Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Philippine News

Join us at Facebook!

Pilipino, pinayuhang pag-isipan muna ang pag-amin sa krimen

Posted on 02 February 2023 No comments

 

Ang kaguluhan ay nangyari sa tabi ng parkeng ito sa Wanchai

Handa na sanang umamin ngayon ang isang Pilipinong driver sangkot sa kasong pananakit, pero hindi ito pinansin ng isang mahistrado sa Eastern Court nang mapansin niyang wala itong abogado.

Nang tanungin si Delfin Villaremo,55 taong gulang, kung bakit wala siyang abugado, sumagot ito na wala siyang perang pambayad.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero dahil libre naman ang serbisyo ng abogado sa ilalim ng Duty Lawyer Scheme sa mga nangangailangan, binigyan siya ni Magistrate Jason Wan ng pagkakataong makahingi ng payong legal.

“Karapatan mong ipagtanggol ang sarili sa isang korte,” ika ni Magistrate Wan. “Pero pinapayuhan kitang magkunsulta sa isang duty lawyer para sa iyong sariling kapakanan, lalo na kung umabot tayo sa paglilitis. Ang Duty Lawyer Scheme ay itinatag para sa mga taong walang kakayanang kumuha ng abogado.”

Pindutin para sa detalye

Nang tanungin niya si Villaremo kung gusto niyang kumunsulta muna sa abogado, sumagot si Villaremo ng, “Yes, sir.”

Pinagpaliban muna ni Wan ang pagdinig sa kaso habang si Villaremo ay pumunta sa opisina ng Duty Lawyers' Service.

Samantala, ang isa pang akusado sa kaso na si Romeo Miranda, 45, isang construction worker, ay nagtagumpay sa kanyang hiling na payagan siyang magpiyansa, sa halagang $5,000.

Ito ang pangatlong beses na hiniling niya na palayain siya pansamantala para makita ang dalawang maliliit na anak. Nabigo siya sa unang dalawang beses na pagtatangka dahil sinalungat ito ng tagausig.


PINDUTIN PARA SA DETALYE

Si Miranda ay nahaharap sa kasong wounding dahil hiniwa niya diumano ang mukha ng kapwa niya Pilipinong si Benson Jy Mateo gamit ang kutsilyo, sa gitna ng kaguluhan sa labas ng Tai Wo playground sa Wan Chai noong Oct. 9, 2022.

Si Villaremo naman ay inakusahang sinuntok ang isa pang Pilipino na si William L. Maun sa parehong insidente.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Pagkatapos dinggin ni Wan ang ilan pang kaso, bumalik si Villaremo upang sabihing pinayuhan siya ng abogado niya na humingi ng anim na linggong pagpapaliban upang pag-aralan nito ang kanyang depensa. Hiningi rin niyang ituloy ang kanyang paglaya sa bisa ng piyansang $1,000.

Dito tumayo ang abogado ni Miranda na nagsabing hindi patas ang pagpapaliban ng kaso dahil noon pang Oktubre nakakulong ang kanyang kliyente.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Iminungkahi ng abugado na payagang mag-piyansa ng $3,500 si Miranda sa kundisyon na ilalagak niya ang kanyang pasaporte sa korte, magre-report nang tatlong beses isang linggo sa Wanchai Police Station, at iiwasang makipag-ugnayan sa mga testigo laban sa kanya.

Sinalungat ito ng taga-usig na nagsabing mabigat ang kaso ni Miranda, at malakas ang ebidensiya laban sa kanya.

Pero sa huli ay nagdesisyon si Wan na payagang magpiyansa si Miranda sa halagang  $5,000 at sumunod sa mga kundisyong iminungkahi ng kanyang abogado. Itinuloy din nya ang piyansa ni Villaremo.

Itinakda niya ang susunod na pagdinig sa May 16.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Pilipinong nabaril sa Peng Chau, di nakarating sa korte dahil nasa ospital pa rin

Posted on 01 February 2023 No comments

 

Sa lugar na ito nabaril ng pulis si Arimas nang tatlong beses

Muling pinagpaliban ang pagdinig sa kasong isinampa sa isang Pilipinong negosyante na nabaril ng tatlong beses sa Peng Chau noong gabi ng Jan. 24 matapos daw nitong sakalin at itulak sa hagdanan ang isang pulis.

Ayon sa tagausig, nasa ospital pa rin si Oliver Dairo Arimas, 43 taong gulang, kaya hindi nakaharap sa Eastern Magistracy kanina.

\

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nahaharap si Arimas sa kasong “assault with intent to prevent lawful apprehension” o pananakit  na ang intension ay pigilan ang pag-aresto sa kanya nang naaayon sa batas.

Sa hiling ng tagausig ay inutos ni Magistrate Jason Wan na ipagpaliban ang pagdinig sa kaso sa Feb. 6, o mas maaga pa, sakaling payagan nang lumabas sa ospital si Arimas.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero makalabas man sa ospital ay mananatili pa ring arestado ang Pilipino hanggang dinidinig ang kanyang kaso.

Ayon sa mga pulis, nangyari ang pagbaril kay Arimas matapos ireklamo ang diumano pag-iingay nito at iba pang mga Pilipino habang nag-iinuman sila sa isang kuwarto sa second floor ng No 6 Wing On Street sa Peng Chau bandang 10:40 ng gabi sa ikalawang araw ng Chinese New Year.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Dalawang beses na daw silang pinuntahan ng mga pulis dahil sa reklamo pero nagpatuloy pa rin sila sa pag-iingay.

Imbes tumigil ay pinagtulakan daw nito ang isang pulis at dinakma sa leeg kaya napilitan itong paputukan siya ng tatlong beses, na tumama lahat sa katawan niya.

Itinakbo si Arimas sa Pamela Youde Nethersole Eastern Hospital na kritikal ang kalagayan, bagamat matapos ang ilang araw ay ibinalitang bumuti na nang bahagya ang kundisyon nito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

May isa pang Pilipinong kainuman ni Arimas na inaresto din ngunit pinayagang magpiyansa ng mga pulis at hindi kinasuhan.

Marami ang umalma sa dami ng bala na pinaulan sa katawan ni Arimas, dahilan para magbigay ng pormal na pahayag ang pulis na naayon sa batas ang ginawa ng tauhan nilang tinawag lang na “SPC 47299”. Malaking tao daw si Arimas, kaya kinailangang magpaputok ng pulis para depensahan ang sarili.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

No more HKID replacement without appointment

Posted on No comments
Walk-ins will no longer be entertained at SIDCCs and ROP offices

The Immigration Department said today, Feb. 1, that all residents (including foreign domestic workers) applying to replace their Hong Kong ID cards with Smart IDs will now have to make a prior appointment.

Immigration’s statement said all Registration of Persons Offices (ROP) and Smart Identity Card Replacement Centres (SIDCCs) will no longer handle applications without appointments.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Those with an urgent need to replace their ID cards which have been lost, destroyed, damaged or defaced, will be attended to based on individual  circumstances.

The move comes in the wake of a large number of residents without appointments who had approached the two offices for ID card services.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The rush could have also been prompted by Immigration’s announcement that all SIDCCs will stop operating by Mar 3 this year, so all replacement applications can only be made at ROPs.

Immigration  reminded all residents to make appointments before proceeding to any ROP offices or SIDCCs “to ensure residents could apply for identity cards in a smooth and orderly manner.”

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Appointments can be made via the Immigration mobile app, the Internet of the 24-hour telephone booking hotlines, 2121 1234. Applicants are urged to pre-fill the application form when making appointments through the mobile app or the Internet for faster processing.

Residents may scan the QR codes here: https://gia.info.gov.hk/general/202302/01/P2023020100206_412029_1_1675225320957.pdf to download the Immigration mobile app or make an appointment for ID card replacement via the Internet.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Those who will be staying in Hong Kong for less than 30 days on their return will not be held liable for failing to apply for a replacement of their HKID cards during that period.

For a list of ROPs and SIDCCs and their locations, please click this link: https://gia.info.gov.hk/general/202302/01/P2023020100206_412032_1_1675225320951.pdf

 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Filipina who accepted parcel with ‘ecstacy’ gets nearly 8 years in jail

Posted on 31 January 2023 No comments

 

The ecstacy pills inside the parcel accepted by Quejada were worth $300k

A Filipina who was tempted by an offer of $5,000 in exchange for accepting a package for a “friend” nearly two years ago, was today (Jan 31) sentenced to seven years and 10 months in jail after pleading guilty to drug trafficking.

Defendant Maricris Quejada, 38, is a single mother of four who first came to Hong Kong in 2011 as a foreign domestic helper, then overstayed her visa. She was released on recognizance after filing a torture claim.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

In sentencing, Judge Susana D’Almada gave a discount for Quejada’s guilty but added six months to the sentence because of her status as a recognizance form holder, which puts her under a stricter code of behavior.

Judge D’Almada gave no credit to the defendant’s effort to help the police track down the persons who had asked her to accept the delivery of a parcel containing the party pill, “ecstacy” as no arrests were made as a result.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The judge also disregarded the defendant’s claim that she had no knowledge that the parcel she had agreed to accept contained drugs, saying she should have been alerted by the unusually high amount offered her for the simple task.

Quejada pleaded guilty to the drug trafficking charge at Eastern Court on Aug. 22 last year,  saying she was tempted to accept a package for a “friend” in May 2021, which turned out to contain about 1.9 kilos of ecstacy tablets, in exchange for $5,000.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The value of the drugs was estimated to be around $310,000.

Drug trafficking is a serious offence in Hong Kong, which carries a maximum penalty of life imprisonment and up to $5 million in fines.

In her statement to the police, Quejada said she was contacted through WhatsApp by a man who gave his name as Emeca, and later introduced a woman called Megan who he said was his girlfriend.'

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

The pair offered $5,000 to the unemployed former domestic worker if she would agree to accept a parcel for their friend Jack.

Although she found the offer suspicious, Quejada said she was tempted to agree to the deal because of the big payment that was offered.

Unknown to her, the parcel had already been intercepted and opened by customs officers at the airport, as they found it suspicious.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The shipment from Germany listed to contain “materials for a wedding gown,” yielded 1,862 grams of tablets containing 531.6 grams of methylenedioxymethamphetamine, a hallucinogenic substance found in the drug commonly known as “ecstacy”.

Quejada was arrested after accepting the package, for which she had been authorized as consignee by Megan.

Following her arrest, Emeka and Megan disconnected the phone numbers they gave her.

Their friend Jack, initially sent Quejada a message telling her where to take the drug parcel, but stopped communicating after apparently being tipped off by the two.

Customs reminds the public to stay alert, and not take part in drug trafficking activities in exchange for money. They must not agree to accept, carry or transact in illicit goods on behalf of others; or to allow others to use their name or home address for receiving mailed packages. Anyone may report any suspected drug trafficking activities to Customs' 24-hour hotline 2545 6182 or its dedicated crime-reporting email account (crimereport@customs.gov.hk).

 

DH, sinabing 5 piraso lang na alahas at hindi 25 ang kinuha niya sa amo

Posted on No comments

 


Isang domestic helper na kinasuhan ng pagnanakaw ng 25 alahas ng kanyang amo ang tumanggi sa akusasyon sa isang pagdinig ngayon sa Shatin Magistracy.

Ang dahilan ni Marivic Hitalia, 35 taong gulang na Pilipina, ay lima lang sa 25 ang inamin niyang ninakaw niya sa kanyang among taga-Ma On Shan sa Shatin.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa reklamo ng pulis, naganap ang nakawan sa pagitan ng Aug. 2022 at Oct. 28 noong nakaraang taon sa bahay ng amo ni Hitalia.

Itinuro siyang nagnakaw ng pitong gintong kuwintas, 14 na gintong pulseras, tatlong gintong singsing, at isang gintong hikaw, na pag-aaring lahat ng kanyang among babae.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Dahil sa kanyang “not guilty plea”, itinakda ni Magistrate David Chum ang paglilitis ng kaso sa May 19 at 22.

Tinanggap din niya na ang mga abogadong nagtatanggol kay Hitalia ay maghaharap ng pitong testigo para sa kanya, apat na interpreter, at isang pitong minutong video na kuha sa isang sanglaan na pinagdalhan ng mga ninakaw na alahaas.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dahil hindi hiningi ni Hitalia na payagan siyang mag-piyansa upang makalaya habang naghihintay ng susunod na pagdinig, ibinalik siya sa kulungan.

 

 

 

 

Star Ferry fares to rise by at least $1, elderly no longer free

Posted on No comments

 

View of Central from inside a Star Ferry 

From April 3 this year, the two Star Ferry routes will increase their fares from between $1 to $2.30 per trip under a plan approved by the Executive Council today, Jan. 31.

Elderly passengers who used to get free rides on both routes, will be charged the concessionary fare of $2 each trip. Monthly tickets will cost $190 each from the previous $160, while tourist tickets will cost $50 instead of the current $32.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

With the increase, the adult weekday fares on the Central to Tsim Sha Tsui route will be $5 for the upper deck and $4 on the lower deck.

During the weekends or public holidays, the fares will be $6.50 for the upper deck and $5.60 on the lower deck.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Children aged between 3 and 12 and passengers with disability will have to pay $2.90 and $2.80 for the upper and lower decks respectively on weekdays, and $3.90 and $3.80 on weekends and holidays.

For the Wanchai to Tsim Sha Tsui route, where there are no upper and lower deck prices, the higher fares will apply for both the weekday and weekend trips.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

The fare increase overall will amount to 55.2 percent on average, which is about half of what the Star Ferry Company had asked for, citing financial hardship over the past few years, especially amid the pandemic.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Having considered various factors, including the financial position of Star Ferry and forecasts of changes in operating costs, the government decided to allow a fare increase, but said the rate of increase “should be moderated to cater for the need of passengers”

PINDUTIN PARA SA DETALYE

“After the fare increases, Star Ferry is still the most affordable means of cross-harbour public transport, with fares about 30 per cent to 50 per cent lower than MTR or franchised bus fares,” said the government statement.

Puspusang kampanya para ibasura ang OEC, sinusulong sa HK

Posted on 30 January 2023 No comments

  

Maaring pumirma sa petisyon para sa pagtatanggal ng OEC dito sa Chater Road

“Isang bangungot, dagdag-gastos at perwisyo…”

 

Ilan lamang ito sa mga salitang ikinakabit ng mga militanteng migrante sa Hong Kong na kasalukuyan ngayong isunusulong ang pandaigdigang kampanya para tanggalin ang overseas employment certificate o OEC.

 

Tuwing Linggo at piyesta opisyal ay lumilibot ang mga miyembro ng iba-ibang organisasyon na kasapi sa United Filipinos in Hong Kong (Unifil-Migrante) para mangalap ng pirma tanda ng suporta para sa panawagan kontra sa OEC.


 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kabilang sa kanila ang Gabriela Chater Road, Association of Concerned Filipinos, Filipino Migrant  Workers Union, Filipino Migrants Association at marami pang iba.

 

Ayon sa isang lider ng samahan ay nakakakalap na sila ng 2,500 lagda simula nang umpisahan ang kampanya laban sa OEC.

 

Bukod dito ay may 1,225 pang pumirma sa isang online petition na matatagpuan dito: (https://www.change.org/p/ibasura-ang-pahirap-na-overseas-employment-certificate/f)


 

Pindutin para sa detalye

Sa kanilang istasyon sa Chater Road, Central ay nagtalumpati ang isang kasapi ng grupo noong Linggo, Jan 29, at ipinaliwanag kung bakit dapat nang wakasan ang pag-oobliga sa lahat ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na kumuha ng OEC bago umalis ng bansa.

 

Ayon sa kanya, ang OEC ay “naging kapitan ng ibang mandatory fees.” Ibig sabihin, hindi inaalis ng gobyerno ang OEC dahil balak nilang kabitan ito ng mga iba pang singilin, katulad ng para sa PagIBIG, na kasalukuyan nang ipinatutupad.

 

Inaala din ng nagtalumpati ang pangako ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na tatanggalin niya ang OEC sa loob ng tatlong buwan- bagay na hindi niya nagawa.


 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nanawagan siya ng sama-samang pagkilos laban sa OEC dahil malaki daw ang maitutulong nito para mas madaling makamit ang kanilang hiling.

 

Isang halimbawa aniya ang pagpayag ng Konsulado na buksan ang pintuan nito bago mag Pasko sa lahat ng mga may problema sa OEC, hindi katulad dati na hindi sila inaasikaso kung wala silang appointment.

 

Narito ang paliwanag ng Unifil-Migrante kung bakit nananawagan sila na tanggalin na ang OEC:


 

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

“Sa matagal na panahon ang OEC ay isang bangungot sa ating OFWs. Sa tuwing uuwi tayo para magbakasyon ay pwersado tayong kumuha ng OEC, dahil kung wala tayo nito hindi tayo makakabalik sa ating trabaho. Hindi palalabasin ng bansa ang mga OFW na walang maipakitang OEC sa airport.


'Bangungot' sa Disyembre, nang dumagsa ang nangailangan ng OEC 

“Bakit HINDI kailangan ng mga OFW ang OEC?

1) Dagdag gastos at perwisyo lamang ang dulot ng OEC, digital man o manual ang pagkuha. Nauubos ang day-off sa mahabang pila at hindi makaalis sa pila para kumain at makapunta sa CR.

2.  Mayroon na tayong working visa at employment contract na validated ng POEA at verified ng POLO.  Sapat na ito bilang patunay na tayo ay lehitimong OFW sa bansang ating pinagtatrabahuhan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

3.  Ginagamit ang OEC para ikabit ang iba pang mandatory na bayarin gaya ng OFW compulsory insurance at Pag-IBIG. Maaari din itong ikabit kahit sa PhilHealth at SSS. Ang mga OFW sa Macau at mga nasa Pilipinas ay puwersadong bumili muna ng insurance bago mabigyan ng OEC.

4.     Ito ay pangongotong ng Gobyerno sa OFWs na tinaguriang bagong bayani. Gatasang baka ang turing ng gobyerno sa atin, at sa halip na maglingkod, pinagkakakitaan tayo.

5.   Balon ito ng korupsyon. Saan napupunta ang sinisingil na P100 pesos ($20 sa Hong Kong) sa bawat OFW na lumalabas ng bansa gayung hindi naman napupunta sa serbisyo sa ating kagalingan? 

Pumirma, suportahan, at palaganapin ang ating petisyon!

Ibasura ang pahirap na Overseas Employment Certificate!”    

 

Pilipinang nanakit ng alaga, nakaiwas sa kulong

Posted on No comments

 

Kasama ng Pilipina nang umalis siya sa korte ang mga kumupkop sa kanya

Isang Pilipinang domestic helper ang nakaiwas sa pagkabilanggo ngayon kahit inamin niyang pinalo niya ng chopstick ang kanyang alagang bata na limang taong gulang.

Sinentensiyahan ni Magistrate Edward Wong ng Eastern Magistracy si J. Pinca, 39 taong gulang, ng 10 araw na pagkakakulong pero inutos rin niya na ito ay isuspinde.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Binalaan ni Magistrate Wong si Pinca na huwag nang lalabag sa batas sa loob ng isang taon, kung hindi ay itutuloy ang pagpapakulong sa kanya, dagdag pa ang parusang ipapataw para sa bago niyang kasalanan.

Kinasuhan si Pinca ng pananakit sa panganay sa dalawang batang alaga niya noong July 13, 2022, sa bahay ng mga amo niya sa Tin Wan, Hong Kong.

Pindutin para sa detalye

Ayon sa salaysay na binasa sa kanya, pinalo niya ng chopstick ang bata sa ulo dahil ayaw nitong kumain ng hapunan na inhain niya.

Nagsumbong ang bata sa mga magulang niya, kaya tumawag sila ng pulis kinabukasan at, matapos nilang makita sa CCTV ang nangyari, siya ay inaresto.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sinabi ng kanyang abogado na nagsisisi siya sa kanyang ginawa, na ang dahilan ay silakbo ng damdamin dahil gusto niyang matapos nang maghapunan ang mga bata upang magawa pa niya ang iba pang trabaho sa bahay.

Humingi na rin siya ng paumanhin sa kanyang mga amo.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Iminungkahi ng abogado na parusahan si Pinca ng suspendidong sentensya, dahil ang kawalan ng trabaho mula nang sya ay maaresto ay malaking parusa na para sa kanya.

Ayon sa kanya, si Pinca ay may asawang tricycle triver at dalawang anak sa Pilipinas na umaasa sa kanyang padalang pera.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nagsimula ang parusa ni Pinca sa 15 araw, pero dahil sa kanyang pag-amin ay binawasan ito ni Wong ng 1/3.

Nang matapos ang pagdinig ay sinamahan siyang lumabas sa korte ng mga kinatawan ng isang NGO (non-government organization) na siyang nagbigay sa kanya ng matitirhan habang dinidinig ang kanyang kaso.

 

Don't Miss