumawa ng tomato jam na hindi naging patok sa tao. Sinubukan din niyang magbenta ng mga banga na pampalamuti sa bahay, nguni’t hindi rin pumatok. Sumunod naman ay nag ice candy siya at tocino  pero katulad ng mga nauna niyang negosyo ay hindi rin umunlad.

Ganoon pa man ay hindi nawalan ng pag-asa si Glen. Pilit niyang hinanap ang negosyong tugma sa kanyang hilig at iyon ay ang pagluluto. Ang sumunod niyang itinayo ay ang isang catering business na tinawag niyang Cucina De Glenda, na inumpisahan niya sa mismong bahay nila sa Cuyapo, Nueva Ecija.

Sa ngayon, mag-isa niyang ginagawa ang pagluluto ngunit kalimitan ay kumukuha siya ng part-time na tutulong sa kanya kapag maraming order. Naging malaking tulong sa kanya ang nabili niyang tricycle dahil ito na ang ginagamit nyang pang deliver ng kanyang mga paninda. Aniya, masaya siyang nakakatulong sa mga nakukuha niyang part time  lalo na ang mga tricycle driver na kalimitan ay nakatambay lang. Ngayon, kapag nakatatlong delivery ang isa sa kanila sa isang araw ay may kita na agad itong Ph150, at may kasama pang meryenda.

Sabi ni Glen, napakalaking tulong ang walang binabayaran na renta ng tindahan kapag nagnenegosyo. Isa pa, mas gusto ng tao ang lutong bahay pagdating sa mga espesyal ng okasyon, gaya ng kaarawan, debut, pagtatapos, at iba pang kasayahan, sabi niya.

Kuwento ni Glen, masaya siya sa kanyang natumbok na negosyo. Kitang kita din sa mga litrato sa kanyang Facebook page na Cucina De Glenda ang pagdami ng kanyang mga nasisiyahang kostumer. Nakatulong din daw ng malaki ang  pakikipagkaibigan, isang pamamaraan na nakuha niya mula kay Annabelle Libao, isang dating OFW na ngayon ay may bakery at catering business na sa kanilang bayan sa Isabela. Dati nang nasulat sa The SUN ang paglago ng negosyong ito ni Annabelle, na matagal na naging pinuno ng Isabela Federation sa Hong Kong bago nagdesisyong umuwi na.

Ayon kay Glen halos magkapareho ang  food package nila ni Annabelle. Ang sa kanya, ang kliyente ay  maaring mamili ng  tatlong party food, mula sa isang bilaong pansit, spaghetti, biko, puto, palabok, mochi balls, halaya, lumpiang shanghai, o cake, kasama ang tatlong 1.5L. na softdrinks sa halagang Ph1,195 lamang, libre pa ang delivery.

Mag-iisang taon pa lang si Glen sa ganitong negosyo ngunit halos hindi na niya matanggap ang lahat ng order dahil sa dami, lalo na noong Disyembre. Bisperas ng Pasko ay nasa kalsada pa siya at hinahabol na madeliver ang mga order bago maghatinggabi. Aniya, kinailangan niyang bulabugin din ang kanyang mga kamag-anak para lang maihatid ang mga pagkain bago mag noche buena

Ayon kay Glen, dapat pala ay pinag-iisipan munang mabuti kung alin talaga ang may kakayanan kang gawin, at yung hindi ka nagsasawang gawin. Magsimula sa maliit, pulsuhan ang pangangailangan ng mga tao sa kapaligiran, bago sumabak. Dahil sa internet, naging mas madali ang pagpapalawak ng kanyang negosyo. Karamihan daw sa kanyang mga kliyete ngayon ay pamilya ng mga OFW, mga guro, mga nag-oopisina, at nagtratrabaho sa munispyo ng Cuyapo.

Ang isa pang gimik na nakatulong ay ang pagpapa-raffle niya ng isang bilaong party food. Tuwang-tuwa siya kasi ang nanalo ay hindi pa niya kliyente. Ibig sabihin, nakatulong ito para mas lumawak ang kanyang network.

Sa ngayon, nakakatatlong delivery na siya sa isang araw. Bilang pasasalamat sa gumagandang takbo ng kanyang negosyo ay isinasaayos niya ngayon ang isang feeding program na nais niyang isagawa bago matapos ang taong ito. Dati pa niyang ginagawa ang pagbibigay ng mga regalo sa mga bata sa kanilang barangay kahit noong nasa Hong Kong pa lang siya. Ngayon ay may mas importante siyang dahilan: para magpasalamat.

(Itutuloy)

Lensational Hong Kong

Posted on 03 June 2017 No comments
Ang mga miyembro ng Lensational Hong Kong kasama ang kanilang mga tagapag-gabay.


By William Elvin

Karaniwan na ngayon sa mga Pinoy ang mamasyal na may dala-dalang camera. Hindi na kasi katulad ng dati na mabigat ang camera at mahirap dalhin. Maraming camera ngayon ang maliit ngunit magandang kumuha ng litrato. Pati mga telepono ay puwedeng pwede nang gamitin, lalo na kung selfie ang pag-uusapan.

Bagamat usong-uso na ang “point and shoot” na istilo ng pagkuha ng litrato, marami pa ring mga Pilipino sa Hong Kong ang nagpipilit na pag-aralang mabuti ang sining ng pagkuha ng litrato. Kabilang sa mga ito ang grupong Lensational.

Ang Lensational ay binubuo ng mga Pilipina at Indonesian domestic workers na patuloy na naghihinang ng kanilang mga talento sa paghawak ng camera. Nguni’t hindi lamang sining ang nabubuo sa mga kasapi sa grupo. Sa bawa’t litratong kinukuha nila ay nabubuksan din ang kanilang mga isipan tungkol sa mahalagang adhikain: Ang kahalagahan ng kababaihan sa modernong lipunan.

Itinatag ng magkaibigang sina Bonnie Chiu at Peggy Tse ang Lensational noong ika-8 ng Marso taong 2013, na siya ring petsa ng International Women’s Day. Hangad nila na palaganapin ang paniniwala na ang potograpiya ay isang paraan ng komunikasyon na hindi kailangan ang salita para magkaunawaan, kaya’t maaari itong makapagbuklod ng kahit sino, saan man sa mundo. Sa pagbuo nito, minabuti ng magkaibigan na gamitin ang grupo upang mai-angat ang estado ng mga kababaihang hindi gaanong binibigyan ng pansin o papuri ng lipunan, gaya ng mga domestic helper.

Kabilang sa mga Pilipina sa Hong Kong na pinagbuklod ng Lensational sina Joan Pabona, Leeh Ann Hidalgo, Roselle Morado, at Vangeline Challoy. Mula nang sila ay nagtagpo-tagpo ay nakalilikha ng iba’t ibang kulay at kwento sa pamamagitan ng mga larawan.

Nabalitaan nina Joan at Leeh Ann sa Facebook ang libreng programa ng Lensational na nagtuturo ng potograpiya sa mga kababaihan dito sa Hong Kong mahigit isang taon na ang nakalipas. “Maganda yung program nila kasi nagpo-promote sila ng gender equality at nagfo-focus sila sa domestic workers,” ayon kay Leeh Ann. Nang mapatunayan din ni Joan ang mabuting naidudulot ng programa, kinalaunan ay isinama niya na rin ang kanyang kaibigang si Roselle.

Graduate naman si Vangeline ng financial literacy program ng grupong Enrich dito sa HK. Nang mapansin ng kanyang mga kasama na mahilig siyang kumuha ng mga litrato, ini-rekomenda sa kanya na sumali sa Lensational upang lalo pang mahasa ang kanyang talento.

“Sa basics sila nag-fofocus, kasi karamihan sa aming mga domestic workers, parang intro pa lang ang alam,” kwento ni Joan tungkol sa mga unang klase nila. Wala ring sariling mga camera ang ilan sa kanila, kaya’t libre silang pinapahiram ng grupo upang matulungan silang matuto.

“Classroom set-up siya kasama ng mga volunteer mentors,” paliwanag ni Leeh Ann.  “Marami kasi sa amin, basta pitik lang nang pitik, hindi naman namin alam yung mga terms,” dagdag niya. “Kaya nakakatulong yung discussions, kasi maraming nalilinawan.”

Isa sa mga larawang kuha ni Joan Pabona
“Minsan din, akala mo okay na ‘yung kuha mo, pero parang may kulang,” paliwanag ni Joan. “Kaya tinuturo nila ‘yung tamang framing, at kung gaano ka-importante ang ilaw,” kwento pa niya.

“Mayroon ding pag-critique,” dagdag ni Roselle. Hindi lamang daw ang kanilang mga tagapag-turo ang nagbibigay ng komento upang mapaganda pang lalo ang kanilang mga kuha. Nagbibigay din daw sila ng kanilang mga kuro-kuro sa gawa ng kanilang mga kaklase, kaya’t natutulungan din nila ang isa’t isa.

“Ang pinaka na-build sa akin ay ‘yung self-confidence,” pahayag naman ni Vangie. “At saka dati, hindi ko alam kung anong meron dyan sa pagkahilig sa camera,” wika niya. “Pero ngayon, sinasabi ko na sa mga tao na huwag mamaliitin ang mga camera-woman.”

Isa sa mga larawang kuha ni Leeh Ann Hidalgo.
Kahit na nakapag-sanay na rin si Roselle sa digital cameras, patuloy pa rin siyang namamangha sa ilan sa mga ibang uri ng potograpiya na natutunan niya sa Lensational, kagaya ng paggamit ng pinhole camera. “Biruin mo, sa isang small box, makakakuha ka ng litrato,” sabi niya.

Magandang halimbawa ang mga kasapi ng Lensational sa paggawa ng makabuluhang bagay habang nagtatrabaho sa Hong Kong. Patuloy nilang pinalalawig ang kanilang kaalaman at talento.

“Masarap ang feeling kapag nakikita mong ina-appreciate ng iba ang gawa mo,” payo ni Roselle. Malaking patunay nito si Joan, na kasalukuyang nag-aambag ng kanyang mga litrato sa diyaryong Manila Bulletin sa Pilipinas. Na-tampok na rin ang ilan sa mga litrato ni Leeh Ann sa iba’t ibang mga pahayagan at website sa Hong Kong.

Sumasang-ayon silang lahat na malaki ang maitutulong ng pag-aaral ng potograpiya sa mga Pilipinang nagtatrabaho sa Hong Kong gaya nila.

“Yung pina-pambili nila ng alak sa alley-alley, pwede na nilang ipambili ng camera pag inipon,” pahayag ni Vangie.

Nabanggit din nila na maaari ring mapagkakitaan ang pagkuha ng mga larawan sa mga mahahalagang okasyon gaya ng kasal, kapag nakauwi na sila sa Pilipinas.

Inaanyayahan nila ang kanilang mga kababayan na sumubok sa pag-aaral ng potograpiya kasama nila. “’Yung skills, naniniwala akong lahat naman mayroon niyan,” sabi ni Leeh Ann. “Kailangan lang hasain.”

Sa mga interasadong sumali, padalhan sila ng mensahe sa Facebook: www.facebook.com/lensational.org, o hanapin ang Lensational sa search box ng FB. Maaari ring makita ang ilan sa kanilang mga kuhang larawan sa http://photos.lensational.org, o sa pagsama sa kanilang gaganaping “photo walk” sa ika-25 ng Hunyo. Bukas ito para sa lahat ng gustong bumisita. Abangan na lamang ang karagdagang mga detalye sa kanilang Facebook Page.

The Adventurers:

Posted on 08 April 2017 No comments
Exploring the Dragon’s Back trail and Big Wave beach.


Ni Daisy CL Mandap


Lungkot ang nagtulak kay Analyn  Soriba para umpisahan ang isang grupo na walang gagawin kundi galugarin ang mga tago ngunit magagandang lugar sa Hong Kong para makalimot sa mga problema at mapanatili ang kalusugan.

Castle Peak Adventure
Siya daw kasi mismo ay dumaan sa mga pagsubok at pangungulila sa loob ng siyam na taong pananatili niya sa Hong Kong, at alam niyang malaki ang maitutulong ng pagliliwaliw na may kasamang ehersisyo.

Inumpisahan ni Analyn, isang dalagang tubong Batangas, ang grupong “The Adventurers” noong Setyembre 16 ng nakaraang taon. Ang pangunahing layunin daw nito ay ang mabigyan ng pagkatataon ang mga “na-i-stress” na magsaya kasama ang ilang kapwa migranteng manggagawa.
Ang sabi niya sa isang mensahe sa The SUN: “Marami po akong nababasa na balita tungkol sa mga OFW sa Hong Kong na nagpapakamatay due to depression, etc. Gusto ko po sanang ipaalam sa kanila na nandito ang The Adventurers para kahit paano ay makalimot sila sa kanilang problema.

Nature therapy is the best. Layunin po namin na hikayatin ang lahat na kung wala silang mapuntahan, makasama, at (kung) mahilig sila sa adventure, ay bukas po ang aming grupo sa lahat, any race.”
Dahil walang sariling grupo noon, naisipan ni Analyn na i-anunsyo ang balak na paglalakad sa account ng isang online shop, at laking gulat niya nang marami ang nagpahiwatig ng interes na sumama.

Agad-agad ay 47 katao ang nagkita-kita bilang tugon sa kanyang panawagan na mag hiking sa sumunod na statutory holiday. Naisip daw ni Analyn na sa mga araw ng piyesta opisyal ang lakad dahil hindi lahat ng kasambahay ay Linggo ang araw ng pahinga, ngunit karamihan ay pwede kapag sa mga araw na itinakda ng batas bilang dagdag na holiday nila.

Nguni’t sadyang nakakaaliw ang inumpisahan nilang pagkikita-kita para mamasyal kaya sa ngayon, kahit araw ng Linggo ay nagtatatag sila ng pasyal. Mga dalawa o tatlong beses sa isang buwan na daw sila namamasyal ngayon, ayon pa kay Analyn. Kadalasan ay umaabot sa 50 katao ang sumasama, ngunit may mga panahon din na iilan lang ang sumisipot, katulad sa pinakahuling lakad nila na 11 lang ang nakasama.

“So far po may 15 places na kaming napuntahan since Sept 16, our first trip, kabilang ang Lion Rock, Amah’s Rock, Sheung Luk Stream, Dragons Back/Big Wave, Grass Island, etc., sabi ni Analyn.
Nagtungo na rin silang sama-sama sa Shenzhen bilang parte ng kanilang “Window of the World” tour, at noong Dis 4, ay idinaos nila ang kanilang kauna-unahang Christmas party.

The group’s first Christmas Party
Sa darating na Abril 4, ang inaambisyon nilang marating ay ang pinakamataas na bundok sa Hong Kong, ang Tai Mo Shan na nasa New Territories. Inaanyayahan nila ang lahat na sumali sa kanila sa lakad na ito.

Tuwing may pasyal, kanya-kanya sila ng baon at nagsasalo-salo na lang kapag oras na ng kainan.
“No membership fee, no fee, kanya-kanya lang po ng gastos at pagkain”, sabi ni Analyn.
Bilang lider, sinisigurado din ni Analyn na may dala siyang lagi na first aid kit, bagamat sa awa daw ng Diyos ay hindi naman niya ito kinailangan sa loob ng anim na buwang pamamasyal nila.

Siya rin ang naghahanap ng mga bago nilang pupuntahan, at kapag may lugar na siyang nabanggit ay sama-sama nilang sinasaliksik kung paano pumunta doon. Sa kabila nito, madalas pa din daw silang naliligaw.

“Pero may mga sign naman sa daanan, kaya hindi nakakatakot,” sabi ni Analyn na natatawa. Bukod dito, nagiging dagdag kasiyahan na rin daw sa kanila ang mapagtanto na mali na ang kanilang tinatahak na lugar.

Bagamat kampante na sila sa isa’t isa, wala pa ring balak si Analyn na iparehistro ang grupo dahil ayaw niya na magkaroon ang bawat isa ng pakiramdam na may obligasyon silang dapat sundin. Hindi din daw niya gusto na humawak ng pera, dahil alam niyang maraming pagsasama ang nasisira ng dahil dito.

Sapat na raw na masaya silang sama-samang namamasyal, at sumali kapag may paanyaya ang ibang grupo na maglakad para makatipon ng pondo para sa pagtulong sa kapwa. Sa ngayon, may isang grupo na silang sinamahan, ang Fat Big Heart, na nagtatag ng isang charity walk noong Enero 29 para sa pagtatayo ng monumento sa Sai Kung para sa mga bayani ng ikalawang digmaan pandaigdig.
“Kung may mga ganitong proyekto, willing po kaming sumama para din dumami ang aming makilala na kapareho namin ang hilig,” sabi ni Analyn.

Para sa mga gustong sumali sa kanilang mga lakad at makipagsaya, hanapin lang ang kanilang grupo o si Analyn sa Facebook at doon mag-iwan ng mensahe.

Tinikling Group of Migrants: pag-ibig sa sining ng Pinoy

Posted on 11 March 2017 No comments
Nagti-Tinikling habang nakatakip ang mata (itaas) ang isa lang na nagpapamalas ng husay ng grupo. 


Ni Marites Palma

May angking likas na kakayahan sa pagsasayaw ang isang grupong namamayagpag ngayon, ang Tinikling Group of Migrants. Kung tutuusin ay hindi na sila bagong tatag dahil dati silang nakapaloob sa Philippine Culture, Arts and Dance Ensemble (PCADE).

Pero noong ika-1 ng Hulyo, 2015 ay nagpasya silang magsarili. Ayon sa kanilang lider na si Marie Velarde, mas masaya daw sila kapag sila ay freelancer dahil maaari nilang puntahan ang lahat ng mga community event na nais nilang salihan.

Sa ngayon, umaabot na sa 25 ang kanilang mga miyembro na pawang mahilig at mahusay sumayaw.
Noong 2015 ay nag champion sila sa cultural competition ng Filipino Migrants Workers Union, naging 1st runner-up sa folkdance competition ng Federation of Luzon Active Groups at 1st runner-up sa Silent Movers Got Talent.

Regular na din silang sumasayaw sa mga programa ng Leisure and Cultural Services Department (LCSD) ng Hong Kong, at paminsan ay natatawag din ng Konsulado kapag may natanggap itong paanyaya para sa mga tradisyunal na mananayaw.

Ang pinakasikat nilang pagtatanghal ngayon ay ang “Blindfolded Tinikling”, kung saan ang kanilang mananayaw ay nakapiring ang mga mata; at ang “Sayaw sa Bangko,” kung saan sila naman ay nakapatong sa mga bangko habang umiindak.

Ang kaanib sa asosasyong ito ay nagbibigay ng $100  para marehistro bilang miyembro, at nag-aambag ng $20 kada buwan, at ang naipong pera ay ang siya nilang ginagastos sa  pagbili ng kanilang mga kasuutan at pagkain at kagamitan tuwing sila ay nag-eensayo. Nadagdagan ang kanilang pambili ng mga kagamitan tuwing nakakatanggap sila ng “food allowance” mula sa LCSD kapag sila ay kinuhang magtanghal ng ahensya.

ng ilan sa kanila ay nagiging kinatawan ng grupo
sa ilang pagtitipon.
Ang grupong ito din ang palagiang tinatawag ng Philippine Consulate, tuwing may natatanggap silang imbitasyon mula sa Hong Kong para sa mga tradisyunal na mananayaw.

Nitong nakaraang Nobyembre ay muli silang nagpamalas ng galing sa entablado sa  Asian Ethnic Cultural Performances 2016 sa Tsim Sha Tsui, at sa Tamar Park naman sa programang Hong Kong Cross Culture and Fire Safety and Prevention.

Bagama’t ang kanilang mananayaw ay mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas, ang pinakarami pa rin ay mula sa Luzon. Hindi naman daw ito nakakasagabal sa ganda ng kanilang samahan, ayon kay Velarde, dahil ang lahat ay nagtutulungan.

Nagpapasalamat naman ang isang miyembro na si Emz Bautista, na dati ring myembro ng PCADE, dahil napakalaki daw ng nagagawa ng grupong ito sa kanyang buhay.

Naiibsan daw ng pagsasayaw ang kanyang lumbay dahil sa homesickness simula pa noong bagong dating pa lang siya sa Hong Kong.

Una siyang nagkainteres na umanib sa PCADE nang makita niya sa The SUN ang isang anunsiyo para sa mga mahilig sumayaw. Agad siyang sumali, at hindi naman daw siya nagkamali sa grupong pinasukan.

Ayon naman kay Bautista, kailangan ilabas mo ang nakatago mong kakayahan sa pagsayaw dahil bukod sa nakakaaliw ay maganda rin itong ehersisyo para mapanatili ang iyong kalusugan. Nakakatulong din ito para maiangat ang kultura ng bansang Pilipinas sa mata ng mga lokal na mamamayan ng Hong Kong, at mga dayuhang pansamantalang naninirahan dito.

Ayon kay Velarde, mula pagkabata ay nakakitaan na siya ng kakayahan sa pagsasayaw, at dala-dala na niya ito ngayon kahit nasa labas na siya ng bansa.

Sa mga gustong subukan kung papasa ang kanilang husay sa pagsasayaw sa Tinikling Group, maari lang na magtanong kay Velarde. Kahit daw parehong kaliwa ang paa, basta gustong matuto ay pagtitiyagaan nilang turuan.

Bilang pangulo, maipagmamalaki daw niya ang grupong ito na naitayo sa tulong ng lahat ng kanyang mga dating miyembro. Malaki daw ang naitutulong nito para maibsan ang lungkot dala ng pagkawalay sa pamilya dahil lahat ng kanilang nararamdamang sakit o sama ng loob ay napapawi kapag pinapalakpakan na sila.

Ang mga opisyal ng grupo bukod kay Velarde ay sina Marites Macabenta, pangalawang pangulo; Janet Pagauda; kalihim, Rowena Valencia; ingat yaman, Emely Bautista; tagasuri; Charlyn Singson, auditor; Edward Permison at Simpresa Gamos, PRO; at  Marissa Mendavia at Jesibil Lacia, sergeant-at-arms.

The team cheerers

Posted on 13 February 2017 No comments
They are part of the team during celebrations ...


By Emz Frial


.... and during battles.
Many overseas Filipino workers spend their days off in different ways. While many are contented with spending nearly the whole day sitting in the park and chatting with friends, others get their kick from gambling, volunteering for all sorts of community activities, or joining contests including beauty pageants. To each his or her own, so they say.

Far from the madding crowd, there are other OFWs who find enjoyment in watching their fellow Filipinos play competitive softball and/or football, all for the country’s glory.

The games are played in places far away from Central, and often, are also not easily accessible. Despite this, the hardy bunch would persistently gather on the field to cheer on their favorite team, whatever the day, in hot weather or in cold. And like good sports themselves, they would linger long after the games end, win or lose. They are there largely to show support, so if the team loses, they are part of that, too.

Not only do they trade a precious part of their weekly rest day to lend support, they also allot a big part of their spending money on transportation and food that they share with the players and fellow cheerers.

Among them is Olive Frial Pabito, who has been watching the games of her favorite softball team, Fate, regularly for the past four years. She says the games could bring out the best and the worst in a player.

“I love watching softball especially when my team becomes very aggressive, because then they show they have done their best to win,” says Pabito. “You not only get to understand the game, you also learn a lot of lessons and techniques from how the players try to score a win.”

She says another revelation to her is the way players and the people watching around her react to certain situations during a game. Pabito says their reactions show the kind of person that they are, like whether they easily lose their temper, or conversely, they are able to handle sticky situations in a calm manner.

The action on the field also stimulates her.

“I love seeing players being able to dive and come up with ball thrown on the run with pinpoint accuracy, or power slap the ball down the line,” she says, excitement written all over her face.
But there is another reason why she has decided to stay close to the pitch.

“I hate being in a crowded area, so I prefer to stay in the field with the team I really admire,” she says.

“I also chose to watch softball rather than any other game or activity because it energizes me”.
Another regular is Chielo Sale, who likewise never misses a game of Fate.

 “I started watching softball when my partner joined in 2014. I love everything about the game,” Sale says.

Xieng Madino is another familiar face in the circuit. But unlike Pabito and Sale, Madino used to be a Fate player herself. She says she asked to be allowed to rest for at least one season because she didn’t feel she was in a good condition. She says she always had a headache every time she played.
“But I am still part of the team. I love my team, my heart belongs to Fate,” she declares. To show her continuing commitment, Xieng makes it a point to always be around to cheer the team on when they compete.

It is a view echoed by the other regulars, such as Cherry Faustino, Maria Gracia, Yani Yang, MJ Japitana, Lala, Abby, Marivic Sitchon and many others, including this writer.

We are all avid supporters of both the Fate and Sluggers, another all-Filipina team that is a regular competitor in the annual Hong Kong Women’s Baseball tournament.

We find it great that we could inspire the players to do their best to win in every game. It is gratifying to see them become energized when they see people shouting and cheering for them.

For many of us who have been on the circuit for years, Sundays would be incomplete if we failed to watch a game. In fact, we go even when the players are just practicing for a game.

There is a sense of fulfillment in watching the team play, more so if they win.

The easy camaraderie that has been formed from watching the games has developed into a sort of kinship that we now regard each other as members of our Hong Kong family.

This unofficial cheering squad troops to the different playing fields of Kowloon about twice a month during the playing season. Sometimes, Fate would play in the morning, and after taking a lunch break, the entire team of players and supporters would move on to where Sluggers is playing to watch and cheer them on.

The playing season runs from October to July for both sports, although if there had been cancellations because of bad weather, the games are extended to September.

But even when there are no games, the group tends to stick together. Sometimes, they would go to the beach to swim, eat and party; at other times, they go for a hike up the mountains. At other times, they simply hang out together.

Sport watching is what fulfills this group, and for as long as Fate and Sluggers are out there on the field, one can be sure they would always be there with the teams, watching, cheering, and having fun.


DWEP: Katuparan ng pangako

Posted on 13 December 2016 No comments
Ang University of HK ang nakaugaliang lugar ng pagtitipon.

Ni Marites Palma

Dalawang taon na ang nakalipas magmula nang magbitiw ng pangako si Dr. Michael Manio magkakaroon ng konkretong tulong pangkalusugan para sa mga OFWs ang  Hong Kong University, kung saan siya ay isang medical researcher at propesor.

Ang pangako na binigkas niya sa selebrasyon ng ika-limang taong anibersaryo ng Isabela Federation noong Okt 2, 2014 ay isasagawa daw niya sa pakikipagtulungan sa mga migranteng manggagawa ng Pilipinas.

Ilang buwan pagkatapos nito, o noong Peb. 15, 2015, ay pormal nang inilunsad ang  HKU ang kanilang “Domestic Workers Empowerment Program in Hong Kong” (DWEP). Sa araw na ito, Linggo, unang binuksan ng HKU ang pintuan nito para sa maraming manggagawang Pilipino. Nilibot sila sa buong campus para matunghayan ang makabagong kagamitan ng unibersidad, at masanay sila sa paglilibot sa iba-ibang gusali doon.

Kasama ni “Doc Mike” ang ilang mga estudyante ng HKU sa pagsalubong sa mga manggagawa at ipaliwanag ang mithiin ng kanilang proyekto. Unang una na rito ang hangarin na mabigyan ng disenteng lugar na mapupuntahan ng mga manggagawa tuwing araw ng kanilang pahinga. Ayon sa mga volunteer, nakita daw kasi nila ang maraming manggagawa na sa gilid ng kalsada nagkakainan at nagkukuwentuhan tuwing sila ay nakapahinga sa araw ng Linggo. Habag ang naramdaman nila diumano, dahil sa nakitang sitwasyon nng mga manggagawa, na hindi natitinag sa kanilang puwesto, mainit man o malamig ang panahon. Kung minsan, kahit pa humahagupit ang malakas na ulan.

Sa pamamagitan ng kanilang ugnayan ay nalaman ng mga taga HKU ang mga hinaing ng mga manggagawa tungkol sa kanilang kalusugan, at problema sa pamilya at kapwa migrante. Napag-alaman din na sa kabila ng kanilang matinding pinagdadaanan ay nagagawa pa rin nilang manilbihan nang maayos at matapat bilang tagapag-alaga ng mga anak at matatandang miyembro ng pamilya ng mga taga Hong Kong. Ito ang siyang nagbigay-daan para makapagtrabaho ang maraming kababaihan dito at, makatulong para sa patuloy na pag-usad ng lokal na ekonomiya.

Ayon kay Doc Manio, itinatag ang  proyektong ito para sa mga mangagagawa bunsod ng hangaring mabigyan sila ng lakas ng loob at positibong pananaw sa buhay, mapanatili ang kanilang masiglang pangangatawan at kaligtasan, at maging masaya at  kapaki-pakinabang ang kanilang pagtira sa Hong Kong.

May outing din upang makita ang magagandang
tanawin ng Hong Kong.
Kaakibat nito ang hangarin naman ng mga estudyante na maunawaan ang kultura ng mga migranteng manggagawa, at ang pinakamahalaga, ang mabuo ang magandang ugnayan at samahan sa pagitan ng mga manggagawa at kanilang mga pinagsisilbihang pamilya.

Sa ngayon ang DWEP ay may 4,073 nang miyembro, na kasama sa kanilang Facebook page.  Nakapagtapos na ng pagsasanay ang unang grupo ng mga miyembro ng DWEP, at kasalukuyang nag-aaral ang mga miyembro ng batch 2.

Ayon kay Colleen Navarro na siyang secretarya ng batch 2, ang pagkakaroon ng mga opisyal sa kanilang grupo ang naging dahilan kung bakit naging mas malapit ang sa isa’t isa ang kanilang mga miyembro. Dahil daw sa DWEP ay marami ang nailayo sa hindi kaaya-ayang pampalipas ng oras katulad ng sugal o pagsali-sali sa mga patimpalak kagandahan, na madalas magsanhi sa pagkabaon sa utang ng marami.

Malaking pasasalamat din ng mga estudyante ng DWEP dahil nabigyan sila ng pagkakataong magamit ang mga pasilidad ng unibersidad at maturuan ng walang bayad ng mga de kalidad na propesor dito. Alam daw nila na napakalaking sakripisyo para sa mga volunteer ang gugulin ang dapat sana’y oras nila ng pahinga sa pagtuturo upang mapagyaman ang personalidad ng mga mga migranteng manggagawa.

Sa kabila nito, hindi lang sa loob ng silid-paaralan natututo ang mga miyembro ng DWEP dahil nagkakaroon din sila ng pagsasanay sa baybay dagat, at pati ng pamumundok para mamulot ng basura, alinsunod sa paksa ng kanilang leksiyon.

Para kay Navarro, ang pinakamasayang pangyayari ay noong bumisita sa DWEP ang MMK (Maalala Mo Kaya), ang drama sa TV na ang host ay si Charo Santos. Tatlong estudyante ng nagkaroon ng kakaibang pagkakataon na makapanayam ng sikat na aktres at TV host para ilahad ang kanilang personal na karanasan.

Ayon naman kay Gegerma Montero, ang pagkakabilang niya sa DWEP ay isang karangalan, at lubos niyang ipinagmamalaki na nakatuntong siya sa HKU.

“Natutunan ko ang mga ibang aspeto ng non-formal education gaya ng usaping pangkalusugan at kapaligiran, at ang mga batas na nakaka-apekto sa atin bilang dayuhang mangagagawa dito sa Hong Kong. Bukod dito, natutunan ko din ang tamang pakikisalamuha sa iba’t ibang lahi para magkaroon ng mga bagong kaibigan, at pati ang pag-improve ng aking self-esteem,” ayon kay Montero.

Dagdag ni Loria Sue, “ Ang natutunan ko ay tungkol sa health, gaya ng tamang impormasyon tungkol sa depression at paano ito mapaglalabanan ito. at pati na rin ang tungkol sa batas  ng Hong Kong - ang mga karapatan ko bilang manggagawa at mga issue na may kinalaman sa immigration. Natuto din ako ng pangangalaga sa kalikasan, at pati na kung paano makisalamuha sa mga estudyante ng HKU na mula pa sa iba-ibang panig ng mundo.”

Hindi naman maipaliwanag na tuwa ang naramdaman ni Krizel Joy Muega dahil nakatagpo daw siya ng mga bagong kakilala na naging mga matalik ng kaibigan at kapamilya na kung ituring niya ngayon, ng dahil sa DWEP. Marami din daw siyang natutunan na leksiyon sa buhay na nagsilbing daan upang maging mas mabuti siyang mamamayan, at maging mas responsableng tao.

Si Vicky Munar naman na kabilang na ng maraming grupo sa Hong Kong katulad ng CARD OFW at Lakbay Dangal ay lagi nang inaabangan ang mga gawain ng DWEP tuwing Linggo dahil mas nahahasa ang kanyang kaalaman ng dahil sa mga ito. Kabilang dito ang mga “friendly competition” sa cheering, cooking, dancing at choral singing.

Para sa maraming miyembro ng DWEP, naging isang pangalawang pamilya na nila ang grupo dahil dito sila natututo ng tungkol sa iba’t ibang aspeto ng buhay, at umusbong ang isang samahan na pinatatag ng katapatan sa isa’s isa.`

Ang mga kasalukuyang lider ng DWEP ay sina: Aldwin Mas, pangulo; Brenda Atrero, pangalawang pangulo(interrnal); Len Flores, pangalawang pangulo(external); Colleen Navarro, kalihim; Carolle Obillo, pangalawang kalihim; Esther Ducusin, taga-ingat yaman; Ellen Almacin, pangalawang ingat yaman; at Dami, Indonesian representative.

Hilig sa Zumba pinagmulan ng POWA

Posted on 15 November 2016 No comments
Isang pagpapakita ng galing ng POWA ay ang panalo nila bilang Champion sa Maskara Festival na ginanap kamakailan sa Chater Road.

Ni Marites Palma

Umaani ng kaliwa’t kanang tagumpay ngayon ang grupong nabuo dahil sa pagkahumaling sa sayaw na zumba, ang Panay Overseas Workers Welfare Assocation.

Dati nang magkakakilala at magkakaibigan ang mga miyembro ng grupo kaya hindi na sila nahirapang makitungo sa bawat isa nang mapagkasunduan nilang itatag ang Powa noong ika-19 ng Agosto, 2015. Naging mas puspusan ang kanilang pagsasayaw ng zumba kaya kahit mga 20 pa lang ang mga miyembro noon ay unti-unti na silang napansin ng iba’t ibang lider sa komunidad ng mga Pilipino sa Hong Kong, at nagbigay-daan upang maimbitahan sila sa ib-ibang pasinaya.
Una silang nagpamalas ng kanilang husay sa sayaw sa taunang Flower Show sa Causeway Bay, kung saan ang malakas na palakpak sa kanila ng mga nanonood ay nagsilbing inspirasyon para lalo silang magsikap na gumanda ang kanilang pagtatanghal. Hindi naglaon ay naimbitahan silang makipagtunggali sa sayaw sa iba-ibang grupo.

Una silang sumabak sa Global Alliance Palarong Pinoy 2016, kung saan sila ang tinanghal na best in uniform. Nagpatuloy sila sa kanilang pagsasanay kaya noong Agosto 16 ng parehong taon ay sila na ang tinanghal na kampeon sa Maskara Festival.

Ayon sa kanilang president na si Lindy Paclibar, ibinuhos nila ang kanilang nalalaman sa  pagbuo ng kanilang sayaw, at pati na rin sa pagdisenyo ng kanilang kasuotan na hindi gumagastos nang malaki. Pinagsanib lang daw nila ang kanilang itinatagong galing kaya’t napagtagumpayan nila ang unang malaking kompetisyon na sinalihan nila. Nagbigay-daan din daw ito para maipakita nila sa mga taga Hong Kong na ang mga Pilipinong kasambahay na katulad nila ay may angking galing, lalo na pagdating sa larangan ng sayawan.
Ang sumunod na hamon na kanilang tinanggap ay ang makipagtunggali sa “Hataw sa Sayaw” na inorganisa ng kumpanyang Globe at CSL noong Abril 17. Sa pagkakataong ito ay nakuha nila ang tropeo at pera para sa pangalawang gantimpala.

Sa pinakahuling sinalihan nila, ang One Billion Rising na isinagawa ng Gabriela Hong Kong noong nakaraang buwan lang, ay muli nilang nasungkit ang pangalawang puwesto.

Sa ngayon ay palagian na silang lumalabas sa tanghalan ng Hong Kong Flower Show at sa Yuen Long Youth Festival.

Ayon kay Paclibar, kooperasyon at tunay na pakikisama ang susi ng kanilang tagumpay sa pakikipagtagisan ng galing sa pagsayaw. Hindi daw nagdalawang isip ang kanilang mga miyembro sa pag-aambag ambag ng pera noong bagong tatag pa lang sila para sa kanilang kasuotan at pamasaheng papunta  sa lugar na pagtatanghalan.

Mabuti na lang daw at simula noong nananalo na sila ay hindi na sila gumagamit ng sarili nilang pera. Ang natatanggap nilang mga premyo  ay kanilang inipon at ginawang pondo para ipambili ng kanilang mga pangangailangan tuwing may dadaluhan silang programa.

Dahil sa magandang ehemplo na ipinapakita nila sa kanilang mga kapwa OFW ay marami ang naengganyong sumapi sa grupo. Ayon kay Paclibar, umaabot na sa 50 ang bilang ng kanilang  mga miyembro ngayon.

May sinisingil daw na buwanang bayad mula sa mga miyembro, pero hindi nila ito ginagastos. Iniipon nila ang kontribusyon ng bawat miyembro, at ang sino mang magdesisyon nang umuwi sa Pilipinas ay binibigyan ng kanilang naipong pera, pero hindi lahat dahil ang ibang bahagi ng kanilang pondo ay ginagamit nilang pantulong sa mga miyembrong nasisisante nang biglaan. Mayroon ding plano ang grupo na isakatuparan na sa susunod na taon ang kanilang misyon na magkaroon ng feeding program at magbigay ng gamit sa paaralan sa mga batang kapus-palad sa kanilang lugar.
Ayon sa mga miyembro, lubos silang natutuwa dahil sa pagkakaroon nila ng grupo na tumatayo bilang pangalawang pamilya nila sa Hong Kong, maliban sa kanilang mga amo. Nabibigyan daw sila ng lakas tuwing may problema dahil napapayuhan sila, at mas nagkaroon sila ng kumpiyansa sa sarili, bukod pa sa naging palakaibigan. Damang-dama din nila na mas masaya ang buhay kung marami silang magkakaibigan na nagtuturingan bilang mga magkakapatid na may respeto at pagmamahal sa isa’t isa. Tuwing magkakasama sila ay nawawala daw ang kanilang pangungulila sa kanilang pamilya na naiwan sa Pilipinas.

Ang isa pang nagbibigkis sa lahat ay ang paniniwala nila sa kasabihang, “Isa para sa lahat, lahat para sa isa at walang tsismisan sa bawat isa”.

Bukod kay Paclibar, ang iba pang bumubuo sa Powa ay sina Leo Selomenio, founder; Diana Estrelian Juanillo, pangalawang pangulo;  Angeli Marie Meboot, kalihim; Mayflor Pirote, pangalawang kalihim; Sheryl Joy Jordanal, ingat-yaman;  Lyn Lorca, pangalawang ingat-yaman, Analisa Bretana, tagasuri; Marites Genoguin, pangalawang taga-suri; Marites Naron, tagapamalita; Diana Rose Soriano, Elsa Duran at Maria Luisa Jimenez; Ronalyn Bayo-Ang, Christhian Je-an Jallorina, Renaly Barruis, tagapamahala.

Sa ika-6 na Nobyembre ay idadaos nila ang kanilang unang taong anibersaryo sa Pier 7, kaya’t tinatawagan ni Paclibar ang sinumang nais dumalo at makiisa sa asosasyong ito ng mga taga Panay na tumawag sa kanya sa numero bilang 68272349 at 90114272.

‘Isabelino Ako’ – Serbisyong mula sa puso

Posted on 06 September 2016 No comments
Isa sa proyekto ng Isabelino Ako-Hong Kong Chapter na ginanap sa Tumauini, Isabela.

Ni Marites Palma

Ang pagsibol ng Facebook ay nagbunga ng pagkatatag ng maraming mga asosasyon, gaya ng Isabelino Ako-Hong Kong Chapter, na pinangungunahan ni Rachelle Angobong.
Naumpisahan ang grupo nang umanib ito dalawang taon na ang nakakaraan sa Facebook page ng Isabelino Ako, na naglalayong mapagbuklod ang mga Isabelinos na nasa iba’t ibang panig ng mundo. Magmula nang maitatag ito ni Arcangel Fernandez 10 taon na ang nakakaraan ay mahigit 1.2 milyon na ang mga Isabelinos na kasapi nito sa iba-ibang bansa, na ang karamihan ay mga overseas Filipino workers. May 13 chapter na itong kaanib, na binubuo ng mga OFW mula sa Middle East, Europe at Asia.
Alinsunod sa nasimulan ng kanilang punong grupo ay kawanggawa ang agad tinutukan ng Hong Kong chapter. Sa kanilang ginawang pagdiriwang ng kanilang ika-dalawang taong anibersaryo noong Agosto 17 sa Repulse Bay, ay nakalikom ang grupo ng $1,600 at Php4,150 para sa mga maysakit na kanilang tinutulungan
Dahil sa kanilang magandang adhikain ay marami ang agad na sumali sa kanila, at ngayon ay may135 na silang miyembro.
Kamakailan lamang ay naging sponsor ang Hong Kong chapter sa isang outreach mission na isinagawa ng Isabelino Ako sa isang liblib na barangay, ang Dy-Abra Tunauini. Kabilang sa serbisyong ibinahagi sa mga residente dito ay medical/dental care, feeding program, libreng gupit, regalo at pati papremyo sa palaro.
Mabilis ang pagtalima ng mga miyembro sa ganitong proyekto dahil sa ganitong paraan pumailanlang ang kanilang pangkalahatang grupo.
Hindi sadyang nabuo ang grupo noong taong 2010, nang mawasak ang maraming bayan sa Isabela dahil sa isang matinding bagyo. Naisipan ni Fernandez na i-upload ang mga larawan ng trahedya sa Facebook sa pamamagitan ng isang video slide, na agad-agad na nag-viral. Dinagsa ng mga mensahe na nagpapaabot ng pagtulong si Fernandez na sa kalaunan ay binansagang Papa Niko. Bagamat nag-aalangan siya sa umpisa na tanggapin ang alok na tulong ay nanaig kay Fernandez ang pagnanasa na maipaabot agad ito sa mga nasalanta. Sa maikling panahon ay nakilala siya sa ginawa niyang pag-aabot ng tulong mula sa mga Isabelino sa iba-ibang lugar, at ayon sa kanya, hinding hindi niya sisirain ang pagtitiwalang ibinigay sa kanya ng mga kababayan.
Mula noon ay nagsagawa na siya ng regular na outreach o pagtulong sa kanilang bayan. Sa nagdaang dekada ay 22 misyon na ng pagtulong na ang kanilang naisagawa. Ang panghuli ay suportado ng Lebanon chapter, samantalang ang susunod na planong isagawa para sa bayan ng Palanan ay ang Malaysia chapter naman ang taya.
Ayon kay Francisco Kiko Pardinez, ang nakatalagang Pangulo Internasyonal ng pangkalahatang organisasyon, isinusulong nila ang  pagkakaroon ng outreach sa probinsya ng Isabela dahil masarap sa pakiramdam ang makatulong sa maliit na paraan sa mga mamayang napagkaitan ng sagana sa buhay.
Hindi naman palaging sila ang namimigay ng tulong, ayon kay Pardinez. Sa kanilang pinakahuling misyon ay inabot daw sila ng napakalakas na bagyo sa bayan ng Dinapigue na nasa tabing dagat. Dahil sa unos ay napilitan silang manatili doon ng 10 araw, imbes na tatlo lang sana. Nang mag-umpisa nang kapusin ang kanilang budget ay araw araw daw silang binibigyan ng gulay ng mga volunteer nila doon para may maiulam sila. Pinatira naman sila sa bahay ng isang miyembro na nakaanib sa UK chapter.
Ang isa pang nakakaaliw na kuwento niya ay ang pagkabuo ng isang sanggol habang stranded sila sa Dinapigue. Ang isa daw nilang volunteer na kasama ang kanyang mister sa misyon ay nalamang buntis siya pag-uwi sa kanilang bahay. Dahil dito ay naging biro daw sa kanilang grupo na ang kanilang anak ay gawa sa Dinapigue.
Mayroon din daw nakahanap ng kanyang “forever” nang dahil sa pagsama sa kanilang outreach. Noong una ay sa Facebook lang daw magkakilala ang dalawa, ngunit nang magkita nang personal ay nagkagustuhan, at di naglaon ay nagpakasal. Sina Pardinez at Fernandez ang kinuha nilang ninong sa kanilang pag-iisang dibdib.
Ngunit hindi laging kasiyahan ang dulot ng kanilang outreach. Minsan dahil sa pagdagsa ng mga taong nangangailangan ay kinakapos sila ng pagkaing pinapamahagi, kaya silang mga volunteer ay hindi na kumakain. Dahil dito ay naging gawi na raw nila na pasobrahan ang kanilang inihahandang pagkain.
Sa tuwing may outreach sila may mga miyembro daw na boluntaryong nagbibigay ng groceries, mga tsinelas at  t-shirt na siyang ipinamamahagi nila bilang regalo sa mga pamilyang karapat dapat makatanggap. Ang listahan ng mga taong nabibigyan ng tulong ay nanggagaling mismo sa kapitan ng barangay.
Para masiguro ang kooperasyon ng lokal na pamahalaan ay ipinagpapaalam daw nila sa mga ito ang kanilang layunin na makatulong. Kabilang sa tulong na ibinibigay sa grupo ang pagpapagamit ng mga pasilidad ng barangay gaya ng community center, at siniguro din ang kanilang seguridad sa panahon ng kanilang misyon.
Ayon kay Pardinez, taos-pusong pasasalamat ang gusto nilang ipaabot sa lahat ng sumusuporta sa mga mithiin ng Isabelino Ako. Kung wala daw ang mga miyembro sa iba-ibang chapters katulad ng sa Hong Kong ay hindi mararating ng organisasyon ang kinalalagyan nila ngayon.
Sa kanyang panghuling mensahe, sinabi ni Pardinez: “Ipagpatuloy ninyo ang inyong pagiging miyembro at ang paggawa ng kabutihan sa kapwa dahil mas maraming biyaya ang bubuhos sa iyo.”

Mga bayani ng Kulay Pinoy

Posted on 05 August 2016 No comments
Ilan sa mga bumubuo ng pagtatanghal ng Kulay Pinoy sa Chater Road.


Ni Marites Palma

Namangha ang maraming taong nakapanood sa pagtatanghal ng Kulay Pinoy sa Chater Road noong Hunyo 12, ang selebrasyon ng ika-118 taong anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas.
Bagamat bumuhos ang malakas na ulan maghapon, nagsiksikan pa rin ang mga taong nanonood sa pinakatampok na bahagi ng maghapong pagdiriwang. Hindi naman sila binigo ng halos 500 kataong bumubuo sa Kulay Pinoy na mula sa 45 na asosasyon, dahil buong sigla nilang binuo ang kulay ng bandilang Pilipinas sa gitna ng matinding pag-ulan.
Agad na umani ng papuri ang grupo ng mananayaw mula sa mga nakapanood sa mismong pagtatanghal, at sa social media.
Paano nagawang pinagbuklod-buklod ang ganito karaming mananayaw? Paano nasiguro na sasalihan nila ang ilang linggong ensanyo para lang maisagawa nang maayos ang kanilang pagtatanghal.
Ayon kay Lee Ann E. Mas, na siyang bumuo ng konsepto at nagturo ng sayaw sa mga nagtanghal, hindi madali ang kanilang pinagdaanan, ngunit dahil sa dedikasyon at determinasyon ng bawat isang kasapi ay naisa-ayos nila ang kanilang palabas.
Ayon kay Mas, pagmamahal sa Inang Bayan ang nag-udyok sa mga kasapi na pawang mga kasambahay na may angking talino sa pagsayaw, ang sumali sa pagbuo ng watawat ng Pilipinas. Sa pagbigkas pa lamang daw kasi ng katagang “kulay pinoy” ay mararamdaman na ang pagmamalaki ng bawat kasapi sa kanilang dugong Pilipino.
Dagdag pa ni Mas, hindi siya nahirapan sa ginawang pagtuturo at pakikihalubilo sa daan-daang kalahok dahil ang unang hakbang na ginawa niya ay ang ipaliwanag at ipaintindi sa lahat ang adhikain ng Kulay Pinoy.
Dating guro sa Pilipinas si Mas kaya sanay siyang gumamit ng iba't ibang stratehiya sa pagtuturo para makuha ang loob at interes ng kanyang tinuturuan. Sa oras ng kanilang pahinga ay umiikot ikot daw siya at kinukumusta ang bawat grupo, at ang laging tampok ng kanilang usapan ay ang mga hakbang ng sayaw.
Sa ganitong paraan ay napatunayan ni Mas na ang bawat isa sa kanila ay may angking talino, at kailangan lang ng buong suporta para lalong mahubog ang kanilang husay sa pagsayaw.
Ginamitan din niya ng sikolohiya ang pagbuo ng pamantayan ng grupo, katulad ng “Sa KP (Kulay Pinoy), bawal ang malungkot, bawal ang nakasimangot, at bawal ang tamad. Naging epektibo naman ito dahil lahat ay laging masaya at nakangiti kahit naiinitan. Wala daw ni isa na nagreklamo sa panahon ng kanilang ensayo sa loob ng halos tatlong buwan.
"Tunay ngang kahanga hanga ang mga miyembro ng Kulay Pinoy, wala ngang imposible, lahat makakaya kung ang bawat mithiin natin ay pinagsusumikapan at sinasamahan natin ng pagmamahal", ani Mas.
Ang iba pang kasamahan ni Mas sa pagtuturo ay sina Eva Joy Agcaoili, Jhen L. Gacutan, Vanessa Medios, Marie Velarde, Mercy Villaflor at Pinky Salud.
Ayon kay Agcaoili na siyang tagapagturo ng sayaw sa Isabela Federation, kooperasyon, pagpupursigi at determinasyon ng bawat kasapi ang susi kung bakit hindi sila nahirapan sa pagtuturo. Saludong-saludo daw siya sa mga ipinamalas na katangian ng kanilang mga mananayaw.
"Tunay na pagkakaisa at pagtutulongan ang kailangan sa pagkamit ng tagumpay sa anumang larangan", ang sabi ni Agcaoili.
Nagpatotoo naman dito si Tek Barro, ang pangulo ng Radiant Organization and Amiable Drivers (Road) na kabilang sa 17 na miyembro ng grupo na sumali sa Kulay Pinoy. "Proud na proud ako dahil isa ako sa daan daang kasapi ng Kulay Pinoy. Napakalaking bagay para sa akin ang maging parte ako sa pagbuo ng ating watawat sa pamamagitan ng sayaw.” sabi ni Barro. “Nagkaroon din ako ng pagkakataon na nakilala ang iba't ibang organisasyon na noon lamang nagkasama sama. Nabuo ang aming bagong pagkakaibigan sa loob ng halos tatlong buwan na pag-ensayo. Ulanin at arawin man kami ay di namin naramdaman ang pagod, maipagpatuloy lamang ang ensayo at ang napakasayang samahan ng grupo. Doon ko naramdaman ang tunay na pagkakaisa ng mga Pinoy kahit hindi magkakakilala dati.” Puring puri din niya si Mas dahil magaling daw itong magturo at nirerespeto ng lahat. Isang salita lang daw nito ay napapatahimik na ang kahit na sinong nag-iingay sa grupo.”
Ayon naman kay Salva Flores ng Laguna Achievers, tuwang tuwa siya at nabigyan siya ng pagkakataon na maipakita ang kanyang pagka Pilipino, kahit namamasukan lamang siyang kasambahay sa ibayong bansa.
Isa pang taga Laguna ang nagsabi na lubha siyang nagalak dahil nagkaroon siya ng kaibigan na kaisa niya sa pagpapakita ng tunay na kulay ng mga Pinoy.
Naging napakalalim naman ng epekto kay Rociel Pombo ng Burgos Isabela Migrants Association ng pagkakasama niya sa KP. Kakaibang pagmamalaki daw ang kanyang naramdaman nang mapabilang siya sa mga tinatawag ngayong KP Heroes, at dadalhin daw niya ito hanggang sa kanyang pagtanda.
"Sa Kulay Pinoy ko nakita ang tunay na ispirito ng pagka Pilipino, sa puso, sa isip at sa gawa. Saan mang lupalop ng mundo, aking itatayo ang ipinagmamalaki nating bandila",  sabi pa ni Pombo.
Nagkaisa ang mga KP Heroes na lumahok muli sa susunod na taon para sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.
Samantala, hindi sa kanilang matagumpay na pagtatanghal natapos ang samahan ng mga KP Heroes dahil sa hapon ng Agosto 7 ay magdaraos sila ng kanilang unang pagtitipon. Naghanda ang grupo ng mga palaro, paligsahan sa pag-awit ng mga makabayang awitin at sayaw, at iba pang kasiyahan upang lalo pang mapaigting ang kanilang pagkakabuklod.
Ang pagtitipon na gaganapin sa Pier 9 sa Central ay bukas sa lahat ng gustong sumali at makiisa.

BM Online Brigade

Posted on 01 June 2016 No comments
Ni Marites Palma

Pagtulong sa kapwa ang nag-udyok sa isang grupo ng 12 OFW na nagtapos ng dalawang taong kurso na associate in information technology sa isang paaralan sa Hong Kong na tumalima sa kahilingan na mamahagi ng kaalaman tungkol sa pagkuha ng overseas employment certificate o OEC, gamit ang internet.
Laging laman kasi ng mga balita ang walang katapusang problema na dulot ng patakaran na kailangang kumuha ng OEC ang mga OFW na magbabakasyon sa Pilipinas para sila makabalik sa trabaho. Ang resulta, kapag dagsa ang gustong umuwi sa mga panahong katulad ng Mahal na Araw, pagtatapos sa eskwela o Pasko, inaabot ng maghapon ang pagpila para sa kapiranggot na papel na nagkakahalaga ng $20.
Isang paraan para maiwasan ang pilahan ay ang pagrehistro sa Balik Manggagawa Online (o BM Online), kung saan ipapasok ang mga personal na detalye ng isang manggagawa para makakuha siya ng OEC. Kapag tagumpay ang pag-re-rehistro ay maari na siyang magbayad sa ilang itinalagang bangko para makuha ang dokumento na gagamitin niya para makaalis ng bansa at malibre sa pagbabayad ng buwis at iba pang bayarin sa paliparan.
Ngunit dahil sa ilang mga problemang lumitaw sa pagrehistro sa BM Online, bukod pa sa hindi lahat ng OFW ay maalam sa paggamit ng computer, marami ang patuloy na nagtitiyaga na pumila para dito.
Si assistant labor attache Henry Tianero na itinalaga bilang tagapamahala ng BM Online ang gumawa ng paraan para mahikayat ang grupong ito na tumulong sa pagpapaliwanag ng mga benepisyo ng paggamit ng internet para umiwas sa pila.
Unang sumabak sa boluntaryong pag-aayuda ang grupo noong Marso 27. Ang bilin sa kanila ay tulugan ang kanilang mga kapwa OFW na maintindihan ang kahalaga-han ng pagre-rehistro sa BM Online, at pati ang paggamit ng computer kung hindi pa nila ito alam. Tumutulong din ang grupo na makagawa ng email account ang aplikante para makarehistro.
Katulad din ng ginawa nilang pagsisikap upang makapagtapos ng kurso habang naninilbihan bilang kasambahay sa Hong Kong, naninilbihan ang grupo sa mga kapwa OFW tuwing Linggo.
Ayon sa kanila, madalas silang napapaharap sa mga taong mainipin, masusungit, lubhang seryoso o maproblema at mahirap umintindi sa paliwanag, bagamat mayroon din na malawak ang pag-iisip at hindi lubos ang pasasalamat sa kanilang pagtulong.
Pilit na lang daw silang nagtitimpi kapag napapasabak sa mga problemadong OFW. Todo ngiti pa rin sila at mahinahong nakikipag-usap at nagpapaliwanag sa kung ano ang dapat gawin ng mga aplikante para sa susunod na pagkuha nila ng OEC.
May mga pagkakataong napapahiya daw sila dahil tinitingnan sila mula ulo hanggang paa ng isang aplikante, pero ngiti lamang ang pwede nilang isukli sa mga matatalim na tingin sa kanila. Kung kakayanin ay dinadaan na lamang nila sa biruan ang usapan para nila makuha ang loob ng kanilang tinutulungan. Hindi daw sila pwedeng magtaray dahil pangalan ng gobyerno ang masisira kapag nagkataon.
Sa kabila ng hindi magandang karanasan na inaabot nila ay pasalamat pa rin ang grupo dahil marami daw silang natututunan sa tamang pakikisalamuha sa ibang tao, katulad ng paano kontrolin ang sarili. Natutuwa din sila dahil kahit sa isang maliit na paraan ay nakatulong silang maibsan ang dagdag problema sa mga kapwa nila OFW.
Ayon kay Jeistela Coñaliza na isa sa mga volunteer, ang ganitong pananaw ang nakakatulong ng malaki upang tumatag ang kanilang adhikain na patuloy na magsilbi. Gaano man kahirap ang kanilang nararanasan tuwing Linggo ay masaya pa rin daw sila at inspirado dahil alam nilang sa maliit na paraan ay nakakatulong silang mapagaan ang dinadala ng kanilang kapwa OFW.
Katuwang din nila sa pagtulong ang iba pang grupo ng Pilipino na pinakiusapan naman ng bagong labor attache Jalilo de la Torre na tumulong din para maibsan ang problema tungkol sa pilahan para sa OEC.
Kabilang sa kanila ang Global Alliance na pinangungunahan ni Leo Selomenio, na nakatokang mamigay ng mga application form sa mga aplikante na pumupunta sa shop ng Smart sa Worldwide Plaza tuwing araw ng Sabado, kung kailan sarado ang POLO.
May iba pang grupo na umaayuda naman sa mga nagpupunta sa Metrobank sa Admiralty at iba pang lugar sa labas ng POLO na napakiusapan din ni Labatt de la Torre na tumulong.
Bagamat nabawasan ng malaki ang bilang ng mga pumupunta sa POLO para kumuha ng OEC dahil sa mga pamamaraang ito, ang tunay na hamon ay makikita sa darating na buwan, kapag dumagsa muli ang gustong umuwi sa Pilipinas. Muling masasabak ang BM Online volunteers at iba pang grupo na tumutulong para tugunan ang matagal nang problemang dulot ng OEC.
Ngunit para sa mga nakararaming OFW, ang tunay na solusyon ay wala sa pag-aayos ng pila o pagkumbinsi sa marami na mag-online sa pagkuha ng OEC. Ang kalutasan ay nasa pagtanggal na nang tuluyan sa kapirasong papel na ito, na hindi lang kalabisan na patunay, kundi nagdudulot pa ng dagdag na sakit ng ulo at bayarin sa mga OFW.

Don't Miss