Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

‘Take care’

Posted on 15 October 2018 No comments

Alas dyes na ng gabi at handa ng matulog si Rowena nang marinig ang katok sa pinto at tawag ng among babae. Nagtataka man ay agad niyang pinagbuksan ito at tinanong kung may kailangan. 

Humingi naman ito ng paumanhin bago sinabi ang, “Rowena, I'm so sorry but can you please come with me? Sir got an accident.” Gulat na tinanong niya ang amo kung ano ang nangyari pero sinabi lang nito na magbihis na siya agad para masamahan siya sa paglabas. 

Pupunta pala ito sa Hong Kong University para puntahan ang asawa na naaksidente daw sa may hagdanan doon at hindi makalakad. Halos maputol ang hininga ni Rowena sa paghabol sa amo na mabilis na lumalakad. 

Pagdating sa unibersidad ay nakita nila ang among lalaki na nakasalampak sa may hagdanan at namamaga ang bukong-bukong. Hindi na ito makatayo sa sobrang sakit, at pati ang mga gamit ay nagkalat sa paligid. Pababa daw ito sa hagdanan, at dahil sa sobrang dilim ay nagkamali sa pag-apak. Akala daw nito ay nasa ibaba na siya ngunit may isang hakbang pa palang natitira sa hagdanan kaya ito natapilok. 

Kinailangan nilang alalayan ito sa magkabilang braso para maisakay sa taksi at maiuwi sa bahay. 

Habang naglalakad ay panay sabi daw ng amo sa kanya mag-iingat at huwag gagamit ng cellphone kung naglalakad, lalo na kung bumababa sa hagdanan. Panay “yes ma’am” at “yes, sir” na lang daw ang isinagot niya. 

Dahil sa nangyari ay isang linggong nakabenda ang paa ng kanyang among lalaki at hindi makapasok sa trabaho. Mabuti na lang at ang asawa nito ang matiyagang nag-alaga dahil bugnutin ang among lalaki, na kapag hindi naintindihan agad ang utos ay agad nagkukunot-noo. 

Ang maganda lang, dahil sa aksidente ay lagi na nitong sinasabi kay Rowena ang “You take care” tuwing lumalabas siya ng bahay. 

Sa isip ni Rowena, sa loob ng dalawang taon at anim na buwan niyang paninilbihan sa mga ito ay ni minsan ay hindi siya kinumusta o tinanong tungkol sa kanyang pamilya. Kung di pa naaksidente ay hindi ito magpapakita ng pag-aalala sa kanya. Si Rowena ay 33 taong gulang, dalaga at taga Iloilo. Naninilbihan siya sa mag-asawang Intsik na taga Pokfulam at may dalawang anak. – Ellen Asis

Ayaw sa mapustura

Posted on No comments
Noong bagong dating si Selya ay simpleng simple lamang siya, buhaghag ang buhok at simpleng manamit. Ngunit magmula nang magka boyfriend na banyaga ay unti-unti nang nagbago ang kanyang aura at natuto siyang mamustura. 

Lalo pa siyang nagpaganda nang dumating ang kanyang nobyo mula sa Amerika, at dalawin siya. Ang dating buhaghag niyang buhok ay unat na unat na at makintab. Nagpapayat din siya, at magara nang pananamit. 

Noong dumating ng ilang araw ang kanyang boyfriend ay nagpaalam siya sa amo para makapag day-off ng sunod-sunod na araw. Pumayag naman ang amo pero hindi siya pinayagang hindi umuwi gabi-gabi. 

Ang nangyari, lumalabas siya ng maaga at umuuwi bago mag alas-10 ng gabi. Mula noon ay naging bukambibig na niya ang kanyang boyfriend, na ikinatuwa naman ng kanyang mga kaibigan. Dalaga siya, at wala din daw asawa ang kanyang boyfriend na galante. 

Niregaluhan siya nito ng singsing na brilyante, cellphone at pinag-shopping pa siya. Mula noon ay pinapadalhan din siya ng pera buwan-buwan. Sa darating na Pebrero ay matatapos na sana ang kanyang kontrata, at nag-iisip siyang huwag nang pumirma ulit. 

Pero laking gulat niya noong sabihan siya ng amo na  mag impake na siya dahil dumating na ang kapalit niya. Hindi agad nakapagsalita si Selya sa pagkabigla, subalit pagkatapos mahimasmasan ay agad ding sumunod sa utos ng amo. 

Wala daw sinabing rason  ang kanyang amo, pero sa isip niya ito ay dahil sa pagiging mas mapustura niya ngayon. Binayaran naman daw siya ng isang buwang pasabi at may dagdag pang isang buwang sahod bukod sa ticket pauwi sa Pilipinas. 

Agad siyang nag-report sa kanyang agency at nakuhanan naman siya ng amo bago ang takda niyang pag-uwi sa Pilipinas. Si Selya ay 28 taong gulang at taga Northern Luzon. – Marites Palma

Nadaan sa drama

Posted on No comments
Sising sisi si Ruby sa pagpagamit niya ng kanyang pangalan para makapangutang ang kasabayang nagtraining sa OWWA at ka-agency niya, dahil ayaw nang magbayad ang itinuring niyang kaibigan. Nagmakaawa daw kasi nang husto ito noon kaya naantig ang kanyang kalooban at tinulungan niya. 

Ngayon, siya ang naiwan na nagbabayad sa pautangan para hindi madisgrasya ang trabaho niya sa among mabait pa naman. Takot siyang matawagan sa bahay at mabisto ng amo na nangutang kaya hindi siya pumapalya sa pagbabayad buwan-buwan. 

Ang akala niya kaibigan na iniutang niya ay hindi na niya matawagan sa telepono, at ang mas masaklap ay blocked na siya sa dalawang account nito sa Facebook. 

Dahil sa tiwala niya sa bolerang Pinay ay hindi na niya naisip na papirmahan sa isang kasulatan o hiningan man lang ng kopya ng pasaporte o HK ID  para man lang may pinanghahawakan siya o may ideya kung paano ito hahabulin. 

Mabuti at may isa pa siyang kasamahan sa agency na nagpayo na subukan niyang lumapit sa Konsulado at baka sakaling mapatawag nila ang balahurang kababayan para magharap sila doon. 

Payo ni Ruby sa mga katulad niyang bagong salta sa Hong Kong, huwag basta-basta magtitiwala sa iba at huwag magpadala sa kanilang mga drama dahil sa huli, ikaw na gusto lang makatulong ang siyang kawawa. 

Si Ruby ay tubong Cagayan Valley, may asawa at anak, at mag-iisang taon pa lamang sa mga amo sa Ma On Shan – Marites Palma

Baldado na nang bumalik

Posted on No comments
Ganap nang medical technologist at computer engineer ang dalawang anak ni ate Lenny nang kusang bumalik sa kanilang pamilya ang asawa niya na baldado na noon. Malugod naman siyang tinanggap ng kanilang dalawang mababait na anak  kaya hindi na nakaimik si ate Lenny. 

Iniwan sila ng kanyang asawa nang maliliit pa ang kanilang mga anak, matapos umalis papuntang Hong Kong si ate Lenny. Binalikat niya mag-isa ang pagpapaaral sa kanyang mga anak, na mabuti na lang ay parehong mabait at matalino. 

Naging malas man daw si ate sa kanyang asawa ay naging mapalad naman siya ang mga amo dahil sobrang bait nila sa kanya. Mataas ang sahod na binigay sa kanya at trinato siya na kapamilya. 

Inako din ng mga amo ang pagpasyal-pasyal ng kanyang mga anak sa Hong Kong, at tuwing nagkakaroon siya ng problemang pinansyal ay buong puso siyang tinutulungan at sinusuportahan ng mga ito. Masipag daw kasi sa trabaho si ate at mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay, lalo na sa pag-aalaga niya sa kanilang nag-iisang anak,  kaya ganoon siya kamahal ng mga amo. 

Hindi din maselan ang mga ito dahil natuwa pa daw sila sa kanya nang husto nang malaman na kumakain ang kanilang anak ng mga pagkaing Pinoy gaya ng binagoongang baboy, adobo, pinakbet at sinigang. Hanggang ngayon ay mahilig pa din daw sa mga ganitong pagkain ang kanyang alaga na bagamat nag-aaral na sa Europa ay nagpapaluto pa rin sa kanya ng mga ito tuwing umuuwi sa Hong Kong. 

Kamakailan ay dumating ang isa pang biyaya kay ate dahil ang bunso niya ang napili ng kumpanyang pinagtatrabahuan na ipadala sa New Zealand. Biro daw ni bunso sa kanya, baka pagdating ng araw ay pwede na siyang mag-petisyon para doon na lahat silang lahat tumira. 

Napapaluha si ate habang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan kamakailan tungkol sa mga biyayang ipanagkaloob sa kanya ng Panginoon, lalo na sa pagkakaroon ng mababait at responsableng mga anak. Nagpapasalamat siya dahil hindi daw siya pinabayaan ng Diyos sa mga panahong hirap na hirap siya. 

Si ate Lenny ay tubong Nueva Ecija, 55 taong gulang at kasalukuyan pa ring naninilbihan sa mga mababait niyang employer na Intsik na taga Shatin. – Marites Palma

Bumagsak ang presyon ng dugo

Posted on No comments

Si Tricia Sallaya 26, taga Isabela ay isinugod sa Pamela Youde Nethersole Eastern Hospital sa Chaiwan noong Set. 3  matapos  manlambot sanhi ng  pagsusuka.

Ayon mismo sa kanya nangyari ang insidente bandang alas 5 ng hapon matapos silang mag-swimming na magkakaibigan sa Big Wave Beach sa Shek O. Mabuti at agad naman daw nakatawag ng ambulansiya ang kanyang mga kasama.

Kaya pala ganoon na lang daw ang kanyang panghihina, dahil bumagsak sa 69/ 49 na lang ang presyon ng kanyang dugo.

"Akala ko ay mako-confine ako sa ospital,” aniya.

Hindi matukoy ni Tricia kung ano ang sanhi ang biglang pagbagsak ng presyon ng kanyang dugo at pagsusuka. Ang naalaala lang daw niya siya ay kumain siya ng samut-saring pagkain na dala ng kanilang grupo bago  lumangoy sa baybay-dagat.

Sa kanyang pakiwari ang nakain niyang ubas na sobrang hinog, saging at iba pang prutas ay nahalo sa ibat ibang pagkain na posibleng panis.

Ayon naman sa mga kasama niya, nalamigan lang ang kanyang sikmura dahil siya lang naman ang nagkaganoon.

Malaki ang pasasalamat ni Tricia sa Diyos dahil pagkatapos ng dalawang oras na pananatili sa ospital ay pinauwi na siya dahil bumalik na sa normal ang kanyang presyon matapos siyang lapatan ng pang-unang lunas.

Gayunpaman, palaisipan pa rin sa kanya hanggang ngayon kung bakit biglang bumagsak nang ganoon kababa ang presyon ng kanyang dugo. – George Manalansan

Young voters to dominate 2019 polls

Posted on 14 October 2018 No comments
More than one-third of voters in next year’s national and election polls are young men and women under the 18 to 35 age range, the spokesperson of the Commission on Elections (Comelec) said.

At a media forum in Manila, Comelec spokesman James Jimenez said this translates to about 20 million voters out of the 61 million expected number of voters.

Of the number, 1.9 million are potentially overseas Filipino workers.

Crowd at the Commission on Elections.
The young electorate was followed by the oldest demographic (senior citizens aged 60 and up) and then the middle-aged population.

“Malaki ang impluwensiya ng kabataan sa darating na eleksiyon. Dahil nadagdagan ng alumni ng Sangguniang Kabataan na di na kailangang magparehistro ngayon (The youth’s influence in the coming elections is big. This is because those who registered for the [2018] Youth Council polls do not need to register again),” Jimenez said.

The filing of certificate of candidacy started on Thursday “but your time to choose your candidates is running out. By now, you should know who you are looking for,” he said.

“The most important thing right now is for the youth to decide what the issues are. The problem with us is that we get overwhelmed with collateral noise,” he added.

The filing of CoCs for the national and local elections in May next year were set on October 11, 12, 15, 16 and 17.

Those who voted in the recently held barangay (village) and youth council polls are automatically eligible to vote in the 2019 elections, Jimenez said.

De susi ang sangkap sa pagluluto

Posted on No comments
Nadagdagan ng timbang si Maura kamakailan dahil mas nakakagalaw na siya ng mabuti sa bahay ng amo. Dati ay hirap si Maura dahil masyadong napakahigpit ng kanyang among babae na 65 taong gulang, mayaman pero kuripot. Lahat ng gamit sa bahay ay kinukuwenta, at ultimong sangkap sa pagluluto katulad ng mantika, toyo at pati kanin ay nakasusi lahat.

Dalawa silang kasambahay, pero dahil kay Maura nakatoka ang pagluluto ay siya yung hirap na hirap. Bago siya magluto ay kailangan niyang sabihin sa amo para buksan nito ang cabinet na naka lock. Pagkatapos ay kailangan din niyang ipaalam para maibalik lahat ng gamit sa cabinet at masusian ulit ng matanda.

Kahit natutulog na ito ay nasa bulsa pa rin ang susi. Noong nagdaang taon ay natagpuan na may cancer sa bituka ang matanda, at nang lumala ay kinailangan nitong manatili sa ospital. Si Maura ang laging natotoka na tumigil sa ospital at magbantay sa amo.

Isang araw, ganoon na lang ang pagkabigla niya nang kausapin siya nito at humingi ng tawad dahil sa ginagawa nitong pagtatago ng mga gamit at sangkap sa bahay, at pagiging madamot sa pagkain. Pumanaw ang matanda nitong nakaraang Pebrero, at ang asawa lang nito ang naiwan sa bahay para alagaan ni Maura at ng kasama nitong Indonesian.

Kaiba sa asawa ang matandang lalaki dahil hindi nito sinususian ang cabinet na may lamang mga sangkap, at sinabihan pa ang dalawang kasambahay na maari nilang kainin ang kahit anumang pagkain na nasa refrigerator.

Binilin daw kasi sa kanya ng namayapa niyang asawa na ituring na kapamilya ang dalawang katulong. Dahil dito ay mas masaya na ngayon sa pagsisilbi ang dalawa sa kanilang amo na nakatira sa New Territories.

Si Maura ay taga Mindanao, 43 , may asawa at dalawang anak na babae na nasa high school. – Merly Bunda

Ano ang gagawin kung nasunog ang niluluto

Posted on No comments
Si Irene na isang buwan pa lang sa Hong Kong ay nanghingi ng tulong sa Facebook dahil nasunog daw niya ang niluluto niyang kamote, kaya nangitim at umamoy ang kanilang bahay. Gusto niyang malaman kung paano matatanggal agad ang amoy bago dumating ang kanyang mga amo.

Agad namang sumagot ang mga kapwa miyembro niya sa Domestic Workers Corner. Karamihan ay nagsabi na buksan niya agad ang mga bintana at i-on ang exhaust fan. May ilan namang nagsabi na magpakulo siya ng katas ng lemon o suka, at may isa naman na ang suhestiyon ay haluan ng fabric softener ang tubig bago pakuluan.

Ang isa pang popular na suhestiyon ay magsindi siya ng kandila, nguni’t sinabi ni Irene na wala siyang makita sa bahay, at hindi pa din niya alam kung saan nakatago ang mga gamit dahil bago pa lang siya.

\Ngunit ang pinakamahalaga sa mga naging payo sa kanya ay mag-iingat siya lalo’t bago pa lang siya, na ang ibig ipahiwatig ay baka maging dahilan iyon para ma-terminate siya. “Delikado yan sis, bantayan mo kalan if nagluluto ka baka mag cause yan ng sunog,” sabi ni Ofelia.

Sabi naman ni Marieta: “Pakulo ka ng lemon at cinnamon stick, high fire. Ingat kabayan. Lalo’t baguhan ka.”

Laking pasasalamat naman ni Irene dahil marami ang agad na sumagot sa kanyang panawagan. “Thank you talaga po dito sa inyong lahat..much appreciated po ang mga suggestions nyo po..binuksan ko lang po ang bintana ng kusina namin at pina on ko ang exhaust fan at ceiling fan...at electric fan..Thank you, thank you talaga ng marami..nakakaluwag sa pakiramdam na maraming mga kababayan na handang tumulong sa oras ng kagipitan....God bless po sa atin.” – DCLM


Bello sneaks into HK, fails to meet Filcom

Posted on No comments
The SUN 

Labor Secretary Silvestre Bello III made a lightning visit to Hong Kong on Sept 29 after gracing the opening of Jollibee in Macau, but did not meet with leaders of the Filipino community.

Silvestre Bello III
Migrant leaders had hoped to see him to discuss the new resolution he signed as chairman of the Philippine Overseas Employees Administration, providing for mandatory insurance coverage for all overseas Filipino workers.

The day before, Bello was the guest of honor at the inauguration of the first Jollibee outlet in Macau. Also present at the event was Jollibee Foods Corporation founder Tony Tan Cak-tiong

During his short visit to Hong Kong, Bello reportedly took the new Philippine labor attaché to Macau, Mon Pastrana, on a tour of the Philippine Consulate in Admiralty and the POLO Hong Kong offices in Wanchai.

They then had a closed-door meeting with POLO officers and staff during the visit.

According to Labor Attache Nida Romulo, Bello also visited the Filipino Workers Resource Centre in Kennedy Town to look at the situation of the 11 OFW wards there.

Afterwards, Bello reportedly told Romulo to check on the needs of the wards and promised them livelihood assistance when they return home.

A few OFWs who happened to be at POLO on the Saturday that Bello was there managed to get him to pose for a few pictures with them. One later gushed on Facebook how approachable the labor chief was.

OFWs slam proposed law forcing them to pay for SSS

Posted on No comments
By Daisy CL Mandap

Filipino migrant workers have reacted angrily to reports that the Philippine legislature has passed a bill forcing them to pay for membership to the Social Security System which starting next year, will cost them Php2,400 (HK$348) every month.

Under the proposed Social Security Act of 2018 passed on Oct 4, the mandatory SSS membership to be paid by all OFWs, both land-based and sea-based, will go up by 12% next year (from the current 11%), and will gradually increase, reaching 15% by 2025.

According to Migrante International, a support group for overseas Filipino workers worldwide, that would result to Php144 billion in earnings from the first year of  implementation alone.

The news came just a month after the Philippine Overseas Employment Administration, with Labor Secretary Silvestre Bello III as chairman, passed a resolution forcing all OFWs to pay for personal insurance each time they sign an employment contract.

Under the POEA resolution signed on Aug. 28, each OFW will have to pay continuously for mandatory insurance coverage, which currently costs US$144 per two-year coverage, or roughly HK$1,200.

Together, these new exactions will result to about HK$400 (or US$50) being deducted from the monthly earnings of OFWs.

Dolores Balladares-Pelaez, chair of United Filipinos-Migrante Hong Kong, decried the new imposition as yet another form of extortion on Filipino migrant workers.

“Nakakagalit ang panibagong pangingikil na ito. Gatasang baka lang talaga tayo sa mata ng gobyerno, dapat mandatory para walang kawala,” she angrily said. “Parang tokhang na tuloy ito, papatayin ang mga OFWs sa dami ng mga bayarin. Bakit ayaw tantanan ang mga OFWs?”

She also asked why, again, no consultation was held with the OFWs, as they will be the ones to bear the financial burden from the attempt to shore up the Social Security System’s dwindling
reserves.

“Ang dapat gawin ng SSS ay habulin at tiyakin na magbayad ng premium (pareho) ang mga employers at employees, alisin ang korupsyon, at (ang) pagbibigay ng milyong milyong bonuses sa mga board of trustees nito,” said Pelaez.

As with POEA Resolution No 4 (2018), no copy of the actual SS Act of 2018 appears to have been circulated publicly, although the SSS posted a press release on Oct 9, hailing its approval by both houses of Congress.

Migrante International also circulated a press release objecting to the SSS forced contribution, saying the Duterte government will be amassing hundreds of billions of pesos at the expense of OFWs already burdened by numerous state exactions.

“Forcing all OFWs to be covered as compulsory SSS members is outrageous since this exaction will be on top of the US$144 mandatory insurance recently enacted under the Duterte regime through POEA,” said Migrante International spokesperson Arman Hernando.

Like the POEA Resolution, the SS Act provides that employers must pay for the new contribution, but no definite mechanism is set to ensure that this requirement is followed.

“In case host countries refuse to get the compliance of foreign employers on this SSS scheme, OFWs themselves will be forced to fully pay for the entire monthly contribution rate. That is painful considering that many OFWs are enslaved through unpaid work besides suffering from other contract violations,” Hernando said.

Despite Migrante’s strong opposition, some OFWs in Hong Kong appear to be not as perturbed by the looming fee collections.

One of them is Terry Ann Acupido Jimenez from Roxas, Isabela who has been working in Hong Kong for the past five years. She said in a random interview: “Mas ok ate, para hindi luhaan ang mga OFW pag umuwi. Kung matanda ka ng umuwi, kapag wala nang tutulong sa iyong pamilya dahil wala ka ng perang maibigay sa kanila, may SSS na sasalo sa iyo. I strongly agree kasi ako mismo wala akong insurance, panay pamilya ang lagi kong iniisip.”

But MT from Nueva Vizcaya, who has been an OFW for the past 10 years, disagrees. “Una sa lahat, paano maa-avail ng mga contributors ang benefits lalo na sa hospitalization at maternity kung sa ibang bansa sila magpagamot? Pangalawa, paano mag aadjust ang karamihan ng mga OFW kung kulang pa ang kanilang budget sa pinapadala nila sa Pilipinas?”

She also suggested that OFWs must be told exactly what to expect from the proposed legislation before it becomes law.

Pelaez says she agrees that paying for SSS membership or insurance coverage is bad per se, but OFWs, many of whom are already on a tight budget, must not be forced to pay for them.

“Sa totoo lang dito sa HK, marami na ang nag member sa SSS dahil tingin nila ok ito, kaya hindi solusyon na gawing mandatory ang problema sa nauubos na pera ng SSS, she said.

But she added Unifil-Migrante will continue to oppose any new exactions on OFWs as they already bear the brunt of spiraling prices of basic commodities back home, and most had to pay through their nose just to land a job abroad.

Don't Miss