|
Si Mercy at kanyang grupo ay regular na nagbibigay ng dugo sa Red Cross |
“Muntik na akong ma scam kahapon…because
of trust.”
Ito ang bungad ni Mercy Permales,
lider ng United Philippine Taekwondo Organization Hong Kong (Upto HK) at Lady Drivers Organization Hong
Kong, nang ilahad ang naging karanasan niya sa pakikipag chat sa isang
nagpapanggap na kakilala niya noong nakaraang Martes, Mar 21.
Una ay kinuha ng ka-chat ang kanyang
telephone number gamit ang Facebook account ni Zachery Wong, isang driving
instructor na laging naiimbitahan na magbigay ng pagsasanay sa mga Pilipino na
gustong makakuha ng lisensiya sa pagmamaneho sa Hong Kong.
Ayon sa ka chat niya ay isasali siya
sa isang raffle ng HKTV mall, pero kailangang ibigay niya ang telephone number
nya para maipasok sa palaro. Pagkabigay ni Mercy sa kanyang numero ay may nag
text sa kanya ng 6-digit code na galing diumano sa Google.
Hiningi ng kanyang ka-chat ang code,
at kunyari ay chineck kung may napanalunan siya sa raffle base sa numerong
ipinasa sa kanya.
|
Ang parte ng chat kung saan sinabihan si Mercy na nanalo siya ng $2k |
Agad-agad ay nag “Wowww” ang kausap at sinabing nanalo siya ng $2,000 sa raffle ng HKTV Mall. Kaya lang, ayon dito, ay
kailangang ipadala ang napanalunan ni Mercy sa kanyang credit card.
Sagot naman ni Mercy ay hindi niya
makita ang kanyang Visa card na hindi naman niya nagagamit, kaya ang bank card
na lang niya sa PNB ang ipinakita.
“A Hong Kong card is required for
transfer,” ang parang nalulungkot na sabi ng kausap.
Sagot naman ni Mercy, “Oh I see. I
cannot find my Visa card. Maybe just give it to someone else Mr Wong. To
President Mayette Cortez (of Road HK).”
Hindi ito pinansin ng kausap, at sa
halip ay inulit ang “Did you find your Visa card?”
Noon na nag-isip si Mercy na mag
check, at nalaman niya sa kapwa lider ng mga driver na si Mayette na na-hack
ang account ni Wong.
Para makasiguro ay nag check din si
Mercy sa internet at nalaman niya na walang instant raffle draw na isinasagawa
ang HKTV Mall.
“I did search…sa HKTV Mall web, at
wala nga silang promo na ganyan. Kaya ni report ko sa FB para hindi na rin maka
pang biktima. Kawawa naman mga kabanayan natin kung ma bibiktima,” sabi ni
Mercy.
Dagdag pa ni Mercy sinadya niyang
hindi ibinigay ang mga impormasyon sa kanyang Visa card na wala naman daw
laman.
Pero ang payo sa kanya ng mga
kaibigan, hindi importante kung walang laman ang kanyang credit card dahil
siguradong gagamitin ito ng hacker para
ipamili, at ang lahat ng mga iyon ay sa kanya sisingilin.
Naka block na daw sa kanya ngayon
ang hacked FB account ni Wong, at dahil sa nangyari ay mag-iisip daw muna siya
nang matagal bago kagatin ang ano mang alok ng mga ka chat, lalo kung may
kinalaman ito sa pera.